KABANATA 45

21K 667 240
                                    

This chapter is dedicated to: lanielar16

KABANATA 45:

PRECIOUS POV

Masaya ako na nagustuhan nila Ares at Achilles yung naisip kong surprise sa kanila. Kahit si Artemis ay tuwang-tuwa dahil hindi niya inaasahang may cake siyang matatanggap. Buong akala niya kasi ay cake lang nung dalawa niyang Kuya ang meron, hindi niya alam na inutusan ko si Leo na magpa-deliver ng cake na para sa kanya. At syempre, labis-labis naman ang kasiyahan nung dalawa nung sagutin ko na sila.

Official ko na silang boyfriend. Oo, dalawa sila. Aware naman kami sa polyamory relationship na meron ang Hellion family. Kahit sila Artemis at yung mga pinsan nila na naging saksi sa pagsagot ko kila Ares ay aware din. Walang problema dahil okay lang naman daw kila Ares at Achilles na parehas ko silang boyfriend. At kahit ako, ayos lang din sa akin kung dalawa ang boyfriend ko. Hindi rin naman siguro ako matatawag na malandi dahil sadyang ito ang nararamdaman ko para sa kanilang dalawa. Hindi man ito normal para sa iba, pero wala akong pakialam.

And besides, nag-eexist sa pamilyang Hellion ang polyamory relationship. Parang isa na nilang tradisyon iyon kaya okay lang sa pamilya nila kung sila Ares at Achilles ang boyfriend ko at iisang babae lang ang kanilang nagugustuhan. Siguro ay ipapaliwanag ko na lang ito kay lolo Mateo once na nagkita na kami. Syempre, may balak rin naman akong sabihin kay lolo yung tungkol dito. At sana naman, sana ay hindi siya magalit kahit pa na magiging kabigla-bigla ito sa kanya once na malaman niyang dalawa ang boyfriend ko at nag-eexist sa pamilyang Hellion ang polyamory relationship.

"Aba, buti na nga lang ay hindi kami naligaw sa pagpunta dito eh!" pagkukwento ni Tita Liliana sa amin na kasalukuyan naming kasama na kumakain ng almusal dito sa lamesa.

Actually, lahat sila ay naririto na rin sa camping site dahil nga sa birthday nila Ares at dito na lamang naisipan ng Triplets na i-celebrate ang ika dalawampu't tatlo nilang kaarawan. Nakapagdala na rin sila Mrs. Mary ng mga handa na mismong sila Nanay Alma ang nakapagluto at syempre, nag-share din kami ng handa nila Ares sa ibang mga campers na naririto din. Pero hindi rin naman sila magtatagal dito dahil babalik rin naman sila sa rest house nila sa Lilura Isla.

Naisipan kasi ng mga grandparents nila Ares at ang iba nilang pinsan na doon muna sila sa rest house ng Lilura tutuloy ng ilang araw bago sila bumalik sa Stelliferous. Habang ang magulang naman nila Ares ay kailangan na daw umuwi dahil marami silang trabaho na naiwan at kailangang tapusin. Kami ay maiiwan pa muna dito sa camping site dahil bukas pa namin naisipang umuwi ng Mansyon.

"Sure ba talaga kayong tatlo na ayaw niyo ng engrandeng party?" tanong ni Mr. Lyrius sa mga anak niya para makasiguro.

"Come on, dada. Pang-sampung beses mo na kayang itinanong sa amin yan," ani Artemis sa ama niya at sumimangot pa. Nagtawanan naman kami ng mga kasama ko dahil sa tinuran nitong si Artemis, kahit si Mr. Lyrius ay natawa rin. Totoo naman kasi eh, pang-ilang beses ng itinanong ni Mr. Lyrius yun sa kanila.

"Mas gusto pa po namin ito, simple lang pero magkakasama tayong lahat." nakangiti namang wika ni Achi sa kanila at ramdam ko pa ang bahagyang paghawak niya sa aking kamay sabay pisil ng mahina.

"Aw, ang sweet naman ng baby apo namin!" turan ni Mami Shawn na wagas makangiti sabay pisil ng mahina sa magkabilang pisngi ni Achilles.

Heto namang si Ares ay nakapulupot na naman ang mala-bakal niyang braso sa beywang ko. Simula nang sagutin ko silang dalawa ni Achilles kaninang madaling araw ay mas lalo siyang naging clingy sa akin. Kahit saan pa ako magpunta ay nakasunod siya sa akin at palagi rin siyang naka-physical touch sa akin. Katulad na lamang ngayon, nakalingkis ang braso niya sa balingkinitan kong beywang na animo'y ayaw na akong pakawalan.

HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now