26

42 4 0
                                    

                                  26


Ilang araw ang nakalipas,  pasko ang bukas. Abala kami ni Novie sa pagdidisenyo sa bahay at paghahanda ng kakainin namin mamaya. Simple lang ang handa namin total kami lang naman tatlo ang nasa bahay.

"Diyan mo lang ilagay ang fairy lights" utos ko.

Tumango si Novie" Anong regalo mo sa akin, Alina?"

"Wala, friendship lang"

Sinamangutan niya ako. "Anong regalo mo kay Symone?"

"Secret,"

"Ayan! Pag si Symone meron, ako wala" Pagrereklamo niya.

I prepared something special for Symone. Nag order ako sa online ng customized photo puzzle. Ang ipiniligay kong litrato ay yung nasa Muntinlupa kami. Sana magustuhan niya ang regalo ko. Pupuntahan ko siya bukas. Nag- aalala ako sa kanya dahil hindi pa siya narereply sa mga text ko. Iniiwasan kong isipin na nagiging malamig na ang pag trato niya sa akin. Ayokong isipin na baka nagsawa na siya o may iba na siya. Maybe he's entertaining someone else, total hindi ko pa sinasagot. Pero hindi ko na mapigilang mag- overthink, okay naman kami noong huli naming kita.

"Magsisimba tayo mamaya, bilisan niyo diyan para matulungan niyo akong magluto" sigaw ni Tita Isabel.

"Sige po" tugon ko.

Pagkatapos namin mag- disenyo , nagtungo na kami sa kusina. Ang mga panghimagas muna ang inuna namin ni Novie. Muntik pa kami mag- away ni Movie dahil ayaw niyang lagyan ng pasas ang macaroni salad. Hindi kasi siya mahilig sa pasas, bandang huli, hindi nalang namin nilagyan. Ako nalang ang mag- aadjust.

Kinagabihan, pumunta na kami sa simbahan. Sobrang dami ng tao ngayon. I greeted someone my classmates who's also here.

"Himala talaga, dahil namamansin ka" rinig kong sabi ni Novie.

"Namamansin naman talaga ako"

"Sus, sabi nga ng classmates natin, hindi ma raw namamansin"

I chuckled. "Namamansin ako kapag feel kong mamansin"

Natawa siya sa sinabi ko. Umayos na kami nang magsimula ang misa.

Pagkatapos ng misa, nauna na kaming umuwi ni Novie dahil may pupuntahan pa si Tita Isabel.

"Picturan mo ako, beg"

Inabot sa akin ni Novie ang cellphone niya. Kinuhanan ko siya ng maraming pictures. Ako naman sunod an kinuhanan niya ng litrato. Panay ang utos niya sa akin kung ano ang gagawin kong posing.

"Ang ganda talaga ng pinsan ko, parang supermodel"

Umismid ako. Ayokong maniwala sa sinabi niya, hilig pa naman niya mang- uto. We also took pictures together. Hindi pa kami kumakain dahil hinihintay pa namin si Tita Isabel.

"I miss you girls!" Wika ni Leila.

Kasalukuyan kaming nakikipag- video call sa mga kaibigan ko habang hinihintay si Tita Isabel.

"Kailan ka ba uuwi?" Tanong ko.

"December 28, may pasalubong ako sa inyo"

Nagpalakpakan kami dahil sa excitement

"Nakakainis! Hindi ako pinayagan ni mommy na lumabas pero pinayagan nila si Kuya" Niecy pouted her lips.

"Bakit? Saan ba siya pumunta? Baka importante ang lakad ng kuya mo"

Umiling iling si Niecy.

"May lakad sila magbarkada"

Bigla kaming nagkatinginan ni Novie. Maybe Symone is with them.

OVER THE MOON [CAMPUS SERIES #1] COMPLETED Where stories live. Discover now