Epilogue

18.7K 642 607
                                    

This Epilogue is dedicated to: Thye_Pea

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


This Epilogue is dedicated to: Thye_Pea

Epilogue

PRECIOUS POV

"Ares, Achilles!" malakas kong sigaw sa pangalan nung dalawa. Narinig ko naman na may gumalabog sa itaas ng kwarto namin pati na rin sa loob ng kusina. Feeling ko nga ay may nabasag pa na plato roon hanggang sa narinig ko na lamang ang mga mabibigat nilang yabag na mahahalata kong nagmamadali silang tumakbo. At tama nga ang hinala ko. Mabilis at may pagmamadali silang tumakbo para lang makarating silang dalawa agad sa harapan ko. Si Ares na pababa sa hagdanan na halos talunin na talaga niya yung second floor habang si Achilles naman ay mala-flash na lumabas mula sa kusina.

"What happened?! May masakit ba sayo, mi cariño?!" hinihingal at tarantang katanungan sa akin ni Ares nang makarating silang dalawa sa harapan ko.

"May masakit ba sayo?! Manganganak ka na ba, my darling?!" tanong naman ni Achilles sa akin at halata ko rin sa kanya ang labis na pagkataranta.

Pinigilan ko namang huwag mapangiti o matawa habang pinapasadahan ko sila ng tingin. Parehas rin silang dalawa na nakasuot lang ng boxer shorts at wala man lang silang suot na damit pang-itaas. Si Achilles ay meron pang suot-suot na apron at pink na gloves dahil naghuhugas siya ng plato pero agad niya itong tinanggal habang si Ares naman na medyo nagulo pa ang pagkakasuot niya sa salamin niya sa mata ay may bitbit namang laundry basket dahil siya ang nakatokang maglalaba ngayon ng mga damit namin. Sabado naman ngayon at pareho silang walang pasok sa trabaho nila kaya heto, sila ang gumagawa ng household chores dito sa bahay namin.

"Wala namang masakit sa akin. Tumawag lang sa akin sila Brando. Pauwi na daw sila dito sa Pilipinas kasama si Blythe bukas!" nakangiti at masaya kong sabi sa kanila. Mabilis namang bumagsak ang balikat nila, akala siguro nila ay may masamang nangyari sa akin.

"Akala ko naman napaano ka na," ani Achi at malalim na bumuntong-hininga.

"At akala ko ay manganganak ka na," turan naman ni Achilles na tila nakahinga pa siya ng maluwag bago siya pabagsak na naupo sa tabi ko. Mabilis namang nawala ang matamis kong pagkakangiti sa aking labi.

"Galit ba kayo sa akin?" pagtatanong ko at literal ko pang pinalungkot ang boses ko. Nataranta naman sila agad nang mapansin nilang malapit na akong maiyak kaya mabilis silang lumapit sa akin. Binitawan pa ni Ares yung laundry basket para lamang mahawakan ang magkabila kong pisngi.

"No, no mi cariño. Hindi kami galit, okay? Akala lang namin ni Achi ay may masama ng nangyari sayo dito habang wala kaming dalawa sa tabi mo," aniya kaya naman mabilis na nahinto ang pagtulo ng luha ko.

Of course! Sensitive pa rin akong babae dulot na rin sa nagbubuntis ako. Yes, siyam na buwan na akong nagdadalang-tao at siyam na buwan na rin kaming kasal. Hindi pa naman ganun katagal ang pagsasama naming tatlo pero masasabi ko na mabilis lumipas ang oras o araw. Malapit na rin akong manganak dahil na rin sa kabuwanan ko na ngayon. Due date ko na rin sa susunod na araw kaya naghahalo-halo na ang emosyon ko ngayon palang dahil malapit na talaga akong manganak. Malapit-lapit na rin naming makikita ang mga anak namin.

HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now