KABANATA 41

22.4K 726 281
                                    

This chapter is dedicated to: juvyannblando21

KABANATA 41:

THIRD PERSON'S POV

Ares couldn't stop himself from staring at her. Precious was sleeping soundly next to him. Damn! She's insanely gorgeous! He couldn't help but be amazed by her beauty. He really couldn't help but feel amusement as he stared at his girl. Sobrang maamo ang mukha ng dalaga. Maganda at tila isang anghel na ipinadala para sa kanilang dalawa ni Achilles. Maganda ang kilay nito na medyo may kanipisan at mahaba pa ang pilikmata.

Ang mata nitong pure hazel na mapungay kung tumingin, matangos ang ilong at namumula ang manipis nitong labi na tila kay sarap halikan. Hindi na magtataka si Ares kung bakit ganito na lang sila kabaliw sa dalaga. Hindi na rin siya nagtataka kung bakit maraming nagkakagustong lalaki kay Precious, isa na doon ang baliw na si Brando.

Malaki talaga ang pasasalamat ni Ares na hindi sila naunahan ng lalaking yun na makita ang dalaga. Hindi rin naman siya basta papayag na makuha si Precious mula sa kanila. Sisiguraduhin niya na magkakamatayan muna bago makuha ni Brando si Precious. Hindi siya papayag na nagtagumpay ang lalaking yun sa kagustuhan nito.

"Pinagod mo ba siya kagabi? Anong oras na, tulog pa rin siya." biglang salita ng kakambal niyang si Achi.

Ngayon lang napagtanto ni Ares na kasama nga niya pala ang kanyang kakambal at pareho silang nakatitig sa maganda at maamong mukha ng babaeng bumihag sa puso't isipan nila. Mataas na rin ang tirik ng araw, sa katunayan nga niyan ay kanina pa sila gising ni Achilles subalit hindi muna sila bumangon dahil hinihintay nilang magising si Precious.

Habang naghihintay silang dalawa ay hindi naman nila napigilan ang kanilang sarili na panoorin ang dalaga sa mahimbing nitong pagtulog. Kaya heto, hulog na hulog na naman ang kanilang puso kay Precious dahil kahit natutulog ito ay sobrang ganda pa rin. Hindi rin mawala-wala sa labi nilang dalawa ang matamis na ngiti. Halos makabisado na rin nila ang mga nunal ng dalaga.

"Siguro nga napagod ko siya kagabi," nakangising turan ni Ares sa kakambal.

Mahina lang siyang natawa nang sapukin siya ni Achi sa braso niya. Hindi tuloy alam ni Ares kung mabilis lang bang mapagod ang dalaga o sadyang malakas lang ang stamina nilang dalawa ni Achi. Panigurado kasing hindi nila titigilan si Precious once na maangkin na nila ang dalaga. Para sa kanila ay hindi lang basta tukso si Precious sa kanilang dalawa ni Achilles, kundi adiksyon na rin nila ang magandang dalaga.

"Buti nakapagtimpi ka," ani Achi at nginisian din siya nito. Iyon ang pinagpapasalamat ni Ares, buti na lamang ay nakapagpigil siya kagabi kahit na gustong-gusto na niyang angkinin si Precious. Muntikan na niya itong madali kung hindi lang niya kayang kontrolin ang kanyang libog at pagnanasa para sa dalaga.

"The time will come so get ready," may makahulugan niyang sabi kaya hindi napigilan ni Achilles na mapangiti ng matamis habang nakatitig sa magandang mukha ni Precious.

Nasasabik na siya dahil darating na ang tamang oras, malapit na. Talagang naglaan sila ng tamang panahon para maangkin si Precious at malapit ng dumating ang araw na yun. Sinadya din nila na hindi muna angkinin ang dalaga dahil gusto pa nila na sanayin ito at ihanda ang sarili kung sakaling dumating na ang totoong pagsabak nila sa masarap na digmaan. Para sa gayun ay alam na ni Precious ang gagawin at hindi rin ito makadama ng pagkailang sa kanilang dalawa ni Achilles.

Hindi lang naman ang katawan ni Precious ang habol nila, kundi pati na rin ang pagmamahal nito. Maybe they are full of lust and desire for her. They want to pleasure her body and claim her. Subalit hindi mawawala ang totoong nararamdaman nila para kay Precious. They love her. Their love for her is genuine.

HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon