KABANATA 24

18.5K 721 250
                                    

This chapter is dedicated to: saeeeq

KABANATA 24:

PRECIOUS POV

Hindi ko alam kung ano na naman bang klaseng kahibangan na naman ang pumasok sa kokote ni Artemis at talagang dinadamay na naman niya ako sa mga kalokohan niya! Wala rin akong ideya kung ano yung Idle Desire na tinutukoy niya. Basta na lang niya akong pinilit na magpalit ng damit. Kaya kahit pagod ako dahil sa trabaho at kahit na labag sa kalooban ko na gawin ang kagustuhan niya ay wala na akong nagawa pa. Sumunod pa rin ako sa kanya dahil bukod sa makulit siya, tinakot pa niya ako na sasabihin niya kay Brando kung nasaan ako.

Alam ko naman na binibiro lang niya ako at hindi niya magagawang sabihin kay Brando na narito ako sa pamamahay nila at magdi-disguise. Nawalan na rin ako ng choice kaya kahit ayaw ko dahil gabi na sa labas ay sumama pa rin ako kay Artemis kung saan man kami pupunta o kung saan man niya ako balak dalhin. Hindi ko na rin nagawang magpaalam kay Manang Loreta dahil kabilin-bilinan niya sa akin na magpaalam ako sa kanya kung sakaling lalabas man ako ng Mansyon. Pero ito namang si Artemis, bigla na lang akong hinatak palabas at mabilis akong pinasakay sa naghihintay sa aming kotse.

Nagpahatid na lang din kami sa family driver nila at ilang minuto lang ang tinagal ng biyahe namin hanggang sa napansin kong pinarada na ni manong drayber yung kotse sa tabing gilid ng gusali kung saan may nakita akong mga tao sa labas ng building na yun ang nagkukwentuhan at meron namang naninigarilyo.

"Ito ang Idle Desire, isang resto bar na pagmamay-ari ng malapit na kaibigan ng pamilya namin." nakangiting turan ni Artemis sa akin bago siya bumaba sa kotse.

Bumaba na rin ako sa kotse at hinintay lang siya dahil may sinabi pa siya kay manong drayber. Pinasadahan ko naman ng tingin yung building na pinaghintuan namin. Kapansin-pansin ang umiilaw na letra sa itaas nito, Idle Desire ang nakalagay roon. Parang pamilyar sa akin ang pangalan na 'to at parang narinig ko na rin ito somewhere. Hindi ko lang matandaan kung saan.

"Baka pagalitan tayo ng magulang mo, Artemis." kinakabahan kong sambit sa kanya nang makalapit siya sa akin.

"Ano ka ba, hindi sila magagalit sa atin 'no. At saka noon palang, nagpupunta na kami dito sa Idle Desire para tumambay lang. So, dahil first time mo dito sa Maynila kaya naisipan kong dalhin kita dito. Don't worry, magha-hang out lang tayo saglit tapos uuwi na rin tayo," sagot niya bago niya ako muling hinatak para pumasok na sa loob.

Hindi naman ako makatingin ng diretso sa mga tao na ngayon ay nakatingin na sa gawi namin. Ang ibang boys ay napapatingin pa kay Artemis habang punong-puno ng pagkamangha ang kanilang mga mukha. Oo, kahit na may pagka-boyish si Artemis at kahit na mala-tomboy ang datingan niya ay higit naman na mas nangingibaw pa rin ang kanyang angking kagandahan. Seksi nga rin itong si Artemis eh, may maganda siyang hubog na katawan at mas lalo siguro siyang gaganda kapag nag-dress siya. Baka nga tumulo pa ang laway ng mga boys kapag nagkataon na nag-ayos ng sarili itong si Artemis.

Ang iba namang tao ay halata kong nakatingin din sa akin pero natatawa naman sila sa pagmumukha ko. Shit! I almost forgot, nakasuot pa pala ako ng disguise. Syempre, kahit gabi na ay gusto ko pa ring makatiyak para sa kaligtasan ko. Kahit pa na sabihin na malawak ang Maynila, mas mabuti na rin yung mag-doble ingat. Baka mamaya nasa paligid ko lang pala si Brando at matagpuan niya ako bigla na hindi ko man lang namamalayan. Kaya naman naisipan kong huwag tanggalin ang suot-suot kong disguise.

Kaya siguro ganito na lamang ako pagtinginan ng mga tao at ang iba ay pinagtatawanan ang itsura ko. Ngayon lang siguro sila nakakita ng pangit na pwede palang magpunta sa isang resto bar. And speaking of resto bar, pinapasok naman kami nung dalawang lalaking bouncer nang makilala nila itong si Artemis. Pinauna pa nga nila kaming papasukin kahit may pila sa entrance. Papasok palang kaming dalawa ay naririnig ko na agad ang malakas na tugtog. Dumaan pa muna kami sa medyo madilim na hallway kung saan may mga nakatambay ding mga tao. Ang iba ay dito pa talaga naisipang magharutan.

HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon