CHAPTER 20

601 24 0
                                    


24 years ago...

"May tao ba rito Chona? E parang wala naman kasi, baka nag-aaksaya lang tayo ng oras." Ang tanong ni Elsa sa kaibigan niyang si Chonalyn.

"Mayroon yan, h'wag kang mainip. Baka busy lang sila, mag-doorbell ka na lang ulit." utos ni Chona sa kaibigan.

Muling nag-doorbell si Elsa ng dalawang beses, isang  babae na naaka-suot ng asul na maid outfit ang lumabas mula sa malaking pinto ng bahay.
.
"Hayan na si Lorna! Lorna!!!" Masaya at nagtatatalon pang  wika ni Chona nang makita ang dating ka-trabaho niya.

"Hoy Chona ikaw pala 'yan! Siya na ba ang  sinasabi mo sa akin?" ani Lorna na isa sa mga katulong  ng mga Fuentabella habang binubuksan ang malaking tarangkahan.

"Oo, siya si Elsa Altamirano. Siya ang papalit sa akin para maging kasambahay nina Sir Jose," sagot ni Chona

"Wala si Sir Jose dito, ang mga anak niya lang ang naiwan sa loob ng bahay. Si Sir Arthuro, yung doktor saka si Sir Hernan, pero halikayo, tuloy kayo. Si Sir Arthuro ang mag-iinterbyu diyan kay Elsa." sagot ni Lorna.

Tumuloy naman ang magkaibigang Chona at Elsa sa loob ng mansyon ng mga Fuentabella, manghang-mangha si Elsa  habang ipinagagala-gala niya ang mga mata sa loob ng salas ng mansyon.

"Upo kayo, tatawagin ko lang si Sir Arthuro," ani Lorna saka umakyat sa itaas na silid.

"Chonalyn, talaga bang ako ang iiwanan mo dito? Mukhang hindi ko kakayanin, ikaw naman kasi bakit mo pa naisipan na mag-abroad?" May pagtatampo ang tono na tanong ni Elsa.

"Babalik naman ako eh, atsaka kailangan mo itong trabaho na ito para kay Eliseo. Mag-aaral na ang anak mo hindi ba?  Ako naman kailangan ko na makapag-trabaho sa abroad para naman makasama ko na ang kasintahan kong si Renato doon. H'wag ka nang magtampo Elsa, hindi naman kita makakalimutan e," panunuyo pa ni Chona sa matalik na kaibigan.

"Ano pa bang magagawa ko?" Bumuntong hininga si Elsa.

"Chona, Elsa, nandito na si Sir Arthuro,"  si Lorna kakababa lang mula sa ikalawang palapag.

"So you must b-be…" naputol ang sasabihin ni Arthuro Fuentabella ng makita niya ang mukha ni Elsa. Natulala siya sa babae at bahagyang napa-awang ang pang-ibabang labi.

Si Elsa ay isang magandang babae balinkinita ang katawan, mahaba ang buhok, matangos ang kanyang ilong, may maningning na mga mata, at mala-rosas na labi.

"Uhm.." tumikhim si Arthuro bago nagsalitang muli "Elsa Altamirano, tama ba?"

"Opo sir."

"Chonalyn's friend?"

"Yes sir!" Si Chona naman ang sumagot.

HIS OBSESSION (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon