37

50 1 0
                                    

                                 37



Napakurap-kurap ako dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Ali. Is he really leaving for good? Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso. Parang paulit ulit na sinasaksak ang puso ko.

"Ibibigay ko sayo ang address kung saan sila titira" sambit ni Ali

"B---bakit?"

"Wala lang, baka gusto mo siya puntahan o bisitahin"

"Why would I?"

Nagkibit balikat siya. Tinapik- tapik niya ang aking balikat bago naglakad papasok ng bahay. Naiwan akong nakatulala. I can't believe his leaving for good. Paano na ang ipinapagawa naming bahay? Is this consider as breach of contract?

May parte sa akin na gusto ko siyang pigilang umalis pero sino ako para pigilan siya.

Sa dinner namin, halos wala ako sa sarili. Panay tango lang ang sinasagot ko kay dad. Hindi nila ako makausap ng maayos. Nililipad na naman ang isipan ko.

Pagkauwi ko, agad akong pumunta sa kwarto ni Novie. Kailangan ko ng makakausap. Mabuti nalang, gising pa siya nang dumating ako.

"Kanina ka pa?" Tanong niya

Umupo ako sa dulo ng kama niya. Yumuko ako at napakagat ng labi.

"What happened? May problema ba?"

"He's leaving...."

"Sino?" Taka niyang tanong.

"Symone is leaving... for good"

Hindi agad siya kumibo. Umupo na rin siya sa tabi ko.

"Ano naman kung umalis siya. Nasasaktan ka ba? But you kept on telling me that you've moved on"

Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko. Sobrang naguguluhan na ako. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak, kung bakit ganto ang nararamdaman ko.

Sinandal ako ni Novie sa balikat niya.

"Have you figured it out?"

"Umiiyak ka ba sa saya dahil aalis si Symone o umiiyak ka dahil nasasaktan ka sa katotohanang aalis si Symone?"

Mas lalo akong humagulgol dahil sa sinabi niya. Pinunasan ko ang pisngi ko at saka humarap sa kanya.

" Nagsisinungaling ako sa sarili ko tuwing sinasabi kong naka moved on na ako. I keep on denying the fact that Symone ....... is still the one I love"

"Akala ko sa loob ng pitong taon nakamoved on na ako sa kanya, pero hindi pala. You guys are right, I've moved on from what happened years ago but I haven't moved on from the person I loved. Akala ko pagnakita ko ulit si Symone, wala na akong mararamdaman pero tinaydor ako ng puso ko........" I said between my sobs.

" You keep on denying kase so sino ang nasasaktan ngayon? Alina, it's not too late. Basta gamitin mo ang puso at utak mo. Ganyan talaga pag inlove ka Alina, you can feel magic everytime you're with Symone. There's magic everywhere."

Kinabukasan, nakatanggap ako ng mensahe galing kay Ali. He texted me the address and the time of their flight. Napabalikwas ako ng makitang 9am ang flight nila. Agad akong napatingin sa relo ko at nakitang 8am na pala.

Pipigilan ko ba siya? Inis kong sinabunutan ang sarili ko. It's now or never, and whatever it takes. Mabilis akong naligo at nag ayos. Nataranta ng makitang 8:30 na, mabilis kong kinuha ang bag ko at susi ng sasakyan. Hindi na ako nagpaalam kila Tita Isabel, I will just text them later.

Habang nagmamaneho ako, nagdadasal ako sana maabutan ko pa sila. Pagkarating ko sa airport, agad akong pumasok at tinignan kung nakaalis na ba ang flight nila Symone.

OVER THE MOON [CAMPUS SERIES #1] COMPLETED Where stories live. Discover now