PROLOGUE

187 8 0
                                    

                          PROLOGUE

"Ba't ang aga mong nagising?" Tanong ni Tita na may mapanuring tingin.

"It's my first day of class" Tugon ko bago tumungo sa kusina.

"Ay! Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan. Magluluto muna ako ng agahan, at maligo ka na" Aligaga niyang sabi. Mabilis niya akong itinulak papaalis ng kusina.

Agad akong nagtungo sa kwarto at naligo. First day of class, and it's my first day as a college student! A first-year college student . Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, kaba na may halong excitement.

Nang matapos akong maligo, agad akong nagbihis at hinanda ang mga gagamitin ko. Hindi ko muna isinuot ang uniporme, for sure this day is more on introducing ourselves.

"Mabuti at tapos ka na, kumain na tayo baka mahuli ka sa klase" Bungad sa akin ni Tita nang makababa ako.

"Where's Novie Jade?" Tanong ko. "Hindi ba siya sasabay papunta sa eskwelahan?"

"Tumawag siya kagabi, hindi daw muna siya makakauwi dito dahil busy sa trabaho atsaka malapit lang naman ang apartment niya sa eskwelahan niyo"

Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos ako sa pagkain, agad akong nagpaalam kay Tita at tumungo na sa eskwelahan.

Napabuntong hininga ako nang nakapasok ako sa Campus. La Lienzo University, please be good to me. Binalot ako nang kaba habang binabasa ang papel na hawak ko ngayon, ito iyong ibinigay noong nagpa enroll ako. I am looking for Education Department.

Napatili ako nang biglang may kumurot sa tagiliran ko. Napalingon ako sa likod para tingnan kung sino ang kumurot sa' kin. It was Novie Jade.

 "Tara na!" Tumatawa pa ito at nagpatuloy sa paglalakad.

"What the heck! Ang sakit ng kurot mo" Reklamo ko bago siya sinundan.

Novie Jade is my cousin. Education rin ang kinuha niyang kurso. Siya ang pinakamalapit na pinsan sa akin. Napatigil ako nang nasa harapan na kami ng magiging silid aralan namin.

"Halika na!" Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin papasok. Dahilan upang mapatingin sila sa amin.

Napayuko ako dahil sa kakahiyan. Hinayaan ko na si Novie nalang ang maghanap ng uupuan namin.

"Bakit dito?" Umarko ang kilay ko nang mapansin kung saan ang napili niyang pwesto.

"Bakit? Ayaw mo dito?"

"Yes! Bakit dito sa likuran?"

"Dito nalang tayo, para masaya hindi tayo agad mahuhuli"

"Bahala ka, doon ako sa unahan" Mabilis akong nagtungo sa unahan at napansin ko namang sumunod ito sa akin.

OVER THE MOON [CAMPUS SERIES #1] COMPLETED Where stories live. Discover now