PROLOGUE

40.8K 1K 362
                                    

BURNING TEMPTATION
Original work by ImaginationNiAte

[ Typos and grammatical errors ahead. Don't expect too much because it might disappoint you. ]

     "SENYORITA, pakiusap gumising ka."

Dahil sa mahihina niyang tapik sa braso ko, ang bahagya rin niyang pagyugyog sa aking katawan maski ang mahihina nitong boses ay tuluyang nabulabog ang masarap kong pagtulog. Naalimpungatan ako dahil sa taong gumigising sa akin ngayon. Hindi ba niya nakikita na natutulog ako? Inis tuloy akong napadilat ng mata at agad ko namang tinignan kung sino ang lapastangan na sumira sa masarap kong pagtulog.

Akma ko siyang bubulyawan dahil ayaw na ayaw kong naiistorbo ang tulog ko lalo na kapag sobrang antok na antok talaga ako. Ngunit rumehistro sa mukha ko ang pagtataka nang si manang Loreta ang siyang nabungaran ko, nangunot rin ang noo ko dahil mahahalata ko sa kanya ang pawis at tila kinakabahan.

Literal na tagaktak ang pawis niya kahit na malakas naman ang aircon dito sa kwarto ko. Siya ang pinakamatagal na naming katulong dito sa Mansyon namin. Siya rin ang higit na pinagkakatiwalaan namin dito at parang pamilya na rin ang turing namin sa kanya. Pero teka? Ano nga palang ginagawa niya dito sa kwarto ko?

"M-manang Loreta? B-bakit ho kayo nandito sa kwarto ko?" inaantok kong tanong sa kanya bago ako dahan-dahang bumangon at naupo sa malambot kong kama.

Nagkasalubong ang kilay ko at lalo pa akong nagtaka nang mapansin ko sa sahig ang isang malaking bag. Bakit may bag dito? Tanging ang lampshade lang na nakapatong sa side table ko ang s'yang nakasindi kaya medyo may kadiliman pa rin dito sa kwarto ko subalit nagawa ko pa ring makita ang bag na yun. Nang tignan ko naman ang orasan na nakapatong din sa side table ko, pasado ala una palang ng madaling araw. Malalim pa ang gabi pero bakit ganitong oras ay ginigising na ako ni manang Loreta?

"Dalian mo, magpalit ka ng damit at mag-impake. Kailangan na nating magmadali bago pa dumating ang mga lalaking tinutukoy ni Don Mateo." tila nagmamadali niyang utos sa akin.

"H-ho? Ano pong ibig niyong sabihin?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko rin alam kung ano ang tinutukoy niya na mga lalaking darating. Lolo ko si Don Mateo at si lolo na rin ang tumayo kong magulang nung mamatay sa aksidente ang magulang ko dalawampu't isang taon na ang nakakalipas. Pero imbes na sagutin ako ni manang Loreta ay tinanggal niya ang kumot na nakabalot sa aking katawan bago niya ako hatakin patayo.

"Bilisan mo na, señorita. Paniguradong naghihintay na ang lolo mo sa likod ng Mansyon," aniya. Naghihintay si lolo sa likod ng Mansyon? Pero bakit? Ano bang meron? Kahit naguguluhan ako at punong-puno ako ng katanungan ay sumunod na lang ako sa kanya.

Prank lang ba ito? Pero imposible naman na i-prank ako ni lolo at ni manang Loreta lalo na't ganitong dis-oras ng gabi? At saka hindi rin mahilig mag-joke sila lolo kaya alam ko at nakakasiguro akong hindi nila ako pina-prank. Inaantok pa ako pero nagawa ko pa ring dumiretso sa walking closet ko para mag-impake ng mga damit. Dinala ko lang ang mga simpleng damit lalo na ang mga paborito ko.

"Dalhin mo na rin pati yung mga importante mong mga gamit," salita ni manang Loreta na tinutulungan na rin akong mag-impake ng mga gamit ko kaya sumunod na lang ako sa sinabi niya. Pinagsusuksok ko rin sa bag ko ang mga mahahalaga kong kagamitan tulad ng mga ID, wallet na naglalaman ng pera pati na rin ang cellphone ko.

"Bilisan mo, magpalit ka na ng damit. Magsuot ka na rin ng jacket at baka lamigin ka sa biyahe natin," wika ni manang kaya saglit akong natigilan sa pag-impake.

"Sabihin niyo nga sa akin manang. Ano bang nangyayari? At saka biyahe? S-saan tayo pupunta?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. Hindi ko na rin maiwasang kabahan at matakot. Bakit nagmamadali si manang Loreta? Bakit parang nababakasan siya ng takot?

HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now