34

51 1 0
                                    

                                  34



“Tama ba itong ginawa ko?” Tanong ko kay Novie sabay pakita sa mga ginupit kong letra.

“Oo,”

“Mahal ang TF ko beh,”

She chuckled. “Irereto nalang kita bilang kapalit ng iyong kabutihan.”

“Wag na,”

“Bakit ayaw mo?” Natatawa niyang tanong.

I don’t trust you. Alam ko kung sino ang irereto niya.

“Ayaw ko dahil ikaw ang nagsabi”

"Sus---”

“Why are you always pushing me to Symone?”

“Feeling ko kasi hindi ka pa nakaka move on. Your actions, the way you talk to him and the way you stare at him, make it clear to me.”

I chuckled. “Ikaw yung hindi pa nakaka move on, that was 7 years ago. I’ve moved on.”

“Okay, kung naka moved on ka na bakit hindi ka pa magjojowa ulit?”

“Dahil ayoko---”

“Okay, sabi mo eh.”

Mabuti nalang umalis si Andy. Kung nandito siya ngayon, he will be shocked that we are talking about his dad. Kung hindi ko lang talaga pinsan si Novie baka matagal ko na siyang binusalan. Natatawa ako dahil feeling niya hindi pa ako nakaka move on. Diyan siya nagkakamali. I moved on from Symone. That was 7 years ago for Pete’s sake.

“Symone is here”

Ngumuso si Novie para ituro si Symone.

Andy was right. Dumating nga si Symone pagkatapos ng lunch break. Nag ipon ako ng lakas bago kausapin si Symone.

“Symone..” tawag ko sa kanya
He stared at me for a while.

“May sasabihin sana ako,”

“What is it?”

Humarap siya sa akin at humalukipkip.

“ I would like to ask your permission, gusto ko sana isama si Andy sa resort ni dad sa tagaytay ngayon sabado. It’s for two days and one night. Nasabi niya kasi na nangako ka sa kanya na dadalhin mo siya sa resort,”

“He told you that?”

I nodded. “Kung pwede lang naman, Symone.”

“You can take him with you"

“Totoo? Gosh, he will be happy.”
Excited kong sambit

“Yes, Alina. Pero sasama rin ako”

Ipinilig ko ng bahagya ang aking ulo at tinignan siya ng deritso. Kung gusto niyang sumama pwes papayagan ko siya. Naiintindihan ko na gusto niyang sumama dahil andun rin ang anak niya.

“Okay, that’s fine with me.”

Umangat ang sulok ng labi niya at nagtago ng ngiti.

“See you on Saturday,”

Agad ko sinabi kay Novie na pumayag si Symone. And she’s very excited. Tinanong niya ako kung paano ko napapayag si Symone.

“I explained everything to him,”

“Syempre papayag yun dahil ikaw ang kumausap. At dahil ikaw si Alina.”

I glared at her. She just laughed and make face. What the hell is wrong with her? Hindi ko na kinakaya ang mga sinasabi niya.

Naging mabilis ang araw at ngayon ay sabado na. Mabilis ang bawat kilos ko, abala ako sa pag aayos ng mga dadalhin namin. Nag text sa akin si Leila at Niecy na susunod nalang raw sila. I texted them the address.
Inilagay ko na sa sasakyan ang mga gamit ko at ang mga dadalhin namin. Habang inaayos ko ang mga gamit ko sa trunk biglang may bumusina sa likuran ko.

Napalingon ako at nakita si Andy na lumabas galing sa sasakyan, kasunod nito ang kanyang daddy. Nang makita ako ni Andy siyang tumakbo at niyakap ako.

“Good morning, Ate Alina”

“Good morning, are you excited”

“Opo,” he smiled.

Umangat ang tingin ko kay Symone na naka white polo shirt at naka slacks . Hindi ba siya sasama?

Kumunot ang noo ko.

“You’re not coming with us?”

“Susunod ako, Alina. May urgent meeting kami.”

“O-okay, I’ll text you the address.”
“Thanks, mag ingat kayo.” Binalingan niya si Andy. “You behave, okay? You listen in whatever Alina says. Magpakabait ka at wag matigas ang ulo.”

