CHAPTER 11

750 27 7
                                    


SAM

Kakabalik lang namin ni Janmy mula sa pagkain ng breakfast sa starbucks nang may mamataan kami na hindi kaaya-ayang tao na pumasok sa building ng Royal Gem. Napa-irap na lang ako nang marinig ko pa na kausap ang magaling kong kaibigan na si Yohan.

"O 'yung mata, mamaya hindi na bumalik yung itim nyan." Kantyaw ni Janmu sa akin sabay hampas sa balikat ko.

"Bumalik na naman kasi 'yang asungot na 'yan, noong nakaraan pa pabalik-balik yan e. Ayaw niya tantanan si Yohan."

"College pa tayo no'ng nagsimula 'yan manligaw ah, hanggang ngayon ba nanliligaw siya kay Sir? Hindi talaga siya tumitigil, alam niya naman yata na straight si Sir." Clueless itong si Janmy sa totoong identity ni Yohan kaya di na ako nagulat sa reaksyon niya.

I admit kahit ako nga rin e nagtataka sa identity ni Yohan, even tho we've been friends for almost two decades. He identified himself as a gay man pero hindi ko nakikita 'yon especially the way he treats Elle. Since day one, I can feel that he had an eye for her. Ang kaso itong si Yohan dine-deny, never daw siya mai-inlove sa babae at si Daniel lang ang mahal niya.

"Hoy Ms. Sam! Ano? Natulala ka bigla dyan. Zone out yern?"

"Ah wala, sige na Janmy mauna ka na sa pagpasok. Nakalimutan ko na nagpapabili pala si Ms. Yanna ng red velvet cupcake," Pagsisinungaling ko.

"Huh? Nagpapapabili ba siya?" Pagtataka pa niya.

"Sige na, mauna ka na sa pagpasok."

"Okay?" Kibit-balikat niyang sabi saka pumasok na sa loob ng Royal Gem, sumunod na rin naman ako pero sa ibang direksyon. Sa direksyon kung saan papunta si Daniel, pinagmasdan ko siya. Mukhang abala siya sa pagtitipa sa cellphone niya, malamang ay kausap niya si Yohan. Hinintay ko na matapos siya sa pagtitipa bago ko siya kausapin at nang makita ko na ibinulsa na niya ang cellphone ay saka ko na siya hinarap.

"Anong ginagawa mo rito?" Dahan-dahan niya ako na hinarap

"Samuela, ikaw pala."

"Answer me, what are you doing here?"

"Magkikita lang kami ni Yohan, 'yon lang. Nami-miss ko na siya e,"

"Really? Sinakto mo talaga na kasama niya si Elle ngayon."

"He's with Elle?"

"Kakasabi ko lang 'di ba? Now get lost, matuto kang makuntento kay Emily, matuto kang pumirmis sa pamamahay ng pinsan ko. Hindi 'yong ginugulo mo pa pati kaibigan ko, tigilan mo na siya. Masaya na sila ni Elle, h'wag mo na silang guluhin."

I swear, makita ko pa lang ang mukha niya naiinis na ako. At ang Emily na pinsan ko at binabanggit ko ay ang babae na nabuntis niya at ibinabahay niya ngayon, pasalamat talaga siya at hindi ko 'yun sinasabi pa kay Yohan. Ang alam lang kasi ni Yohan ay may anak si Daniel sa pinsan ko, isang limang taong gulang na babae at nagngangalang Fatima. Hindi batid ni Yohan na nakatira sa iisang bahay sina Daniel at Emily pati na ang anak nila na si Fatima at ang isa pa nilang anak na si Frankie. Oras na malaman ni Yohan 'yon sigurado akong tapos ang maliligayang araw ng demonyong lalaking 'to. Hindi na ako makapaghintay na mangyari 'yon.

"Magkano ba ang gusto mo para tigilan mo na si Yohan?"

"Alam mo naman na mahal ko si Yohan."

"Mahal mo ang pera niya, mahal mo lahat ng materyal na bagay ma binibigay niya. Mahal mo siya kasi nasusunod ang luho mo, now tell me—magkano?"

"Sam nagkakamali ka," At talagang dinedepensahan niya pa ang sarili niya.

"Tama ako, palagi akong tama Daniel. Tigilan mo na si Yohan, alangalang sa mga anak mo." Nangagagalaiti kong sabi, nanginginig ang mga tuhod ko at nangangatal ang labi ko.

HIS OBSESSION (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon