01

129 7 0
                                    

                                  01



“Kumusta ang first day of school?” Tanong ni Tita Isabel.

“Okay lang” tipid kong sagot. “By the way, uuwi daw si Novie bukas.”

“Ah ganon ba? Lilinisin ko muna ang kwarto niya.” Wika niya at tsaka nagtungo sa kwarto ni Novie.

Kasalukuyan akong nagluluto ng hapunan ng biglang tumunog ang cellphone ko. A call from an unknown number. Nagdadalawang isip akong sagutin ito baka sina daddy o Ali ang tumatawag. Napagpasyahan kong hindi ito sagutin.

Kinabukasan maaga akong nagtungo sa skwelahan. Napagdesisyonan kong mag libot-libot muna ang skwelahan. Una kong pinuntahan ay ang library. It has wide glass window. Inside the library, mayroong couches, wooden tables and chairs.

May second floor ito kung nasaan ang computer room. Sunod kong pinuntahan ay ang Campus Arena. Sobrang laki at sobrang ganda ng interior design.

Inilabas ko ang cellphone ko para kumuha ng mga litrato. Habang abala ako sa pagkuha ng litrato, nanlaki ang mga mata ko ng mapansin na may naghahalikan sa may bandang dulo ng arena.

Hindi ko masyadong maaninag ang mga mukha nila. Nataranta ako ng biglang tumunog ang cellphone ko dahilan upang tumigil sila at tumingin sa akin. Agad kong pinatay ang tawag at mabilis na umalis. Bago pa ako makalayo, biglang may humawak sa braso ko dahilan upang mapahinto ako sa paglakad.

“ Hey, promise me that you won’t tell anyone what you saw.” Matigas nitong sabi habang hawak pa rin niya ang braso ko.

Napalunok ako ng ilang beses bago siya hinarap. Napaatras ako ng makita kung sino ang lalaking nakahawak sa braso ko. It’s him. Ali’s friend.

“Get off me!” My brows furrowed.

Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkahawak sa braso ko. “Forget what you saw earlier---”

“Ano ba?! Bitiwan mo nga ako! Nasasaktan ako, bwesit ka!”

Naramdaman ko na niluwagan niya ang pagkakahawak sa braso ko. Kaya mabilis ko itong hinawi at tumakbo palabas ng Arena.

Tumigil ako sa pagtakbo ng makarating ako sa building namin. Hingal na hingal akong umakyat papunta sa room. I can’t believe what I saw earlier! That was fvcking insane.

Pagkarating ko sa room ay agad akong sinalubong ni Novie.

“Bakit hindi mo sinagot ang tawag ko ha?! Jusmeyo, kanina pa kita hinahanap” Saad niya at kinirot ang tagiliran ko.

“Aray! Ano ba?” reklamo ko.

“Saan ka ba galing Ineng?” Pag- uusisa niya.

Umupo muna ako bago siya sagutin. “ Cafeteria.”

“Liar” She rolled her eyes. “ I went there, ni anino mo hindi ko nakita. Now tell me, saan ka galing ha?”

“Arena, nilibot ko ang campus. Okay ka na ba sa sagot ko?”

“Sana sinama mo ‘ko. Punta tayo sa Arena mama---”

“No…. never.” I cut her off.

“Huh? Why? Gusto ko lang naman malibot itong campus, pretty please” she pouted.

Wala akong nagawa kundi tumango. Hindi nagtagal ay dumating ang professor namin. Hindi ko mapigilang isipin ang nangyari kanina. Ang aga nila maglandian, jusmeyo. In broad daylight, laplapan agad? At wag ko raw ipagsasabi ang mga nakita ko? Anong tingin niya sa akin, marites? Tsaka ang sakit ng braso ko, bwesit siya. But he has soft and smooth hands. Gosh, what am I talking about?

“Ms. Ysmael, are you listening to the discussion? Or just daydreaming?”

“Po? Sorry po.” Mabilis kong sagot.
Natapos lahat ng morning subjects namin and it’s lunchtime.

