1

34.8K 945 314
                                    

Precious Point of View

"Kumain ka na ba Tara sa pinakamalapit na restaurant, sabay na tayong dalawa kumain. Tell me kung ano'ng gusto mong kainin, bibilihin ko para sa 'yo." pangungulit ni Brando sa 'kin kaya tinatamad ko siyang tiningnan.

Wala ba talaga siyang balak na tigilan ako? Kanina pa niya ako kinukulit na kesyo sabay raw kaming kumaing dalawa. Na libre niya ako at kung ano-ano pa.

"Pasensiya na, Brando. Pero pwede ba na ibang babae na lang ang yayain mong mag lunch? Wala akong ganang kumain ngayon. At saka uuwi na rin naman na ako," mahinahon ngunit walang gana kong sagot sa kanya.

Iniligpit ko na rin ang mga naiwang nakakalat sa table na kakatapos lang gamitin ng costumer namin.

Hanggang alas dose lang talaga ng tanghali ang tinatagal ko sa coffee and cake shop na pagmamay-ari ko. Nagtatrabaho lang ako rito kapag gusto ko dahil may sarili naman akong mga trabahabor dito sa Precious Wake Up, Café na pwedeng mag-handle nitong shop ko.

At dahil lunch na rin naman na ay bigla na lang sumulpot ang lalaking ito rito sa at niyayaya niya akong kumain, pero ayoko. Sa Mansyon na lang ako kakain ng tanghalian kaysa makasabay ko siyang kumain.

Hindi naman sa ayaw ko sa kanya, wala lang talaga akong tiwala sa kanya. Ilang araw na rin niya akong kinukulit. Patuloy pa rin siyang nanliligaw sa 'kin kahit na paulit-ulit ko lang din siyang binabasted.

Gwapo siya, pero sadyang hindi ko lang siya type. May ilang bagay rin na hindi ko sa kanya gusto at isa pa, hindi rin siya papasa sa standards ko.

Sikat siya dahil anak siya ng Alkalde dito sa Pangasinan. Dakilang babaero at kahit na laruan lang niya ang mga babae ay marami pa rin ang nagkakandarapa at nagkakagusto sa kanya. Mapababae man o binabae.

"Please naman, Precious..." muli niyang pangungulit kaya hindi ko siya pinansin.

Sa totoo lang, nasa kanya na ang lahat na katangian na magugustuhan ng ilang babae. Gwapo, makisig, matalino, mayaman at matangkad na lalaki. 'Yon nga lang ay hindi naman ako tulad ng ibang babae na mabilis bumigay at magkagusto sa kanya. Hindi ako tulad ng iba na gagawin ang lahat para mapansin sila ni Brando. Pero ang pinaka ayaw ko sa lalaking 'to? Marami na siyang babaeng napaiyak.

Hindi ko talaga gusto ang mga babaero --- mga lalaking hindi marunong makuntento. Masyado rin siyang mayabang at mapagmataas. Pati matanda ay papatulan niya.

Kaya naman marami rin ang takot at nagagalit sa kanya, lalo na 'yung mga matatanda na binastos niya at hindi niya ginagalang. Kaya bakit ako magkakagusto sa kanya samantalang 'yung ugali niya ay ubod ng sama?

"Precious, come on. Minsan lang naman kitang yayain na kumain, 'di ba?"

Umiling-iling pa rin ako sa kanya habang pinagpapatong ko ang mga pinag-inuman na tasa sa isang malaking tray.

"Sorry talaga, Brando." 'Yon na lang ang nasabi ko bago ko siya tinalikuran.

Naglakad na ako papunta sa counter bitbit ang tray. Pansin ko naman ang mga waiter at waitress ko na hindi maiwasang mapatingin sa gawi ni Brando. Malamang ay alam na naman nila na nangungulit na naman sa 'kin ang lalaking ito. Halos araw-araw ba naman siyang nagpupunta sa shop ko para yayain akong kumain sa labas o 'di kaya'y makipag-date.

Ewan ko ba kay Brando. Bakit ayaw pa rin niya akong tigilan kahit na ilang beses ko na siyang sinabihan na wala siyang pag-asa sa akin. Hindi talaga niya ako tinatantanan kaya minsan ay umiiwas na lang ako sa kanya.

At saka ano'ng pinagsasabi niya na minsan lang niya akong yayain na kumain? Eh halos araw-araw niya akong kinukulit. Mapa-umaga man o gabi.

Lagi niya akong inaabangan sa labas ng shop ko kaya minsan sinasabihan ko amga waiter at waitress ko na magsinungaling sila kay Brando. Na sabihin nilang wala ako kahit na nandito naman talaga ako sa shop ko.

HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now