Chapter 41

165 5 0
                                    

WARNING: THIS CHAPTER CONTAIN MATURED (R-18) CONTENT, NOT SUITABLE FOR VERY YOUNG READERS

ELLE

Hindi pa rin ako makapaniwala sa surpresa ni Yohan kanina, ang akala ko talaga ay nasa meeting siya tungkol sa business-business na inaasikaso niya. Iyon pala ay hindi, at isang marriage proposal pala ang pinagkaka-abalahan niya.

Kinasabwat niya pa ang lahat ng mga tao na malapit sa akin, lalong-lalo na ang pamilya ko at ang best friend ko na si Zarina.

Walang mapaglagyan ang saya na nararamdaman ko sa puso  ko, gusto kong maiyak sa sobrang tuwa at gusto ko rin na humalakhak. Totoo pala ang sinasabi nilang 'roller coaster of emotion', ngayon ko lang ulit naramdaman ang kakaibang saya ng dulot ng pagmamahal. 

Hindi ko inasahan na ang minsang tao na nag-alok sa akin ng magandang buhay ay siya rin pala ang tao na magpaparanas sa akin ng sobra-sobra at sobra pa na pagmamahal na hindi  ko lubos na inaasahan. Kakaiba ang  aking pakiramdam  ngayon, isang pakiramdam na hindi ko kaya na maisplika.

Ah basta.

Hindi ko alam kung paano pa ipaliliwanag basta ang alam ko lamg totoo na ito.

I am officially his fiancé.

Ang kaninang marriage proposal lang kalaunan at natuloy na   na rin sa pamamanhikan. Nang matapos kasi ng sorpresa ni Yohan ay agad na rin kami na umuwi sa bahay na tinutuluyan ng pamilya ko. Naghanda kasi ang nanay para sa birthday ni Yohan, simpleng salo-salo lang para sa aming magpapamilya. Si Kuya nga ay nagpagawa pa ng tarpaulin na may nakalagay na "Yohan @31".

Ilang minuto lang ang lumilipas habang nagluluto si Nanay ng kakainin namin para sa hapunan ay dumating naman ang parents ni Yohan kasama ang mga kapatid  niya.

"Kailan ba talaga ang kasal? Nakakadalawang proposal ka na Yohan pero wala pa rin date yung kasal ninyo ni Elliese," tanong ni Ate Honey habang nagsasandok ng kanin."Gusto ninyo ba na habang buhay na ganyan lang kayo? Para kayong mag-m.u na walang label."

"Next week," diretsang sagot ni Yohan. "Sure na 'yon ate, ipapabook  ko na.  Hindi ko na pakakawalan itong  si Elliese, itatali ko na siya sa katawan ko." iniabot niya ang kamay ko na busy sa paghihimay saka isinubo ang kakatapos ko lang na balatan na hipon.

Pinukol ko siya ng masamang tingin . "Akin yan e." 

"Akin ka rin naman e," maloko pa siya na tumawa.

"Harrison 'yong anak mo manang-mana sayo," natatawang sabi ni Mommy Yvonne.

"Aba'y syempre, tagapagmana ko 'yan e. Guwapo, matalino, at magaling pumili ng babae." Si Daddy Harisson na malapad ang ngiti habang abala sa pagbubukas ng alimango. "Kaya Elsa, Arthuro, salamat sa paggawa kay Elliese. E aba'y kung walang Elliese baka hindi na umusad ang lahi ng nga Carbonel. E dati-rati, lelembot-lembot 'yang Yohan namin e." Pabirong sabi ni Daddy habang nakaturo kay Yohan

I badly want to laugh pero hindi ko magawa kasi masama ang tingin ni Yohan sa akin at anytime ay baka bawiin ang singsing.

Charot!

Hindi niya gagawin 'yon.

Mahal niya ako e.

"Dad, respeto naman sa step-father ni Elliese." Mahinang sabi ni Ate Hannah. 

Napahinto si Daddy at agad na nag-angat ng ulo. "I'm sorry, pasensya na Jun.  Nawala sa loob ko, I didn't mean to offend anyone."

"Ayos lang Harrison, hindi mo kailangan humingi ng pasensya. Isang pamilya na tayo rito, kailangan natin na tanggapin at unawain ang isa't-isa. Para 'to kina Elle at Yohan at sa magiging mga anak nila." 

HIS OBSESSION (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon