KABANATA 54

16.9K 688 272
                                    

This chapter is dedicated to: harlemshake6150

KABANATA 54:

PRECIOUS POV

Nagmamadali akong bumaba sa hagdanan nang marinig ko sa labas nitong rest house ang ugong ng mga sasakyan na nagsidatingan. Nakasunod naman ang dalawang kambal sa akin na todo alalay pa sa akin para hindi ako madapa. Excited na ako at hindi ko rin mapigilan na matuwa ng sobra dahil tiyak na sila lolo Mateo ko na ang mga dumating ngayon kasama ang Daddy nila Ares. Pagdating ko sa labas ng rest house ay agad ko namang nakita ang mga nagsilababaan sa mga sasakyan. Parang gusto ko namang maiyak nang matanaw ko si lolo Mateo na wagas kung makangiti sa akin.

"Lolo!" nakangiti at masaya kong tawag sa kanya. Nakangiti namang kumaway si lolo sa akin kaya dali-dali akong tumakbo palapit sa kanya hanggang sa mabilis ko siyang dinambahan ng mahigpit na yakap. Naramdaman ko naman ang pagyakap rin niya sa akin at hindi ko na rin napigilan pa na maging emosyonal. Sobrang namiss ko talaga ang lolo ko, sobrang namiss ko siya.

"I miss you, my baby precious." malambing na turan ni lolo Mateo sa akin bago niya masuyong kinantilan ng halik ang tuktok ng ulo ko. Ako ang unang humiwalay sa pagkakayapos sa kanya bago ako lumuluhang tumingin sa kanya.

"Namiss ko rin po kayo," sagot ko. Ngumiti lang ng malawak si lolo sa akin at pinunasan ang mga luha ko gamit ang mga daliri lang niya sa kamay.

"Everything will be alright, my sweetie. Maghintay na lang tayo, malapit na ring makulong si Brando at magsasama na sila ng walanghiya niyang ama sa kulungan." ani lolo kaya tumango lang ako sa kanya. Tama siya, magiging okay rin ang lahat.

"Hello, babe!"

Nabaling naman ang atensyon ko sa nagsalita. Natawa lang ako ng mahina nang makita kong naririto rin pala si Artemis at nakangiti pa niya akong kinawayan. Kasama rin nila ang pinsan niyang si Leo pati na rin yung gwapong lalaki na nakita at nakilala ko lang nung that time na isinama ako ni Artemis sa Idle Desire noon. Ano nga ulit pangalan niya? Ahren ba yun? I dunno, nakalimutan ko na. Ngiti lang ang isinagot ko kila Artemis bago kaming lahat na sabay-sabay na nagsipasukan sa loob ng rest house.

Hindi lang pala sila ang narito ngayon, nagsama rin pala sila ng mga bodyguards na armado at ilang mga kalalakihan na hindi ko naman kilala subalit mga armado rin silang lahat, siguro ay mga tauhan sila ni Mr. Lucius. At marahil ay gusto lang rin nila lolo na makasiguro lalo pa't hindi pa nahuhuli ang walanghiyang si Brando. Kailangan rin naman kasi ni lolo ng bodyguards dahil isang beses na pinagtangkaan ang buhay niya. Mas okay na yung nag-iingat.

"There's something wrong, son?" rinig kong katanungan ni Mr. Lician kay Ares at tinapik-tapik pa nito ang kanyang kamay sa balikat ng kanyang anak. Nang tignan ko naman si Ares ay pansin kong nakakunot na ang kanyang noo habang nakatanaw siya mula sa mga nagtataasang mga puno rito. May problema ba?

Saglit na inayos ni Ares ang kanyang suot na salamin, "Nothing, papa. Let's get inside," sagot niya sa kanyang ama.

Nang makapasok kami sa loob ay nagsiupuan na rin kami agad sa sofa. Naiwan naman sa labas yung mga bodyguards para magbantay at magmasid. Katabi ko lang rin si Artemis sa sofa na ngayon ay nilalantakan na kainin yung marshmallow. Hindi ko tuloy maiwasang matakam sa kinakain niya. Parang gusto ko ring kumain ng marshmallow! Mukhang naramdaman niya siguro na nakatingin ako sa kanya dahil agad niya akong binalingan ng tingin at matamis na ngumiti sa akin.

"Gusto mo ba, babe?" she asked sabay alok ng kinakain niyang isang supot ng marshmallow. Nakangiti at parang bata naman akong tumango sa kanya kaya binigay niya sa akin ang supot ng marshmallow na kinakain niya habang natatawa pa siya sa akin.

HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon