KABANATA 12

20.1K 745 299
                                    

This chapter is dedicated to: _eclipsa1_

KABANATA 12:

PRECIOUS POV

Marahas akong bumuntong-hininga. Talaga bang ayaw niya akong tigilan? Wala ba talagang balak si Brando na tigilan ako? Ang kapal talaga ng mukha niya na magpakita pa sa akin matapos ang ginawa niya sa akin kagabi sa parking lot! Ano na naman ba ang ginagawa niya rito sa coffee shop ko? Guguluhin na naman niya ba ako?

"Precious," tawag niya sa pangalan ko at mabilis na lumapit sa aking gawi. Kapansin-pansin ang mga natamo niyang pasa at sugat sa kanyang pagmumukha dulot ng pagsuntok ni Ares sa kanya kagabi. Nagkasalubong pa ang dalawa niyang kilay nang mapansin niyang may mga kasama ako.

"Teka, kayo yung kagabi ah? Anong ginagawa niyo rito sa coffee shop ni Precious?" kunot-noong katanungan niya nang makilala niya sila Ares.

"Eh ikaw? Anong ginagawa mo rito? Sa pagkakatanda ko, coffee shop 'to. Bawal ang mukhang paa dito," maangas na turan ni Artemis kaya lalong nangunot ang noo ni Brando.

"Aba't loko ka--"

"Ano na naman bang kailangan mo sa akin, Brando? Pwede bang umalis ka na? Ang lakas pa ng loob mo na magpakita sa akin after what you did to me last night." inis kong putol sa sasabihin niya. Naiirita na talaga ako sa presensya niya, para siyang aso na habol ng habol. Ayaw niya akong tigilan kahit pa na ilang beses ko na siyang sinasabihan na tigilan na niya ako! Ni hindi man lang siya marunong makaintindi!

"That's why I'm here, Precious. Gusto kong personal na humingi ng sorry sayo sa ginawa ko sayo kagabi. Please, forgive me. Hindi ko na talaga uulitin yun," aniya at tila umamo na parang tupa ang kanyang mukha. Unlike kagabi sa parking lot, para siyang sinapian ng demonyo at tila isa siyang hayop na hayok na matikman ako.

I let out a heavy sigh, "Please, leave me alone. Umalis ka na bago pa kita ipadampot sa mga pulis!" nagtitimpi kong asik kay Brando. Pasalamat na lang kami ay wala na kaming masyadong costumer dito sa Precious Wake Up, Café kaya wala kaming masyadong nabubulabog dito sa coffee shop. Kung meron man ay mangilan-ngilan lang.

"Precious, please. Nakikiusap ako sayo." he begged, "Bigyan mo akong pagkakataon, please. Chance lang naman ang hinihingi ko sayo para patunayan ang nararamdaman ko para sayo," dagdag niya pa.

Inis tuloy akong napahilamos sa sarili kong pagmumukha. Sobrang kulit talaga niya! Mas makulit pa siya kaysa sa makulit! Bakit ba hindi niya maintindihan yung mga sinasabi ko sa kanya? Noon palang ay wala na talaga siyang chance sa akin! Bakit ba kailangan niyang magmakaawa?

"Please, ako na ang nakikiusap sayo Brando. Tigilan mo na ako parang awa mo na! Marami namang ibang babae diyan na mas maganda at seksi kaysa sa akin, sa ibang babae mo na lang ituon ang buo mong atensyon! Hindi kita pagbibigyan yung kahilingan mo na chance kaya umalis ka na," pagmamakaawa ko sa kanya.

Hindi ko alam kung sadyang matigas ba ang ulo niya o ayaw lang niya i-sink in sa utak niya na wala siyang kahit na anong pag-asa sa akin. Wala rin siyang mapapala kahit na magmakaawa siya at lumuhod sa harapan ko. Hindi ko talaga kaya siyang pagbigyan sa kagustuhan niya. Mas lalo lang siyang aasa at masasaktan kung pagbibigyan ko siya sa pagkakataon na hinihingi niya. Ayaw ko rin na paasahin siya kaya noon palang na sinabi niyang gusto niya akong ligawan ay nilinaw ko na agad sa kanya na wala siyang pag-asa sa akin. Hindi ko naman pwedeng ipagpilitan ang kagustuhan niya lalo na't wala naman akong kahit na anong katiting na nararamdaman para sa kanya.

Oo, gwapo siya at mayaman. Pero hindi siya ang tipo kong lalaki. Hindi niya magagawang pilitin ang puso ko sa kagustuhan niya. Baka nga kapag pinagbigyan ko siya sa kahilingan niya ay mas lalo lang din siyang umasa, at worst ay lumala pa ang lahat. Baka masakal ako kapag naging kami na. Ngayon pa nga lang ay nahihirapan na akong ipaintindi sa kanya na wala siyang pag-asa sa akin pero siya lang itong ayaw na umintindi.

HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now