CHAPTER 9

776 35 6
                                    


BUMABA kami ni Yohan sa isang pastry shop para kumain ulit, nagutom daw kasi ang lalaking 'to. Umorder siya ng isang vanilla bean latte, cafe frappuccino, tigalawang bacon at egg pie, at chocolate hazelnut tart. Hindi niya pa rin ako iniimik mula pa kanina, tahimik lang siya na kumakain at umiinom. Ngunit kahit na wala siyang imik ay panaka-naka niya akong sinusulyapan para i-check kung kumakain ba ako, matiko rin na dumadapo ang kamay niya sa gilid ng labi ko para punasan ang nga naiiwang chocolate.

"Elliese? Hoy! Ikaw nga!" Isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa katapat na upuan. Isang lalaki na nakasuot ng pulang polo at tie, may salamin at medyo kalbo. Sinuri kong mabuti ang itsura niya, singkit kito at may katangusan ang ilong. "Ako yung tatlong beses mong binasted nung high school tayo."

"Binasted?" Pagtataka ko, pilit kong tinatandaan pero mukhang gasgas na ang memory ko

"Alvin, Alvin Espinosa." Pagpapakilala niya sa akin saka inabot ang kamay. Nang tataanggapin ko na ang kamay niya ay mabilis pa sa alas-kwatrong tumayo si Yohan at siya ang nakipag-kamay kay Alvin.

"Yohan Carbonel, her fiancé" seryosong sabi niya.

"Sir Yohan..." naglaho ang kaninang malapad na ngiti ni Alvin at napalitan ng takot.

"Get back to work and never ever look at my fiancée like that, she's mine." Madiin ang bawat salitang binibitiwan niya.

"I'm sorry Sir..." malamlam ang boses nito.

"Get lost!"

"Yohan..." tumayo ako at hinawakan siya sa braso. "Stop it," liningon niya lang ako.

"Go back to the office now or else I'll fire you."

"Yes sir," naghahadali itong tumayo at ipinasok sa bag ang laptop niya. Saglit niya akong tinignan pa.

"I'm sorry..." I mouthed, he just gave me a half smile before leaving.

"The rules Elle, the rules." Pagpapa-alala niya sa akin.

"I know pero kaibigan ko lang naman si-."

"The rules," matalim ang mga tingin niya nang lingonin ako.

"I'm sorry..." napayuko na lamang ako dahil sa kahihiyan. Kilalang tao si Yohan kaya naman hindi maiwasan na pagtinginan kami at pagbulungan. Feel ko nga ay kilala na siya sa ganitong image-strong, fearless, and strict.

"Let's go," kinuha niya ang bag ko saka hinawakan ang kamay ko. Marahan niya ako na hinila papalabas ng pastry shop, nang makalabas kami ay ikinulong niya ako sa mga bisig niya. "I'm sorry, hindi ko lang napigilan ang sarili ko." aniya nang magkalas kami sa pagkakayakap. "What do you want? Gusto mo ba na magpa-spa muna tayo? Manicure? Pedicure?" Iling lang ang isinasagot ko sa bawat salitang sinasabi niya. "Elle I'm really sorry" Sinsero niyang sabi.

"Nasa rules, naiintindihan ko."

"Elle."

"Puntahan na lang natin ang dapat nating puntahan."

Inaamin ko na nakaramdam ako ng pagka-dismaya sa inasal niya kay Alvin kanina, ang ayos-ayos nang pagpapakilala nito tapos babastusin lang siya ni Yohan. Alam ko naman na karapatan niya 'yon kaso parang nakakasakal na, kung si Henry siguro 'yun---wait nakalimutan ko. Wala na nga pala kami ni Henry. Ipinagpalit ko nga pala siya sa pera...

Ano ka ba naman Maria Elliese?

Para bang nabaliktad ang mundo, ako naman ang hindi umiimik at siya ang kausap ng kausap sa akin. Kwento siya ng kwento habang ako naman ay nakatungo lang sa bintana, naririnig pero hindi ko siya pinakikinggan.

"Hey, you still mad about Alvin? Promise mag-aappologize ako kapag nagkita kami, just don't be mad at me.

"Hindi ako galit, I'm just disappointed Yohan. Alam ko naman na wala akong karapatan pero kaibigan ko siya e, high school friends kami."

HIS OBSESSION (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now