19

38 3 0
                                    

                                  19


Nagising ako sa sunod- sunod na katok. Nag unat muna ako ng akrawan at humikab bago tumayo at binuksan ang pintuan.

"Happy birthday!"

Napaatras ako sa gulat. Tumanbad sa akin sila Novie at Tita na may dalang cake and balloons.

"Happy birthday, Nick" they greeted.

"Thank you" Niyakap ko sila ng mahigpit.

"Make a wish" excited na wika ni Novie.

Pumikit ako at nag wish. Isa lang naman ang wish ko tuwing birthday ko. I always wish that mom would come back. Hinipan ko na ang kandila at saka niyakap sila ulit. Nangingilid ang mga luha ko ng maalala ang huling kaarawan ko na kasama ko sila mommy. It was a long time ago but I can still recall how happy I am that day.

"May lakad ka ba ngayon, Nick?" Tanong ni Tita Isabel.

"Plano ko po sana ba maglunch sa labas kasama kayo."

"Iba talaga basta birthday girl" si Novie.

Kumain muna kami ng agahan. Pagkatapos kong kumain, pumanhik na ako sa kwarto. Tinignan ko ang cellphone ko at nabasa ang mga birthday greetings ng mg taong malalapit sa akin . Nireplyan ko sila isa- isa. Nabasa ko rin ang text ni dad, humihingi siya ng paumanhin dahil may business trip siya ngayon. It's okay, I understand.

Nagtungo ako sa Instagram account ko. Maraming nag message sa akin, karamihan galing sa kaklase ko. They even tagged me on their stories. Pinasalamatan ko silang lahat. Nag post ako ng mga litrato ko ba nakasuot ng birthday hat.

Napamura ako sa inis ng biglang tumawag si Ali.

"What?!" Bulyaw ko.

"Bakit ang sungit mo?"

"Pwede ba sa susunod, kung tatawag ka mag text ka muna."

I heard him chuckled.
"Wag ka na masungit, birthday girl. Happy birthday!"

"Thanks"

"Anong plano mo ngayong araw?"

"Kakain kami sa resto"

He sigh in dismay . "Sayang, hindi ako makakapunta"

"Hindi ko naman sinabi na pumunta ka"

" Whatever. Sige na, enjoy your day birthday girl"

Pinatay ko na ang tawag saka naligo na. Kasalukuyan kaming nasa resto malapit lang sa lugar namin. Kakatapos lang namin mag order.

"Sa bahay nalang sana tayo kumain, mapapagastos ka pa" Nahihiyang sambit ni Tita Isabel.

"Okay lang tita, minsan lang naman ako manlibre. At, pasasalamat ko na rin ito sa inyo"

"Thankful siya dahil may pinsan siyang maganda" Nakangising wika ni Novie.

"Ang ganda mo talaga dahil may boy--- aray!"

Napa aray ako ng tapakan niya ang paa ko. Pinandilatan niya ako ng mga mata. Napatakip ako ng bibig nang mapagtanto ko kung ano ang sinabi ko kanina.

"Dahil ano Janick?" naguguluhang tanong ni Tita Isabel.

Napakamot ako ng batok at nag isip ng palusot.

"Dahil may mga lalaking nagkakagusto sa kanya"

Mabuti nalang naniwala si Tita Isabel sa sinabi ko. Pareha kaming kabado ni Novie, gusto kong tampalin ang bibig ko dahil sa inis. Hindi nagtagal, dumating na rin ang orders namin. Nagsimula na kaming kumain at nagkwentuhan.

OVER THE MOON [CAMPUS SERIES #1] COMPLETED Where stories live. Discover now