18

49 3 0
                                    

                                  18





"Saan kayo nag lunch ni Regan?" Usisa ko

"Sa may park"

"Sinong kasama mo naglunch?" Dugtong niya

"Wala," pagsisinungaling ko.

Biglang pumasok sa isipan ko si Symone. Ang mga sinabi niya kanina sa cafeteria. Nalilito na naman ako. Tuwing kasama ko siya, bumibilis ang pintig ng puso ko at may parte sa akin na masaya pagkausap ko siya. This is so wrong. My heart melts when he's around. Gusto ko sabunutan ang sarili ko dahil konti nalang, maniniwala na ako sa mga sinasabi niya.

"Let's call it a day, see you tomorrow" Paalam ng propesor namin.

"Hindi ka ba sasabay sa akin palabas?" Tanong ni Novie.

"Hindi, magkikita pa kami ng group mates ko. Mauna ka na"

"Okay, mag iingat ka pauwi"

Nag ayos na ako ng gamit bago nagtungo sa library. Mabuti nalang konti lang ang tao sa library kaya mabilis ko nahanap ang mga kagrupo ko.

"Umupo kana, Alina"

I smiled. "Thanks"

"Let's start" Saad ng leader namin.

Natagalan kami sa library dahil marami kaming tinapos. Sumasakit na nga ang kamay ko kakasulat.

"Bukas nalang natin tatapusin. Umuwi na tayo, mukhang uulan" anunsyo ng leader namin.

Nag unat muna ako ng katawan bago tumayo.

"Mauna na kayo," Wika ko. "May isasauli pa akong libre"

Tumango lang sila at umalis na. Dali dali akong nagtungo sa librarian para isauli ang libro na hiniram ko last week.

Pagkalabas ko sa building nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mabilis akong tumakbo papuntang waiting shed. Pag minamalas ka nga naman. Napamura ako ng maalala na hindi ko pala dala ang aking payong. Hihintayin ko nalang tumila ang ulan.

Naiiyak na ako dahil hindi pa rin tumitila ang ulan. Mag iisang oras na ako dito.

Nanliit ang mga mata ko nang may tumigil na itim na raptor sa tapat ko. Napakurap-kurap ako ng makita si Symone na bumaba galing sa sasakyan. May dala itong payong, habang papalapit sa akin

"Let's go, I'll take you home"

Napaatras ako. There it is again. My heart is pounding.

"Hiramin ko nalang ang payong mo---"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang higitin ang ang baywang ko para magkasya kami sa payong. Napasinghap ako mas nilapit niya pa ang katawan ko. Wala na akong nagawa ng nasa loob na ako ng sasakyan. Napatingin ako kay Symone na nagmamadali itong pumasok sa sasakyan. Sinimulan na niyang paandarin ang makina nito.

"Kanina ka pa doon?" He asked.

Tumango ako.

"Ihahatid na kita pauwi"

Nanlaki ang mga mata ko.
"What?! Please stop doing this to me, Symone"

"Why? Should I stop caring for you?"

Napayuko ako ng nakaramdam ako ng pamumula ng pisngi ko.

"Why are you doing this to me?"

"Because I like you, Alina Janick"

It feels like my whole world stops.

"Then stop liking me,"

Tinigil niya ang sasakyan at tumingin sa akin.

OVER THE MOON [CAMPUS SERIES #1] COMPLETED Where stories live. Discover now