KABANATA 60

16K 650 270
                                    

WARNING: This chapter contains scenes of violence, sexual assault and etc. which may be triggering for some readers. Please be warned.

This chapter is dedicated to: jctantemarcos

KABANATA 60:

PRECIOUS POV

Hindi ko talaga lubos inaasahan ito. Takot at kabado lang akong nakatitig sa kanya na ngayon ay may nakapaskil na nakakalokong ngisi sa kanyang labi bago niya isinara ang pinto. Hindi rin niya inaalis ang pagkakatitig niya sa akin, isang titig na mahahalata ko na may halong libog at pagnanasa. Sobra akong kinakabahan sa paraan ng tingin niya sa akin lalo pa't hindi nakaligtas sa akin kung paano humagod ang kanyang tingin sa aking hita dahilan para mabilis akong mapaupo at inusog ko ang aking sarili sa headboard nitong kama. Nakakainis! Dapat pala ipinatanggal ko kay Brando itong pagkakagapos sa akin bago siya lumabas ng kwarto!

"Did I surprise you, Precious?" Carl asked me while grinning at me mischievously. Sunod-sunod naman akong napalunok ng laway ko nang magsimula na siyang humakbang palapit sa aking gawi. Oo, hindi ko talaga inaasahan na si Carl ang makikita ko ngayon! Yung half brother ni Brando na siyang gumahasa at pumatay sa isang inosente at walang kalaban-laban na si Amy Tiago! Si Carl na nagmana sa kademonyohan ng kanyang ama na si Fiorello!

"A-anong ginagawa mo rito?" hintatakot kong tanong sa kanya. Kung maaari ay ayaw ko sanang ipakita sa kanya na kinakabahan at natatakot ako sa kanya pero hindi ko kaya! Ngayong alam ko na ang buong katotohanan, na siya ang walanghiyang salarin na gumahasa at walang awang pumaslang kay Amy ay talagang natatakot ako sa lalaking ito lalong-lalo na ang presensya niya.

"Oh come on, Precious. Don't be afraid of me, I won't hurt you." aniya sa panlalambing na boses ngunit kinilabutan lang ako sa kanya.

Halos dikit na dikit na rin ako sa headboard ng kama na halos kulang na lang ay hilingin ko na lamunin na ako nitong kama dahil sa takot ko kay Carl at nang makalapit na siya sa akin ay doon ko naman harap-harapan na nakita ang pamumula ng dalawa niyang namumungay na mata. He looked tired, without proper sleep and as if he had just finished using an illegal drug. Shit! Natatakot ako na baka may gawin siyang masama sa amin! Alam kaya ni Brando na nandito si Carl?

"I am here to kill my half brother," wika niya sabay halakhak na tila nababaliw na. Mabilis kong inilayo ang sarili ko sa kanya nang maupo siya sa gilid ng kama at akma sana niyang hahaplusin ang aking hita.

"I know he will betray us. That fucking bastard is a backstabber. I already knew it! From the beginning, I really knew that Brando was a traitor but Dad didn't even listen to me. Bullshit!" asik niya sa matinding galit kaya nagulat ako dahil sa bahagyang lumakas ang kanyang boses. Kitang-kita ko ang galit sa mukha niya pero bigla naman niya akong nginitian na parang nababaliw na siya.

"Why does he only care about you? I kept asking that in my mind, Precious. Ano bang meron sayo para mahalin ka ng putangina kong half brother? Why was he able to betray his own family for you?" dagdag niya pa habang mala-demonyo siyang nakangisi sa akin ngayon.

Nahahalata ko na naguguluhan siya at punong-puno ng katanungan ang kanyang mga mata subalit nanatili lang akong walang imik. Umiiyak ako habang tinatapunan ko lang siya ng isang masamang tingin. Bakit ba ang tagal bumalik nila Brando? Tiyak na wala siyang alam na narito ang half brother niyang si Carl!

"Ngayon alam ko na kung bakit. I realized why he loves you and is crazy about you," turan pa ni Carl at lalong lumawak ang pagkakangisi niya sa akin.

Nagtaas-baba ang dibdib ko habang pinipilit kong huwag mapahikbi nang mapangahas niyang hinaplos ang pisngi ko. Pinilit kong iiwas ang mukha ko sa kanya pero mabilis lang niyang hinawakan ang panga ko. Ramdam ko ang mahigpit niyang pagkakahawak sa aking panga pati na rin ang pagdiin ng kuko niya sa balat ko. Gustuhin ko man siyang itulak ay hindi ko magawa. Unang-una sa lahat, nanginginig ako sa matinding takot kaya ayaw makisama itong katawan ko. He is a psycho killer and rapist! Isang demonyo na walang puso ang kaharap ko ngayon! Pangalawa, nakatali pa ang dalawa kong kamay sa headboard nitong kama na kinaroroonan ko ngayon.

HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now