CHAPTER 26

544 24 6
                                    

 RAMDAM na ramdam ko ang sobrang init na pagtanggap ni Bella sa akin dito sa bahay kahapon. Sa sobrang init ay hindi niya ako kinausap at para bang diring-diri sa akin. Ito ang unang araw ko sa bahay ng Tatay at masasabi ko na mas lalo akong nahirapan na mag adjust dahil sa ginagawa ni Bella. Kung hindi lang naman dahil kay Tatay ay hindi naman ako mananatili dito, at kung alam ko lang din na makakasama ko pala ang Bella na 'yan ay baka nagdalawang isip pa ako bago ako pumayag.

Wala talaga akong plano na bumangon mula sa kama pero nakaramdam ako ng pangangasim at pagduduwal kaya matiko na napatayo ako at dumiretso sa comfort room ng kwarto. Agad na hinanap ko ang sink at nang matagpuan ko ay agad na binuksan ang gripo habang dumuduwal ako.  Si Yohan naman ay agad na sumunod nang makita niya ang mabilis kong paglakad patungo sa banyo, at nang mamataan ako na nakatapat sa sink ay agad na hinagod ang likod ko. Nang matapos ako sa pagsuka ay agad na ako na nagtoothbrush, gayon din ang ginawa ni Yohan nang matapos kami ay nag-aalala niya ako na tinignan habang nakahawak sa balikat ko.

"Ayos lang ako, sinabi naman ni Dra  Amera na normal lang ang morning sickness lalo na at nasa first trimester ako ng pagbubuntis." Pinangunahan ko na siya sa pagsasalita.

"Magiging asawa mo ako at mahal kita, hindi mo maaalis sa akin na mag-alala." 

"Alam ko naman pero normal lang ito, mawawala rin." Hinawakan ko at hinaplos ang pisngi niya, kinuha niya naman ang kamay ko at hinalikan ito. 

"Mahal na mahal  kita, ikaw at ang magiging anak natin. Lagi mong tatandaan na ikaw lang babae dito sa puso ko." 

"Hinding-hindi ko nakakalimutan Yohan, kasabay ng pag-aalay ko ng katawan ko sa'yo ay siyang pagsuko ng puso ko."

"I love you so much, my Elliese."

"Kumain na tayo, gutom lang 'to." Sabay kami na natawa sa huling kataga na sinabi ko.

Magkahawak-kamay kami na lumabas mula sa kwarto at bumaba sa hagdan, nadatnan namin si Bella na nanonood ng telebisyon sa may salas, nang mahagip ako ng mga mata niya ay matiko na inirapan ako at tinaasan ng kilay.

"Gusto mo na ba siyang sabunutuan?" bulong ni Yohan.

Agad ko siya na nilingon. "Puwede ba? Napipikon na ako e."

"Isipin mo na lang na hindi siya santo," biro pa niya nang humarap siya sa akin.

"Hindi ka pa rin ba maka-move on sa sinabi ko?" 

"Sorry, tumatak kasi sa akin e at tawang-tawa pa rin ako hanggang ngayon." aniya at siniil ako ng halik

"Dito ninyo pa talaga napiling mag-PDA?" May kwarto na kayo diba? Get a room!" Bulalas ni Bella. 

"We'll do it later pagkakain namin," sagot ni Yohan saka bumaling sa akin. "H'wag na pala, hindi na kami magbebreakfast. Ikaw na lang ang gagawin kong breakfast ko," kumindat pa ang gago.

Alam niya na may gusto sa kaniya si Bella—aasaran pa, e'di mas lalong maghahabol. Matalino pero eng-eng din siya kung minsan.

"For all those times that we were making love, I never thought we'd be breakin' up and you will be ended up with that cheap girl." sambi ni Bella. "So when you gonna tell her, that we did that too? When will you gonna tell  that before you moan her name, you moan my name first. Over. and. over. again, tuwang-tuwa ka pa nga whenever I give you heads. Gusto mong ipaalala ko sa'yo? Gusto mo bang ikwento ko kay Elliese kung paano mo pinagsawaan at pinanggigilam ang pagkababae ko."

HIS OBSESSION (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon