KABANATA 17

18.7K 728 246
                                    

This chapter is dedicated: anxious_chip

KABANATA 17:

PRECIOUS POV

Dalawang oras na ang nakakalipas mula nang umalis kami ni Manang Loreta sa Mansyon para lumawas ng Maynila at syempre para takasan ang baliw na si Brando. Two hours palang ang nakakalipas pero namimiss ko na agad si lolo Mateo. Hindi pa kami nakakarating sa Maynila dahil mahaba-haba pa talaga ang kakailanganin na biyahe. Wala pa kami sa Maynila pero kinakabahan na ako sa kung anong pwede naming kahihinatnan ni Manang Loreta doon. Nabanggit din sa akin ni Manang na tutuloy kami sa matalik niyang kaibigan na nagtatrabaho sa Maynila bilang katulong din ng isang mayamang pamilya.

Hindi rin naging madali ang lahat dahil kanina habang nasa biyahe kami at hindi pa kami tuluyang nakakarating sa toll expressway palabas ng Pangasinan ay pinaghaharang na ang mga bawat sasakyan na dumaraan sa kalsada. kasama na sa hinarang ang sinasakyan naming bus dahil sa may checkpoint. Mabuti na lang agad kong naisip na kasabwat nila Mayor Fiorello ang ilan sa mga pulisya dito sa Pangasinan, hindi lang namin alam kung sino-sino.

Kaya naman agad kong sinuot yung dinala ni Manang Loreta na disguise. Tinago ko ang totoo kong itsura gamit ang paglalagay ng maikling wig na kulot at salamin sa mata. Pasalamat din ako ay nadala ko ang ilan sa mga make-up ko kaya pinapangit ko ang aking mukha para walang makakilala sa akin. Parehas pa kami ni Manang na kinakabahan nung umakyat sa bus yung dalawang pulis para isa-isahin na tignan ang itsura ng bawat pasahero. May hawak-hawak pa silang litrato at hindi ko naman sinasadya na makita kung sino ang nasa litrato na yun.

Walang iba kundi ako. Tiyak na nag-utos na sila Mayor Fiorello at si Brando na magkaroon ng checkpoint para hindi ako makalabas ng probinsya. Labis-labis naman ang pasasalamat namin ni Manang Loreta sa Diyos nung hindi ako nakilala nung dalawang pulis kanina kaya pinadaan na ang sinasakyan naming bus. Mukhang wala ring kaalam-alam sila Brando na kasama ko si Manang Loreta na luluwas ng Maynila.

Chineck ko ang suot kong relong pambisig, saktong alas-kwatro na nang madaling araw. Ilang oras na lang ay sisikat na ang araw at malapit na ring lumiwanag. Nag-cause kasi ng traffic yung checkpoint kanina kaya hindi pa kami tuluyang nakakarating sa Maynila. Tinignan ko naman si Manang Loreta, mahimbing na siyang natutulog ngayon sa tabi ko habang yakap-yakap ang bag na naglalaman ng pera.

Buti pa siya ang sarap ng tulog niya at meron siyang oras para makapagpahinga. Habang ako ay hindi man lang magawang dalawin ng antok dahil hindi mawala-wala sa isip ko yung mga nangyayari sa amin. Hindi ko tuloy maiwasang sisihin ang sarili ko, siguro hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi lang sana ako bumalik agad dito sa Pilipinas. Wala sigurong dinadalang problema si lolo ngayon kung nanatili pa muna ako ng ilang buwan sa Amerika.

Tinignan na rin naming dalawa yung bag na yun kanina, halos malula pa nga si manang sa pagkabila nang makita niyang maraming makakapal na pera ang laman nun. Sa tingin ko ay nagkakahalaga yun ng kalahating milyon kaya naman pagdating namin sa Maynila ay agad kong ipapa-banko yung perang binigay sa amin ni lolo para hindi kami mahirapan sa pagbitbit ng bag at syempre para naman iwas sa nakaw.

Mahirap na kung manakawan kami ni Manang Loreta, marami pa naman daw na mandurukot sa Maynila lalo pa't first time ko ding makakarating sa lugar na yun. Nakapunta na din minsan si manang sa lungsod na yun kaya kahit papaano ay may alam daw siya sa pasikot-sikot sa Maynila. Binigay na rin daw sa kanya ng kaibigan niya yung address kung saan kami pansamantala na tutuloy.

Para mataguan din namin si Brando at hindi niya kami matunton, naisipan na lang ni Manang Loreta na pumasok kaming katulong sa pinagtatrabahuhan ng matalik niyang kaibigan. Pumayag rin naman na ako dahil wala naman akong alam kung ano ang una kong gagawin sa Maynila lalo pa't first time kong makakarating dun. Mahirap na rin kung magtatrabaho nga ako sa isang kompanya o 'di kaya ay sa pagiging waiter, baka lalo lang akong matagpuan ni Brando. May koneksyon pa naman sila dahil isang Alkalde ang bwisit niyang ama.

HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now