16

45 6 0
                                    

                                 16




"Bakit nawala ang post mo? Binura mo na?" Tanong ni Novie na tutok pa rin sa cellphone niya.

"Yeah," I lied.

Today is Monday. Sa wakas, lunes ang sinabi ni Niecy kung kailan pwede ko na burahin ang post ko. Pero hindi ko ito ginawa, hindi ko ito binura. Inilagay ko lang sa archive. Hindi ko alam kung bakit inilagay ko sa archive kung pwede naman burahin nalang.

"Ano ba yan!" Pagmamaktol niya.  "May aawayin pa ako dun eh"

Inirapan ko siya at naglakad papasok ng campus.

"Diba peace and order lang tayo?"

"May unfinished business pa ako dun eh"

Dumaan muna kami ni Novie sa faculty dahil may kukunin kaming materials. Pabalik na kami room ng biglang humarang si Seanne. Hindi ko na kailangang itanong kung bakit andito siya sa harapan ko ngayon.

"I saw your post" panimula niya.

"Binura ko na,"

Naging matalim ang titig niya sa akin.

"Alam mo na may girlfriend yung tao, diba? Tapos loml?" Medyo tumaas ang boses niya.

"That was just a dare"

Halatang nagtitimpi siya.

"First year ka palang, ang landi landi mo na. You just love the attention, right?"

Nanlaki ang mga mata ko. Biglang uminit ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Gusto ko siyang sabunutan hanggang makalbo siya.

"You're calling her malandi?" Matapang na tanong ni Novie. "Hindi ko gusto yung lumalabas sa bibig mo. Hindi porket napakalandi mo, may gana ka nang magsalita ng ganyan. Where did you get your guts? Is it because Symone is your boyfriend, huh?"

Nakita ko ang panliliit ng mga mata ni Seanne, kaya mabilis kong hinili si Novie papaalis, baka gumawa pa siya ng eksena.

"Tandaan mo, hindi ka maganda!" Pahabol niya.

Kinurot ko siya sa tagiliran. " Hindi mo na sana siya pinatulan."

"Deserve niya yun! Pag nasuntok ko siya sa dibdib, lulubog yung boobs niya" gigil niyang sabi.

Nagpipigil ako ng tawa hanggang nakarating kami sa classroom. Pagkaupo ko, agad akong pinalibutan ng mga usiserong kaklase.

"Kayo pala ni Symone? Akala ko si Ate Seanne"

"Pero mas bagay kayo"

"Kaya pala ganadong pumasok dahil may Symone"

"Hep!hep! Dare lang yun guys. Bumalik na kayo sa mga upuan niyo dahil andito na si sir."

Naging mabilis ang oras. Kasalukuyan kaming kumakain ng tanghalian sa cafeteria. Ang bilis nasagap nila Niecy at Leila ang balita. Ngayon, nagpupuyos sila sa galit.

"Baka nasabunutan ko iyon, beh" si Leila.

"Ang sama talaga ng ugali" si Niecy

Novie chuckled.

"Ang lakas ng loob, hindi naman pantay ang blush on"

Natawa ako sa sinabi niya. Pati ang blush on ni Seanne napansin niya.

"Ano kaya ang nagustuhan ni  Symone du?"

Nagkibit balikat ako.

"Sayang talaga wala kami kanina"

Pagkatapos naming kumain, napagpasyahan namin pumunta sa park. Papalabas na sana kami ng biglang huminto si Novie at hinila ako. Napamura ako ng hilahin niya ako papunta kay Symone na nakapila .

OVER THE MOON [CAMPUS SERIES #1] COMPLETED Where stories live. Discover now