33

51 0 0
                                    

                                  33


“ I refuse to come back here with someone else. I find this place a special place for us. I don’t want to eat tokneneng, isaw, taho, betamax with someone else, I want to do it again with you. Only with you”

My heart skipped a beat. He still remembers the food we ate 7 years ago.

This is the last place we went before our fairytale comes to an end. Ang saya namin noon. Naalala ko pa nun, it’s his first time trying street foods. Ako yung nagdala siya kanya dito noon. Ngayon, andito ulit kami. Siya ang nagdala sa akin. Hindi kami masaya katulad nung dati.

“Bakit hindi ka pumunta dito kasama si Andy?” I asked

Nagkibit balikat lang siya. “He likes to lock himself in his room”

“Why?”

“Masama ang loob niya sa akin . Nawawalan na ako ng time sa kanya because of my work”

“Spend more time with him, Symone. He’s more important than your work”

“I know, I’m making up with him. Pero ang hirap, pag kami nalang dalawa, para akong hangin sa kanya.”

“You know what, he’s longing for your love. Sorry to say this, baka may mga pagkukulang ka talaga.”

I don’t know why we are talking about him being a father. Mahirap ang sitwasyon nila. I’ve been there, longing for your parent’s love sucks big time. Masakit para kay Andy na lumaki na walang mommy, andyan nga si Symone pero hindi niya maramdaman ang presenya.

“Puro ka kase work” mahina kong sambit.

Narinig ko ang buntong hininga niya. Nilibot namin ang market hanggang tumigil kami sa pamilyar na stall.

“This is where we sat and ordered tokneneng” he said

“Why do you still remember this place?”

“Why would I forget this place?”

“Kalimutan na natin ang lugar na ito”

Umangat ang sulok ng labi niya.

“Why would I forget this place? This is one of the places we went to, I’ll cherish this forever”

“I hate you,” Bulong ko sa sarili ko.

Lumapit si Symone sa nagtitinda ng samalamig bago bumaling sa akin.

“Do you want Samalamig?” he asked.

I shook my head.

“How about this?”

Itinuro niya ang fish ball. Agad akong umiling.

“What do you want?”

“I want to go home”

“Okay, let’s go”

Nauna na akong naglakad papunta sa sasakyan. Gusto ko nang umuwi . Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan at naiiyak. Bumabalik lahat ng alaala namin dito. It was supposed to be a happy place for us.

“Pasensya na, may importante akong pinuntahan kanina.” Pagpapaliwanag ni Novie.

Humalukipkip ako at ipinilig ng bahagya ang aking ulo.

“Saan ka pumunta? Gosh, naghintay ako ng sobrang tagal”

Ngumuso ito. “Something urgent came up. Matagal natapos ang meeting namin at saka malayo ang pinuntahan ko.”

“Saan ka ba pumunta? At sino ang pinuntahan mo?”

“ I’ll tell you next time”

I have this feeling na lalaki ang pinuntahan niya. Matagal ko ng kilala si Novie, alam ko kung nagsisinungaling siya o hindi. Nagsisinungaling siya kanina.

“Busy ka ba bukas?” she asked

“Hindi naman, bakit?”

“Pumunta ka bukas sa school,” aniya ni Novie.

OVER THE MOON [CAMPUS SERIES #1] COMPLETED Where stories live. Discover now