30

45 1 0
                                    

                                  30

                     

"Anong eksena niyo ni Symone kanina?" Mapanuyang tanong ni Novie.

Umismid ako saka siya inirapan.

She saw us earlier, kaya panay ang tanong niya sa akin. Ang chismosa talaga.

"Ilang beses ko ba sasabihin sayo, kung mag uusap man kami ay tungkol iyon sa bahay ni mommy" paliwanag ko.

Tumango-tango ito. "Okay, tungkol lang pala sa bahay ni Tita. Nagkita na pala kayo ng anak niya"

I nodded.

"Andy is a smart boy. He has a lot of features similar to Symone. Ang gwapong bata, manang-mana sa daddy. Diba, Alina?"

Sumang-ayon ako. Noong unang kita ko kay Andy, hawig niya talaga si Symone. The mini version of Symone.

"Pero naaawa ako sa bata, binubully siya dahil wala raw siyang mommy."

"What do you mean? Iniwan ba siya ng mommy niya?" I asked.

" I don't know. Pwede rin ano...ikaw nalang ang mommy ni Andy"

Tinaasan ko siya ng kilay. Kahit kailan talaga ang galing mang asar sarap sapakin.

"Kailan ba ang reunion natin?" Pag iiba ko ng usapan.

"Ngayon sabado na, punta tayo"

Tumango ako. I made up my mind. I'll spend time with habang nandito ako sa pilipinas.

"Oh my god! I'll tell them na pupunta ka"

"Punta tayo sa mall mamaya" pag aaya ko.

"Pasensya na, pero hindi ako pwede mamaya"

I tapped her shoulder. "It's okay, ako nalang ang pupunta"

Kasalukuyan akong nasa parking lot ng mall. Nireplyan ko muna ang mga kliyente ko bago bumaba ng sasakyan at nagtungo sa boutique.

"This is C'est cool dress in khaki by Bec and Bridge"

Ipinilig ko ng mahina ang aking ulo at tinignan ng mataman ang dress. Sinukat ko muna ito bago napagpasyahan na bilhin ito. Pagkatapos ko bumili ng damit, naglakad na ako pabalik ng parking lot. Sasakay na sana ako ng kotse nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napatakip ako ng bibig nang makita ang pangalan ni Leila at Niecy. They're video calling me.

"Hi" Bati ko sa kanila.

"HOY GAGA! KAILAN KA OA DUMATING? BAKIT HINDI MO SINABI? GOSH! YOU SHOULD HAVE TOLD US" bulalas ni Niecy.

Napansin kong sumimangot si Leila. "Kailan ka pa dumating?"

"I was about to surprise you guys. P-paano niyo nalaman na nandito na ako sa pilipinas?"

"Nakita namin ang post ni Symone sa IG"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Leila. "Wait-- what? What post?"

"See it for yourself"

I ended the call. Tatawag nalang ulit ako mamaya. Sa ngayon, titignan ko muna kung totoo ang sinasabi nila. I searched his name on IG, baka sakali ito pa rin ang account niya.

"Ah, shit, shit!"

Napamura ako ng paulit ulit nang makita ang post nito. Picture ito ng inorder ko noong nagkita kami sa cafe, may caption itong 'AJ is back '

Biglang bumilis ang pintig ng puso ko nang mapansin na ito ang kauna-unahang post niya after 7 years. Hindi pa rin niya binubura ang post niyo noong nasa Muntinlupa kami. I don't have any word to explain what I am feeling right now. But one thing is for sure, this is the feeling I felt seven years ago.

OVER THE MOON [CAMPUS SERIES #1] COMPLETED Where stories live. Discover now