KABANATA 64

15.2K 619 225
                                    

This chapter is dedicated to: Ladylie032403

KABANATA 64:

PRECIOUS POV

Kagat-labi kong pinasadahan ng tingin si Achilles na ngayon ay nakaupo sa tabi ko at tila wala siyang ganang gumalaw-galaw ngayon. Kasalukuyan rin kaming nasa kotse ngayon at papunta kami sa malapit na Mall para may mamili ng mga snacks bago kami bumiyahe mamaya papunta sa Pangasinan. Kailangan rin kasi naming magbaon ng pagkain dahil mahaba-haba ang biyahe namin mamaya. At sana naman ay walang traffic mamaya. Kasama rin namin sila Artemis at Leo ngayon dahil nga sasama rin silang dalawa sa amin pauwi ng probinsya.

"Ano ba kasing nangyayari sayo, Kuya Achi? Kanina ka pa ganyan," nakakunot-noong tanong ni Artemis sa kakambal niya at mukhang napapansin na rin niya ang nangyayari ngayon dito kay Achi.

"Wala, nagugutom lang ako. At saka inaantok," sagot niya sabay hikab kaya naman lalo kong nakagat ang ibabang labi ko para mapigilan ko na huwag bumalanghit ng tawa. Mukhang ako lang ang nakakaalam kung bakit nagkakaganito ngayon si Achilles.

"Nagugutom ka na naman samantalang kakakain mo lang? Kayo nga lang dalawa ni Kuya Ares yung umubos nung siopao na pasalubong namin para kay Precious eh," nakataas-kilay na turan ni Artemis. She's right, sila Ares at Achilles lang talaga ang umubos nung siopao na dala-dalang pasalubong ni Artemis at Leo sa akin kanina.

Actually, tumawag si Artemis sa akin na pupunta sila sa bahay at tinanong niya ako kung anong gusto kong pasalubong na pagkain dahil alam na nilang lahat na nagdadalang-tao ako. Of course, hindi ako nahiya na sabihin sa kanya kung anong gusto kong pasalubong lalo na't bigla akong nag-crave na kumain ng siopao. Halos tatatlo nga lang ang nakain at naubos ko habang ang ibang siopao ay inubos nila Ares at Achi. Ganun pala ang epekto nung pamahiin na yun, akala ko talaga ay hindi totoo yun.

Pero heto, nakikita ko na ang ilang signs sa dalawang kambal. Nag-search pa nga ako ng iba na pamahiin na bawal sa buntis eh. Tulad na lang nung huwag daw kakainin yung pagkain nung buntis dahil tiyak na aantukin ka daw. And I think, totoo naman yun dahil sa tuwing kinakain nung kambal yung pagkain ko lalo na yung pagkain na hindi ko maubos-ubos ay nakakaramdam sila ng antok.

Hindi na lang ulit umimik pa si Achi. Niyakap lang niya ako habang nakasandal ang kanyang ulo sa balikat ko at namayani na lamang ang katahimikan sa loob ng sasakyan habang papunta na kami sa Mall.  Mabilis lang rin kaming nakarating dahil wala pa sa bente minutos ay nakarating na kami sa Mall. Ibinaba lang kami ni Ares sa entrance bago niya ipinarada sa parking lot yung sasakyan kaya naghintay na lang kami sa kanya. Hindi ko naman maiwasang pasadahan ng tingin yung mga tao especially yung mga girls lalo na nung tignan nila itong si Achilles na nakalingkis ang malaking braso sa beywang ko.

Halata ko sa mukha ng ibang mga kababaihan na nakilala nila si Achi. Shit! Kamuntikan ko na palang makalimutan, isa nga palang sikat na magazine model itong si Achi. Kaya siguro ganun na lamang siya pagtinginan nung mga babae. Kung makatingin pa naman sila ay sobrang lagkit tapos parang hinuhubaran na nila sa kanilang isipan ang poging nilalang na 'to. Ang ibang babae naman ay hindi rin maiwasan na mapatingin sa gawi ko, marahil ay nakapulupot ang braso nitong si Achi sa beywang ko kaya nagtataka siguro sila kung sino ako. Naririnig ko na nga rin ang bulungan nila at talagang masasabi ko na sikat si Achi dahil pati pangalan niya ay naririnig kong binabanggit nung mga kababaihan.

"Ahm, napapatingin na yung mga tao sa atin." naiilang kong turan kay Achilles at sinubukan ko pang tanggalin yung kamay niya sa braso ko pero hindi siya nagpatinag. Mas lalo lang humihigpit ang pagkakapulupot ng malaki niyang braso sa beywang ko. Ramdam ko naman na napatingin siya sa mga tao na nasa paligid namin.

HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now