Kasalukuyan kaning kumakain ng tanghalian.“Kanina ka pa tulala, pati si Ma’am ay napansin ka. Anyare girl?” tanong ni Novie.

“Nothing.” Sagot ko. “Sasabay ka ba sa akin mamaya?"

“Yup,”

“Paano yung trabaho mo?”

“I got fired. And please don’t tell mom about this.” Malumanay niyang sabi.
“Bakit at kailan lang?”

Napabuntong hininga ito bago sumagot. “ Kahapon. Nagbawas sila ng mga empleyado,”

“And how about your apartment? Saan ka kukuha ng pambayad?”

She shrugged her shoulders. “ Maghahanap ako nga bagong trabaho sa lalong madaling panahon. Alam kong hindi kaya ni mama bayaran ang tuition fee at ang iba pang bayarin. Not like you, you don’t need to work.

“Samahan kita maghanap.” I smiled.

“ This 4pm? G ka ba?” Mabilis akong tumango.

Alas kwatro na nang hapon at nagtungo na kami sa café na malapit lang sa campus. Nalaman namin na naghahanap sila ng waitress.

Pagkarating namin sa loob ng café, agad nagtanong si Novie kung may naghahanap pa ba sila ng waitress.  Fortunately, hindi pa sila nakakahanap. Agad kinausap ng manager si Novie para sa interview. Naiwan akong naghihintay na matapos ang interview niya.
Ilang minuto ang nakalipas, lumabas ito kasama ang manager ng café.

“Beh, guess what? I’m hired!!” Masigla nitong sabi sabay yakap sa’kin.

“Good for you. You don’t need to worry na.” Banayad kong sabi. “Kailan ka raw magsisimula?”

“ Bukas. 5pm to 9pm. Wish me a good luck. Punta ka dito bukas Nick, ililibre kita.”

“ Okay. Tara na, baka naghihintay na si Tita. Excited pa naman iyon dahil uuwi ka,”

Papalabas na sana kami kaso nakasalubong namin sina Ali. Pag minamalas ka nga naman. Kasama niya yong lalaking may kalaplapan kanina. Halos hindi ko siya matingnan ng deristo.

“Uuwi na ba kayo?” tanong ni Ali.

“Obviously,”

“Hatid na kita Nick,” Pag aaya ni Ali sabay hawak sa balikat ko.

“No thanks.” Matigas kong sabi. “ And please, stop calling me ‘Nick’. We’re not that close.”

Mabilis kong hinila palabas si Novie. “ I hate him.” I said.

“Sa ayaw o sa gusto mo, magkikita talaga kayo. ‘Wag mo na lang pansinin.”

Agad kaming sinalubong ni Tita Isabel pagkarating namin sa bahay. Niyakap niya si Novie ng sobrang higpit dahil ilang buwan na niya itong hindi nakakasama. Mapakla akong ngumiti dahil hindi ko maiwasang mainggit. Ilang taon ko nang hindi naramdaman ang yakap ng isang ina.

I wish mom is here. Sana may yayakap rin sa akin pagkauwi ko galing skwela.

“ Magbihis muna kayo bilis. Maghahanda ako ng hapunan natin.”

Mabilis akong umakyat sa kwarto at nagbihis. Bago ako bumaba ay kinuha ko muna ang cellphone at tiningnan ang kung meron bang mga messages. Ngunit ni isa wala.

Agad kong pinatay ang cellphone ko ng marining ang boses ni Novie.
“Halika na, tulungan natin si mama.”
Pagkababa, tinulungan naming
magluto si Tita.

She’s cooking Novie’ s favorite. I bitterly smiled while looking at them happily cooking together. Pilit kong pinipigilan ang sarili kong umiyak.

I wish mom is here…








-----
I’m open to criticisms! Spread love and positivity<3 Ily!!!




OVER THE MOON [CAMPUS SERIES #1] COMPLETED Where stories live. Discover now