KABANATA 13

21K 766 354
                                    

This chapter is dedicated to: AYYLUVYOW

KABANATA 13:

PRECIOUS POV

"Pasensya ka na kung nadamay pa kayo sa problema ko," hingi kong paumanhin kay Ares.

Kasalukuyan kaming narito sa mini office ko dito sa Precious Wake Up, Café. Actually, kaming dalawa lang ni Ares ang narito dahil sila Achi ay lumabas muna para bumili ng makakain naming tanghalian. Gutom na gutom na kasi si Artemis at maski si Leo kaya hindi na nila kaya ang pagkalam ng sikmura nila. Mas pinili na lang din nila na bumili ng makakain sa Jollibee na katapat lang nitong coffee shop ko kaysa kumain sa isang mamahaling restaurant. Katulad ko rin pala sila, simple at hindi maarte.

Habang wala sila at hinihintay namin silang makabalik ay ginamot ko muna ang natamong sugat ni Ares sa gilid ng labi niya dulot ng pagsuntok sa kanya ni Brando kanina. Nagkaroon na rin ito ng maliit na pasa subalit hindi yun nakabawas sa pagiging gwapo ni Ares, bagkus ay tila nakadagdag pa yun sa pagiging maganda niyang lalaki.

Isang oras na rin ang nakakalipas mula nang mangyari ang suntukan nilang dalawa dito sa coffee shop ko. I'm glad na walang ibang taong nadamay at nagpapasalamat din ako na hindi na bumalik si Brando dito sa coffee shop ko para gumanti o rumesbak. Nababahala talaga ako lalo pa't isang Mayor ang Daddy niya at marami silang mga tauhan na kapwa mga armado pa. Paano kung hindi namin namamalayan na may tumambang na kila Ares sa labas? Jusko, hindi talaga kakayanin ng konsensya ko kung mapahamak sila dahil sa nadamay lang sila sa problema na dala-dala ko.

"It's not your fault kaya huwag kang humingi ng pasensya." sagot niya pero bumuntong-hininga lang ako.

"Kargo de konsensya ko talaga kapag ginawan din kayo ng masama ni Brando. May lahing demonyo ang lalaking yun, tiyak na babalikan ka rin niya." problemado kong turan at muli akong napabuntong-hininga. Ni halos hindi ko na rin mabilang sa mga daliri ko kung ilang beses na nga ba akong napapa-buntong hininga.

"Balikan na niya ako, huwag lang ikaw. Hindi ko kakayanin kapag ginawan ka na naman niya ng masama," dinig kong seryoso niyang sambit kaya saglit akong natigilan sa paggagamot sa pasa niya.

Kusa akong napatingin sa kulay turkesa niyang asul na mata. Nakatingin lang din si Ares sa akin, malamlam ang mga mata niyang nakatingin ng diretso sa akin. Ewan, hindi ko alam pero biglang tumambol ang lintek kong puso nang mapagtanto ko kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa't-isa. Halos tumatama na nga rin ang mainit at mabango niyang hininga sa mukha ko.

My goodness! Mas gwapo pala siya ng malapitan. Lalo pa't hindi niya suot ang kanyang salamin sa mata. Lihim naman akong napalunok nang humaplos ang kamay niya sa kaliwa kong pisngi. May kung anong kakaiba ring kuryente akong naramdaman na biglang dumaloy sa buo kong katawan nung magdikit lang ang balat naming dalawa. First time kong maramdaman ang ganitong klaseng kuryente. Pero bakit ganun? Bakit hindi ko magawang matanggal ang pagkakatingin ko sa kanya? Para rin akong naestatwa dito sa kinauupuan ko.

"You're so beautiful kaya hindi na ako magtataka kung bakit baliw na baliw si Brando sayo at pinagpipilitan niya ang kanyang sarili sayo." aniya habang patuloy na humahaplos ang kanyang kamay sa pisngi ko.

"Pero eres nuestro, mi cariño." sambit pa niya na nagpakunot bigla sa noo ko.

Ano daw? Ano yung sunod niyang sinabi sa akin? Hindi ko yun naintindihan dahil ibang lenggwahe yung sinabi niya pero ang fluent ng pagkakasabi niya sa lenggwahe na hindi ko maintindihan. French ba yun o Italian? I dunno pero ang tanging natatandaan ko lang na sinabi niya ay yung mi cariño na hindi ko naman alam kung ano ang meaning. Hindi rin naman mi cariño ang pangalan ko kundi Precious.

HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon