CHAPTER 16

645 31 1
                                    


MATAPOS namin na makapag-usap ni Nanay ay umakyat na agad ako sa kwarto namin ni Elle, which is the master bedroom. Nadatnan ko siyang nakaupo sa kama, hindi muna ako pumasok nang may narinig ako na kausap niya sa cellphone.

"Henry please tigilan mo na ako! Masaya na ako! H'wag ka nang mangielam pa, ayaw na kitang makita! Bakit ba ang kulit-kulit mo? Si Yohan ang pakakasalan ko at hindi ikaw, alam ko naman na masaya ka na kay Sabrina! Sa kan'ya ka na lang matagal na rin naman na tayong tapos e."

I saw her tears on the corner of her eyes-pinipilit niya na huwag tumulo ang mga luha na 'yon na nangingilid sa mga mata niya.

Ayoko siyang makita na nasasaktan, hindi kinakaya ng puso ko.

Mabilis ko na tinungo ang kinaroroonan niya, I can't bare to see her like that. Kaagad ko siya ikinulong sa mga bisig ko at inagaw ang cellphone niya.

"Henry, magsasalita ako bilang kapatid mo, ako na lang ang makikiusap sa iyo. Please lang, kung mahal mo talaga si Elliese-hahayaan mo na siya, hayaan mo na lang kaming dalawa." And with that I ended the call.

I'm the reason kung bakit nahihirapan siya ngayon sa sitwasyon nila ni Henry, mas pinili niya ang offer ko over her love for my brother.

Sobrang selfless mo Elle...

Kaya pala baliw na baliw sayo ang kapatid ko, hindi ka mahirap mahalin. Hindi na ako magtataka kung balang araw, I will see my self falling deeply in love with you-mas malalim pa sa nararamdaman ko ngayon.

"Yohan..." She whispers..."M-Mali? M-Mali ba na unahin ko ang kapakanan ng pamilya ko? Mali ba na tinanggap ko 'yong offer mo?"

Hindi ako agad nakasagot dahil alam ko na kasalanan ko ito. Kasalanan ko lahat ng ito-lahat ng mga nangyayari sa buhay ni Elle.

Kung hindi ako nagpakabakla at nagpakabaliw kay Daniel noon, hindi naman magiging ganito ka-devastated at ka-miserable ang buhay ni Elle ng ganito-hindi siya mahihirapan ng gaya sa nangyayari ngayon.

Kasalanan ko ang lahat ng ito.

Huli na para magsisisi ako, sisikapin ko na lang na punan ang naiwang puwang ni Henry sa puso niya at sisiguraduhin ko na ang minsang obsesyon ko sa pagmamahal at kay Daniel ay ilalaan at iaalay ko na lamang para kay Elle.

"H-Hindi Elle, ginawa mo ang nararapat. Don't feel bad about it, nandito ako. I won't leave you, Elle."

Ibinaon niya ang kaniyang mukha sa aking dibdib habang humahagulgul. Hindi ko maiwasan na maguilty ng sobra-sobra.

Nakatulog si Elle kakaiyak, hinayaan ko siya na nakayakap sa mga bisig ko. I like the warmth the she gave, it gives me comfort. Hindi na lang basta lust o kung ano man ang nararamdaman ko para sa kanya. This feeling is pure at nagugustuhan ko ang nararamdaman kong ito.

Inihiga ko siya sa kama para hindi siya mangalay. Wala akong magawa kung'di pagmasdan na lamang ang babaeng nasa harapan ko. Ang babaeng pinilit kong ipasok sa buhay ko para pagtakpan lahat ng kagagohan ko.

My ringing phone suddenly got my attention. I get it from my pocket.

'Incoming Call... Ate Yoora'

I picked it up at hinanda ang tenga ko sa matindihang pagdurugo nito mamaya, right after she hang it up.

My annoying sister and her annoying antics in three... two... one...

"Yohan? Nasaan ka ba? Bakit ngayon mo lang sinagot ang mga tawag ko sa'yo? Nag-aalala na kaming lahat dito o," she said in oh-so concerned tone.

I can sense the plasticity all over...

HIS OBSESSION (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon