CHAPTER 36

284 9 1
                                    


ELLE

"Nagkakaroon na ng improvement ang lagay mo Elliese. Very good, ituloy mo lang 'yan. Pasa-saan pa at makakarecover ka rin." wika ni Dra. Zyrene Dela Fuego sa akin. Siya ang psychiatrist na tumitingin sa akin, private doctor na ni-hire ni Tatay para sa akin. 

"Maraming salamat po doktora," pagpapasalamat ko sa kaniya. 

"Ituloy mo lang ang pag-take ng mga gamot mo and your diet too, makakatulong ang mga 'yon for you to fully recover. Mommy, please guide Elliese. Kayo po ang kailangan niya para tuluyan na siyang magin okay." ani Dra. Del Fuego, tinapik niya pa ang Nanay.

"Opo dok, gagawin po namin ang lahat para gumaling na po siya." tugon naman ng Nanay.

I was kidnapped and have been missing for approximately two months. Due to the accident that occurred without my knowledge, I was then diagnosed with depression. I don't actually remember what happened after I awoke several days after the vehicle accident in which Yohan and I were involved.

I was in a car accident, lost my baby, was abducted, and nearly went insane. I spent countless of days and nights sobbing uncontrollably because I felt depressed, lonely, and terrible about everything that had happened.

Before, everything in my life is wonderful. I'm a rag that can become a princess. My family and friends are devoted to me, and my boyfriend—who is also my fiancé—is a caring and kind man. I'm enjoying every moment of my life till that accident occurs and completely changes everything.

All of a sudden, everything was warped and screwed up.

That accident blows up everything. 

Dumating ako sa point na inakala kong magisa na lang ako at pinabayaan na ako ng mga mahal ko sa buhay matapos kong gumising mula sa pagkakahimbing pero ni isa sa kanila, hindi ko nakita. 

Wala akong Nanay, walang Tito Jun, wala si Tatay, walang Zarina at Sam at wala rin Yohan akong naaninag sa pagmulat ko.

 Isang tao lang ang nakita ko at 'yon ay si Dominic. 

Ang taong inakala ko na nagligtas sa akin mula sa aksidente.

He helped me, that's undeniable. 

Pero sa kabila pala ng pagtulong niya ay ang kaniya rin na mga kasinungalingan.

He told me that everyone had forgotten about me.

Wala na raw naghahanap sa akin.

Kinalimutan na ako ng pamilya ko at mga kaibigan.

Pinabayaan na raw ako ni Yohan, iniwan at ipinagpalit sa iba dahil namatay ang anak namin at ako ang sinisisi niya.

Inaamin ko na naniwala ako sa lahat ng sinabi niya dahil iyon ang parating sinasabi ni Dominic sa akin. 'Yon ang pinaniwalaan ko hanggang sa isang araw nalaman ko na  puro kasinungalingan lang pala ang lahat ng 'yon

I don't know if this is karma.

Karma kasi nanloko kami noon ni Yohan, pinaniwala namin ang lahat na mag-nobya kami kahit hindi.

Nagsisisi naman ako sa ginawa ko.

Hindi ko ginusto na mangyari ang lahat ng 'yon, kung may choice ako hindi ko naman talag tatanggapin ang inaalok niya.

But things happened.

Sa ngayon ay sinusubukan ko na  bumawi ng lakas, ibinabangon ko  muna ang sarili ko bago ako  humarap kay Yohan. 

Miss na miss na miss na miss ko na siya at hindi na ako na makapaghintay na mayakap at mahalikan siya pero natatakot rin ako, hindi ko maiwasan ang takot na na namuo sa dibdib ko simula noong malaman ko na namatay ang anak namin. 

HIS OBSESSION (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now