KABANATA 36

22.7K 806 376
                                    

This chapter is dedicated to: dyiamomds_

KABANATA 36:

PRECIOUS POV

Matapos ang mahaba-habang pagpapaliwanag ni Artemis sa dalawa niyang Kuya at humingi na rin siya ng sorry ay saktong naubos ko na rin yung mga nilutong pagkain ni Achi sa akin. Siya pa nga ang umubos nung mga natira sa plato at iisang kutsara pa ang ginamit namin. Busog na busog naman ako dahil ang sarap ng pagkakaluto ni Achi.

Nagpahinga lang ako ng ilang minuto bago ako nagpasyang maligo. Kailangan ko pang mag-impake dahil aalis daw kami at isasama nila ako sa pagdalaw nila Ares sa puntod ng grandparents nila sa Lilura Isla. Fifteen minutes lang naman ang tinagal ko sa pagligo. Pagtapos ay saka ako nagbihis at nag-ayos ng sarili para naman kahit papaano ay presentable ako sa harap ng magulang nila Ares.

Oo nga pala, nagpasya na rin kami na sabihin kina Mrs. Hellion na hindi ko na itutuloy ang pagdi-disguise ko pero kapag lalabas ako sa Mansyon ay kailangan kong magsuot ng sumbrero at salamin sa mata. Wala na rin yung brace ko dahil sagabal lang yun sa akin. Hindi na rin ako haharap na ugly ducking sa harapan ng iba pero pinagsabihan pa rin ako ni Ares na mag-disguise pa rin ako para makasiguro kami. Baka mamaya hindi namin napapansin na nasa paligid lang pala namin sila Brando pati yung mga tauhan ng Daddy niya.

Namimiss ko na rin tuloy si lolo Mateo. Wala na talaga akong balita sa kanya. Kamusta na kaya siya? Sana naman ay okay lang siya. Sighed. De bale, susubukan ko siyang tawagan sa kanyang telepono para mangamusta sa kanya pero sisiguraduhin ko na hindi mata-track nila Brando yung location ko kung sakali man na may nagmamasid o nagbabantay sa Mansyon namin sa Pangasinan.

After kong mag-ayos ng sarili ay saka ako dumiretso sa walking closet para makapag-impake na ako ng mga gamit ko. Sabi ni Achi, mga two days lang daw kami dun sa Lilura Isla kaya naman magdadala lang ako ng damit na sasapat lang sa akin ng dalawang araw. Hindi naman bakasyon ang punta namin doon subalit nagdala na rin ako ng ekstrang damit just in case dahil isla yung lugar na yun at may dagat pa. Saktong natapos ako sa pag-iimpake nang marinig kong bumukas ang pintuan sa labas ng kwarto ko.

"Tapos ka na ba mag-impake?" nakangiting tanong ni Ares nang makapasok siya dito sa walking closet ko.

"Yup, nagdala lang ako ng sapat na damit." nakangiti kong sagot sa kanya bago ko isara yung zipper ng bag ko at tumayo para humarap sa kanya. Tila naestatwa naman ako nang siilin ako bigla ni Ares ng halik sa aking labi. Saglit lang yun bago maghiwalay ang mga labi namin.

"Bakit ang saya mo yata?" natatawa kong tanong sa kanya dahil hindi mawala-wala yung matamis niyang ngiti sa kanyang labi. Hinayaan ko lang siya nang hapitin niya ang beywang ko palapit sa kanyang katawan at pumulupot ang dalawa niyang braso sa katawan ko.

"Yes, I'm happy. Akala ko kasi hindi ka na namin makikita. Nag-hire ako ng private investigator para ipahanap ka. Sobra kaming nag-alala ni Achilles sayo. Wondering where you are and if you are safe but I can't believe that you are already in front of us. Naka-disguise at nagpapanggap bilang si Preccy," aniya kaya nakadama ako ng kakaiba dito sa puso ko.

Kahit ako rin naman ay hindi makapaniwalang ipapahanap nila akong dalawa ni Achi sa private investigator. Bilang si Preccy na isang ugly duckling, nakita ko mismo kung gaano may mabuting puso sila Ares at si Achi. Nakita ko na hindi sila bumabase sa panlabas na anyo ng isang tao, kundi bumabase sila sa ugali.

Nung araw na hindi nila alam na ako si Precious, hindi nila ako hinusgahan kahit na nakakasuka ang pagmumukha ko. Hindi sila tulad ng ibang tao na judgemental at toxic. Bagkus ay pinagtanggol pa nila ako nung araw na may umiinsulto sa akin. Sa katunayan nga niyan, may naging mabuting naudlot sa akin yung pagdi-disguise.

HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now