KABANATA 43

19.8K 694 257
                                    

This chapter is dedicated to: banaagjonalyn

KABANATA 43:

PRECIOUS POV

Magtatakip-silim na nang matapos kaming dalawa ni Artemis na ihanda ang mga lulutuin namin para sa hapunan namin ngayong malapit ng gumabi. Ngayon ay inaayos na lang namin yung mga gagamitin naming pinggan sa isang bilog na lamesa na inarkila lang namin sa may-ari nitong camping site. Natapos na rin sila Ares na i-assemble yung sasakyan para gawin itong higaan.

Nang tignan ko nga yun ay hindi ko mapigilang mamangha dahil nagawa nilang higaan yung loob ng kotse. Pati na rin yung sasakyan nila Artemis ay naka-ready na rin para wala na silang iisipin mamaya kapag matutulog na kami. Nilagyan na rin nila ng trapal yung bubungan ng mga sasakyan at pinagdugtong-dugtong lang din nila ito sa mga kotseng dala-dala namin para kung sakali man na umambon or bumagsak ang ulan ay hindi kami mababasa kahit na nasa labas kami.

Umiba kasi ang ihip ng panahon ngayon kumpara kanina, parang nagbabanta na bumuhos ang ambon. Buti na nga lang ay handa itong sila Achi at nakapagdala sila ng trapal. At kahit na padilim na ay maganda pa rin ang paligid dahil yung camping site dito ay maliwanag dulot na rin sa iba't-ibang klaseng ilaw na meron dito.

May mga iba't-ibang ring kulay ng lights na nakapalipot sa mga puno at pati na rin sa mga LED lights na nanggagaling sa ibang mga campers. Kaya naman kahit maggagabi na ay maliwanag at maganda pa rin ang paligid. Bagkus ay nakadagdag pa yung mga pailaw sa ganda ng kalikasan.

"Wala ka ba man lang napapansin?" biglang naitanong ni Artemis na nagpakunot sa noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?" taka kong tanong sa kanya. May nginuso si Artemis kaya agad ko itong sinundan ng tingin kung ano o sino ang nginunguso niya.

"Kanina pa sila panay ang tingin sayo at kina Kuya Ares," aniya at halata ko kay Artemis na kanina pa niya napapansin na may tumitingin sa akin at kila Ares.

Mula kasi dito sa gawi namin ay kitang-kita ko ang mga magbabarkada na nagka-camping din dito sa camping site. Medyo nasa malayo sila sa amin at marami-rami silang magbabarkada. Rinig na rinig ko nga din yung tawanan nila at halatang nagkakasiyahan sila. May iilan din na mga boys ang paulit-ulit na nagnanakaw-tingin sa amin ni Artemis lalo na yung naka-jacket na kulay itim at masasabi ko namang may itsura. May group of girls din ang napapansin kong kinikilig pa habang tumitingin din sa gawi nila Ares na ngayon ay abala na sa pagsisiga ng apoy para masimulan na naming makapagluto.

"Obvious naman na may interes sayo yung lalaking may jacket na suot," ani Artemis at nginitian pa niya ako ng nakakaloko.

"Sinong may interes?"

Mabilis kaming dalawa na napalingon sa biglang nagsalita. Si Achi lang pala at mukhang narinig niya ang pinag-uusapan naming dalawa ni Artemis. Hindi man lang namin naramdaman na nakalapit na pala siya dito sa amin. Nakakunot pa ang noo ni Achilles, halatang nagtataka at inaatake ng kuryosidad kung sino ang tinutukoy nitong kakambal niya na may interes sa akin.

"Yung mga babae dun na nagka-camping din, tingin ng tingin sa inyo. Yung mga kasama naman nilang mga boys, aba mukhang may interes sila dito kay babe. Lalo na yung lalaking nakasuot ng jacket na kanina pa tumitingin-tingin kay Precious," nakangising turan ni Artemis sa kakambal niya.

"Alam mo ang dami mong napapansin. Baka naman gusto lang nilang makipag-kaibigan," wika ko pero lalo namang lumawak ang pagkakangisi niya.

"Hindi mo ba napapansin? May tao ba na gustong makipag-kaibigan tapos ang lagkit nilang tumingin? Halata namang interesado yung lalaking yun na makilala ka 'no! Siguro humahanap lang siya ng tiyempo para lapitan ka at makipagkilala,"  turan ng babaeng 'to at tinutukoy niya yung lalaking naka-jacket.

HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon