CHAPTER 38

169 4 0
                                    

HENRY

Ilang beses ko nang nasasaksihan na naghahalikan at nagyayakapan sa harapan ko sina Yohan at Elle, unti-unti na akong nasasanay sa mga aksyon nila sa isat isa na kahit naman na itago ko, mahahalata pa rin ang sakit na nararamdaman ko. Nasasaktan ako na may kahalikan at kayakap na iba si Elle, ramdam ko na tuluyan na nga siya na nahulog sa kapatid ko. Wala naman akong magagawa, nakapili na siya.

She already choose Yohan over me. 

Kakayanin ko kaya na siya ay mawala at kay Yoha ya ipaubaya?

Makakaya ko ba na hayaan na lang siya na sumaya sa piling ng sarili kong kadugo?

"Bro, kailan ka pa natututong uminom ha?" Si Louie, kaibigan ko at co-star sa bagong serye  na sino-shoot ko ngayon. 

"Simula ng iwanan ni Elle 'yan nagka-ganyan na 'yan," sagot ni Basti na kaibigan ko rin. "Pabayaan mo na, hind niya pa rin kasi tanggap na hindi siya ang unang hinanap ni Elle. At hindi niya kayang tanggapin na hindi na siya mahal ni Elle."

"Salamat Basti, nakatulong ka sa nararamdaman ko." Sarkastikong sabi ko.

"Walang anuman pare. Magsabi ka lang, palalalain pa natin 'yan para naman mauntog ka na sa katotohanan" 

"Totoo ba 'yon?" Umupo pa si Louie sa tabi ko. "Wala na talaga kayong pag-asa ni Elle?"

"Hindi ko alam pre, mahal ko pa rin si Elle e. Alam mo naman na siya lang ang gusto kong -pakasalan, nakapag-ipon na nga ako e para sa future namin tapos itong si Yohan biglang uma."

"Paano yan?" tanong muli ni Louie, iling lang ang nasagot ko.

Paano nga ba?

Tatanggapin ko na lang ba na wala na talaga kami?

Tatanggapin ko na lang ba na hindi talaga kami ang para sa isa't-isa?

Magpaparaya na lang ba talaga ako?

Kaya ko naman na tiiisin na makita sila na magkasama, kaya ko naman tiisin na hindi na ako ang mahal niya. Titiisin ko yun kahit masakit...

Wala naman akong choice e...

Hindi ko maibabalik ang feelings niya para sa akin kahit pilitin ko, si Yohan na ang mahal niya. Si Yohan nga ang hinanap niya noong dumating siya sa bahay at hindi ako. Nakakapanting na ng tenga ang kaka-Yohan niya, nakak-umay. 

Things are as they are—we suffer because we imagined different.

In my case, iniisip ko na ako pa rin ang mahal ni Elle kahit na malinaw nang hindi, pinaniniwala ko pa rin ang sarili ko na magkakabalikan kami, kahit malinaw na naman na malabo na talagang magkabalikan kaming dalawa.

I don't want to let go kasi baka pwede pa.

I don't want to let go kasi baka may pag-asa pa.

My heart don't wanna let go...

I'm still  and will keep holding on till the end of my time.

"Paano ka na ngayon?" tanong ni Louie, umiling ako ulit habang tinutungga ang huling patak ng alak. "Masakit 'yan lalo ngayon na sa iisang bubong lang kayo nakatira, tapos sabi mo pa balak nang pakasalan ni Yohan si Elle."

"Titiiisin ko, gusto ko lang naman mapansin ni Elle e. 'Yon lang naman ang nais ko kahit masakit okay  lang basta pansinin niya lang ako, basta magkita lang kaming dalawa. Sapat na sa akin ang mga 'yon. Makakaya ko naman na magtiis e gaya ng pagtitiis ni Elliese noon para maprotektahan ang imahe ko sa mga fans.

"Bro ano ka masokista?" Pabirong sabi ni Louie

"Tanga na 'yan si Henry, hindi na masokista yan. Ang tawag sa kanya tanga. T-A-N-G-A, TANGA." saad ni Basti. "Puwede rin na karma, just imagine what Elle went through. Ilang beses nagkaroon ng dating issue itong si Henry, na-link sa iba't ibang babae. "

HIS OBSESSION (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now