CHAPTER 39

158 2 0
                                    

ELLE

Nang araw na 'yon para kaming bumalik sa dati ni Yohan, 'yung mga unang araw na sobrang clingy nya na sa ultimo pag-Cr ko ay kasama ko siya. Lagi siyang nakahawak sa kamay ko, maya't-maya ay ang paghalik at pagyakap niya sa akin. Sanay naman ako sa ganitong gawain niya, dumoble nga lang ngayon dahil nga sa ilang buwan kami na hindi nagkita at nanabik sa isa't-isa at isa pa ay birthday niya naman kaya hinayaan ko na ang mahal ko.

Clingy siya pero hindi niya pa rin ako nadidiligan.

Tuyot na petchay ko, Yohan. Ano na?

Just kidding, hindi naman kami nagmamadaling dalawa pero isa kasi sa nami-miss ko ay ang love making session naming dalawa. I mean, I missed everything about Yohan, specially how he holds me everytime na may namamagitan sa amin. Wala lang, share ko lang

Nag-aya siya kanina na mag-mall, just like the usual ay naglustay na naman siya ng libo-libo para sa akin, na kahit hindi ko hinihingi ay binibili niya, matingin nga lang ako ay binibili niya agad. Mga damit, under garments, dalawang dosenang set ng bikini, isang dosenang victoria secret na pabango, make-up set, mga pang skin care routine, mga bagong kwintas at abubot sa katawan, sapatos, at bags.

Binilhan niya rin pati na ang mga kapatid ko, binilhan niya ng laptop at printer si Crismar, bagong cellphone at Ipad naman ang binili niya for Cathy, may tag-iisang cellphone at tablet din pati na ang dalawang kapatid ko na maliit pati na ang nanay, at apat na uri ng branded alak para kay Tatay. Ipinaggrocery niya rin sila Nanay na matagal niya raw na hindi nagawa dahil nga sa nacomatose siya ng more or less ay isang buwan at ang sumunod na buwan ay nagrerecover pa lang siya. Kung susumahin ay dalawang buwan din iyon.

Ngayon ay nandito kami sa loob ng isang Japanese restaurant para kumain ng tanghalian, ayaw raw kasi ni Ate Yoora na umalis ng bahay. Tinopak si Yohan kaya kami na lang daw ang mag-adjust sabi niya, birthday topak to be exact.

Thrity one na siya at wala na sa kalendaryo kaya nagtotopak na.

"Naka-order ka na?" Pang-sampong tanong niya na yata iyan sa akin mula pa ng maka-upo kami sa pwesto namin.

"Hindi ko alam kung ano ang kakainin, sabi ko naman sayo mag Mang Inasal na lang tayo e, doon pm lang ng pm." Reklamo ko habang napapakamot sa ulo, tumawa lang siya at ginulo ang buhok ko.

"Ako nga hindi mo ni-pm e." Natatawa niyang sabi. "Ni hindi mo ako friend sa facebook."

"In-accept na kita, naka-in a relationship pa nga tayo e."

"Really?"

"Oo, dati pa 'yon."

"Yeah, I remember ." Natawa lang siya. "Anyway, I want you to try Japanese food, favourite ko kasi 'yan. I promise mamaya we will go to Mang Inasal, pagbigyan mo na ako baby please. Birthday ko naman e saka minsan lang naman " nag blink-blink pa siya at nagpout. He's so cute kaya ayun rumupok ako.

"Sige na nga, alam mo ba" wika ko at ibinalik ang tingin sa menu na hawak ko. "Ano ba ang masarap dito?"

"Ikaw."

Hindi mo nga ako madiligan e, iwas na iwas ka tapos sasabihin mo na masarap ako. Huwag ako Yohan Carbonel.

Agad ko na iniangat ang ulo ko at pinagmasdan sya, may ngiting aso ang labi niya.

"Yohan, kapag may nakarinig sa'yo rito."

"So? Masarap ka naman talaga e," kumindat pa siya at nag-lipbite pa.

Naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko, pinandilatan ko na lamang siya at ang loko ay nagawa pa na tumawa. Napa-iling na lang ako saka binalik ang mga mata ko sa pagtingin sa menu.

HIS OBSESSION (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now