“Promise me that you will be there,” Aniya ni Andy.

“I will be there, susunod ako agad pagkatapos ng meeting namin”

He gave us an assuring smile. Pumasok na siya sa sasakyan at umalis na . Iginiya ko sa Andy papasok ng bahay.

“Tita Isabel, Novie. Andy is here” sigaw ko

“Oh my god! Hi Andy, where’s your dad?”

“Hello po, susunod lang raw siya pagkatapos ng meeting nila.”
Napatingin sa akin si Novie. Pinandilatan ko siya ng mata.

“Okay, yan ba lahat ng gamit mo? Akin na, ilalagay ko sa kotse.”

Masayang inabot ni Andy ang bag niya. Pinaupo ko muna si Andy sa may sofa. Tinapos ko agad ang ginagawa ko . Bandang 8am, bumiyahe na kami.

“Are we staying in a hotel?” Andy asked.

“No, we’re staying in a cabin,”

“I’m so excited to have you in the beach resort. Thank you for bringing me, Ate Alina”

“Don’t mention it,”

Habang nasa byahe kami, nakatulog si Andy sa kandungan ni Tita Isabel.

“ Kung hindi kayo naghiwalay ni Symone, iisipin ko na ikaw ang nanay ni Andy. Dinaig mo pa ang totoo niyang nanay.”

“Ang dami mong talak. I just feel bad for Andy. Naranasan ko kasi ang nararanasan niya ngayon. Hindi madali ang lumaki na hindi kompleto ang pamilya.”

Ilang oras ang nakalipas, nakarating na rin kami sa resort. Tulog pa rin Andy, kaya kinarga siya ni Tita Isabel. Pagkatapos kong kausapin ang staff, iginiya nila kami sa cabin. Nakwento sa akin ni Ali na marami daw amenities meron ang resort. Katulad ng, Kid’s club, Gym, Spa, Swimming pool, Jacuzzi, Hotels, Poolside bar at mga resto.

It’s a two storey cabin. Napamangha ako sa ganda nito. Pagpasok namin, agad kami nag ayos ng gamit. Pansin ko na may pool rin at maliit na bar sa loob ng cabin.

“Ang ganda dito beh”
Sumang-ayon ako.

“Gising na si Andy” Aniya ni Tita Isabel.

Napangiti ako nang makita si Andy na tumatakbo papalapit sa amin.

“How’s your sleep?” I asked.

“It was good. Ate Alina can I go outside?”

“Sasamahan kita,”

Masayang tumakbo si Andy papunta sa dagat. I took pictures of him. Hindi na nagpapigil si Andy, naligo na ito sa dagat.

“Be careful Andy, wag kang lalayo!”paalala ko.

Hindi ko mapigilang ngumiti. Para akong nanay na masayang nanonood sa anak. Humalukipkip ako at inilibot ang tingin. The beach is wide. Sa bandang kanan, may swimming pool katabi nito ang bar. I will bring Andy in the kid’s club.

Tinawag ko na si Andy para kumain ng tanghalian. Binihisan ko muna sa Andy, para lamigin siya. Pagkatapos naming kumain, inaya ko siya na pumunta sa kid’s club.

Napagpasyahan ni Novie na manatili sa Cabin kasama si Tita Isabel. Mamaya pa siya maglilibot.
Habang papunta kami sa kid’s club, may mga staff na bumabati sa akin at nakakakilala sa akin. Paano kasi, iniligay ni Ali ang mukha ko sa sa front desk. Nakakahiya.

Pagkarating namin, hinayaan ko na si Andy na maglaro. Umupo muna ako sa wooden chair habang nakatingin sa kanya. I was busy taking pictures when suddenly someone spoke behind me.

“Glad I found you here” baritong boses ni Symone.

“Ah you’re here, wait tatawagin ko si Andy.”

Pipigilan na sana niya ako kaso mabilis akong tumayo at tinawag si Andy.

“Dad you came!” masayang sambit ni Andy.

“Yeah, From now on, I will keep my promises to you”









------
I'm open to criticism! Spread love and positivity<3 ily!!!

OVER THE MOON [CAMPUS SERIES #1] COMPLETED Where stories live. Discover now