CHAPTER 2

1.3K 52 7
                                    


"Ate, Ate gising." 

Ang malabong mukha ng kapatid ko na si Cathy ang aking nang nasilayan  nang magising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Humikab at kinusut-kusot ko ang aking mga mata habang pupungas-pungas na bumangon mula sa pagkakahiga. 

"Bakit? Anong meron?" takang tanong ko at sumilip ako sa bintana ng kwarto. "Gabi pa ah, bakit ka nanggigising?"

"Hindi ka maniniwala sa makikita mo sa ibaba." ani Cathy na halatang excited.

"Ha? Anong ibaba? Sa impyerno ba? Andoon si Satanas ah, sasama ka na?" Pabiro kong sabi, hampas naman ang isinagot niya.

"Si Ate Elle parang eng-eng, bumaba ka na nga lang." yamot na sabi nito habang kakamot-kamot sa ulo.  

"Ano ba kasing meron?" tanong kong muli. 

"Basta," aniya. "Bumaba ka na lang nga,  dami pang tanong e," anito sabay  labas ng kwarto.

Nangunot ang aking noo dahil sa konpyusyong napuno sa isipan ko. Anong meron? Bakit gano'n na kang ka-excited si Cathy? Nanalo ba kami sa lotto? May malaki bang ginto sa baba?

Sinuklay ko  muna ang buhok ko at itinali ito ng pa-pony bago ako tuluyang bumaba sa hagdanan. Hindi ko pa man naapakan ang huling tatlong baitang ng hagdanan ay namataan na ng aking mata ang malaking ngiti ng isang gwapong lalaki.  May hawak itong malaking bouquet ng pulang rosaa

"Hey love," bati niya sa akin habang dahan-dahang lumalapit.

"Henry, a-anong… anong ginagawa mo rito? Hindi ba dapat nasa shooting ka, may trabaho ka ngayon ah" nauutal kong wika.

"Makakapag-hintay ang trabaho pero ikaw hindi, sabik na sabik na akong makita ka at mayakap ka." sinserong sabi niya.  "For you," aniya habang iniaabot sa akin ang bouquet.

Agad ko naman itong tinanggap, "Salamat…"

Wow, its been a long time. Mabuti at naisipan niya akong dalawin. Akala ko ay tuluyan na niyang

"I love you," aniya.

"Sagot Elle!" kinikilig na sigaw ng Ate Cherry ko.

"I love you too," wika ko. 

"Woooo!!" hiyaw nina Ate Che at Cathy.

"Sana all po may pa-bulaklak!"

"Ikaw ba Henry ay sigurado ka na diyan sa anak ko? Naku! Sinasabi ko sa'yo kapag sinaktan mo 'yan pasensyahan tayo. Walang arti-artista dito," may pagbabantang sabi ng stepfather ko.

"Naku Tito, alam ninyo na po 'yan sa loob ng ilang taon naming pagiging magkarelasyon ni Elle. Ni minsan hindi ko po naisipan na magloko, si Elle po ang babaeng ihaharap ko sa altar." may pagmamayabang ang tono ni Henry. 

"Naku Henry! E yung mga ganap mo pa nga lang sa mga penikula mo e dala-dalawa ang asawa't babae mo." bira pa ng Tatay.

"Purong trabaho lang po 'yon Tito, sa totoong buhay…" huminto siya at inakbayan ako. "Si Elle lang po ang babae sa buhay ko, other than my mom." aniya pagka ay hinagkan ako sa ulo.  "Si Elle po ang buhay ko," 

"Henry hijo, aalagaan mo 'yan ha. H'wag mong iiwan na gaya ng ginawa mo kay  Leila Forteza sa palabas mo na "Binhi ng Pag-ibig". Aba e yung ginawa sayo ni Tirso Cruz  doon ay dodoblehin ko." pagbabanta pa ng Kuya.

"Kuya Eli, Tito, Lolo , ako po ay kilala ninyo noon pa. Malinis po ang record ko, si Elle lang po ang una't huling babae na mamahalin ko. Kaya nga po pinagbubutihan ko ang pagtatrabaho ko para next year, makapagpakasal na po kami. Malapit na nga pong matapos yung bahay na pinagagawa ko para sa amin ni Elle e." 

HIS OBSESSION (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now