14

45 6 0
                                    

                                 14


Masama ang loob ko habang hinihintay na mapost ang picture namin ni Symone. Sana hindi nalang ako sumali, nasa huli nga ang pagsisi. Nakakainis. Idagdag mo pa ang mga mapanuyang ngiti ng mga kasama ko.

Nang napost na, agad nilang tinadtad ng komento.

"Sana all, mas pogi si Symone pag nakangiti" sambit ni Novie .

"Ano ba iyang Alina! Ba't tipid ang ngiti mo?" Reklamo ni Leila.

Ang walangyang Niecy, minention niya si Symone sa post. Mabuti nalang hindi active si Symone sa IG, grabe yung fighting spirit niya.

Hinampas ko ng mahina si Leila nang makita ang komento niya.
Ship!Ship!Ship!

"Aray! Ano ba" reklamo niya.

"Paano pag nakita yan ni ate Seanne? Ayoko ng away"

"Don't worry, peace and order lang tayo"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Baka anong isipin niya, lalo na pag nabasa niya ang caption"

"Don't worry bebe, we got your back"

"At saka, dare lang naman" Dagdag ni Niecy.

Napasapo ako ng noo nang makita ang mga komento ng classmates ko. Baka bukas, buong campus na ang makakita ng post ko. Agaw atensyon itong post ko dahil kasama ko si Symone. Shet! Ngayon ko lang naalala na may mga chikabebs pala si Symone, baka mabash ako nito.

Blangko ang ekspresyon ko habang binabasa ang comments nila.

'Kung ang earth may moon, si Alina may Symone '

' Sana all, when kaya???'

'Loml<3'

'You look good together'

'Support! Kung masaya kayo and you know it, clap your hands'

'Tiga sana all nalang ba ako sa relasyon ng ibang tao?' komento ni Niecy

Nireplyan ito ni Novie

'Yan Ang purpose mo sa life, pakiss ako beh'

Pag sa bardagulan, ang gagaling nila. Ang bilis gumana ng utak basta katarantaduhan.

Napuno ng tawanan at chikahan ang kwarto. Nakakagaan ng loob dahil may mapagsasabihan ka ng problema. Hindi lang pala sa katarantaduhan sila magaling, sa pag bibigay rin pala ng advice.

Niecy told us that she had a boyfriend for two years who cheated on her. Why do people cheat?!

"Maybe he fall out of love. Wala kaming maayos na break-up, nalaman ko nalang na may iba na siya. Then our love tale comes to an end" she said.

Niyakap namin si Niecy. Kahit matagal na iyon, alam kong masakit ang pinagdaanan niya. She don't deserve it, no one deserves to be cheated on.

"Sa tingin ko, he did not fall out of love, but he fell in love with someone new and that's why he cheated. Hindi naman maalis ang love mo sa isang tao" I said. "Don't get me wrong, pero yan ang paniniwala ko"

"Baka nagkulang ako, kaya naghanap siya ng iba"

Umiling ako.

"Hindi ka nagkulang, hindi niya lang nakita ang halaga mo"

"At hindi talaga siya ang para sayo" I added.

Bandang 3an na kami natulog. Nagising kami ng 11am. Naglunch muna kami bago umuwi. Hinatid kami ni Leila pauwi.
Pagkarating namin sa bahay, natulog ulit kami.

OVER THE MOON [CAMPUS SERIES #1] COMPLETED Where stories live. Discover now