KABANATA 29

19.2K 801 348
                                    

This chapter is dedicated to: JalainaAbrera

KABANATA 29:

THIRD PERSON'S POV

"The fuck dude! Malakas talaga ang kutob ko na siya si Precious! Nararamdaman ko yun, Ares! Trust me, it's really her!" mahinang asik ni Achi sa kakambal niya nang makapasok silang dalawa sa kwarto ni Ares. Kakauwi lang nila ngayon at naihatid na rin nila si Preccy sa Mansyon nila. Ngayon ay dumiretso na sila sa kwarto para pag-usapan ang dapat nilang pag-usapan.

"Parehas lang tayo ng nararamdaman, Achi. Malakas din ang kutob ko na si Preccy at si Precious ay iisa. But we still need to confirm that. Paano kung nagkataon lang ang lahat? Paano kung parehas lang pala sila ng allergy at magkaiba silang tao? Kaya huminahon ka dahil malalaman din natin kung ano ang totoo," wika ni Ares sa kanyang kakambal.

Inis namang napahilamos ng mukha si Achi. Kulang na lang ay iuntog na rin niya ang kanyang ulo sa pader dahil frustration. Pero tama ang sinabi ni Ares sa kanya, kailangan pa rin nilang ma-confirm para makasigurado sila na tama ang kanilang kutob. Na si Precious ay si Preccy, na iisa lang sila. Na all this time ay nasa harapan lang pala nilang dalawa ang babaeng hinahanap nila.

Nararamdaman nilang dalawa mismo na si Preccy at si Precious ay iisa. Malakas ang kutob nila. Ewan, hindi rin maintindihan ni Ares ang kanyang sarili kung bakit may kakaiba kay Preccy sa tuwing nakikita niya ito.

Katulad na lamang nung gabing nasa Idle Desire sila. Nakita niyang may kinakausap na lalaki si Preccy that night. And Ares doesn't know why he suddenly got annoyed when he saw her talking to another man in Idle Desire.

Naghahalo-halo ang kanyang emosyon. Inis, galit at selos? Hindi niya alam, wala siyang ideya kung bakit bigla na lang siyang nainis samantalang wala naman siyang dapat ikainis. Ni hindi naman niya kaano-ano si Preccy! Hindi niya ito girlfriend pero bakit na lamang siya nakadama ng inis nung makita niya ang dalaga na may kausap na lalaki nung gabing yun?

Meron ding parte sa katawan niya na kagustuhan na ipagdamot si Preccy sa iba. Ganito ang nararamdaman niya kay Precious. He wants her attention to be only on him. Gusto ni Ares na nasa kanila lang dalawa ni Achi naka-focus ang dalaga.

Para ding may sariling pag-iisip ang katawan niya at kusa na lang din siyang lumapit sa gawi ni Preccy para hatakin siya at ilayo ang dalaga sa lalaking yun. Fuck! He didn't know why he was acting differently! Hindi naman siya ganito sa ibang babae, bagkus ay wala naman siyang pakialam sa mga babae na panay lang ang pagpapapansin sa kanya.

Bukod pa dun, habang tinititigan niya ng matagal si Preccy ay tila nakikita niya si Precious dito lalo na nung tumawa ito at ngumingiti sa kanila. Walang halong biro, talagang nakikita ni Ares si Precious kay Preccy. Kaya naman nagkaroon siya ng kutob na baka si Preccy ay si Precious! Naisip rin niya na baka naka-disguise lang ang dalaga para magtago at hindi ito matagpuan ni Brando.

Alam din ni Ares na hindi lang siya ang nakakapansin nun. Alam niya na maski ang kakambal niyang si Achilles ay may napapansin kay Preccy. Kaya siguro tila utal itong magsalita, palagi pang nakayuko kapag kausap sila at hindi rin ito makatingin ng diretso sa mga mata nila. Pansin pa nila na tanging kay Artemis lang ito taas-noong nakikipag-usap at animo'y close na agad kahit na kakakilala palang nilang dalawa.

Of course, Ares secretly observed them especially Preccy. He is a smart and observant guy. He is not numb and stupid to not notice that Artemis and Preccy are hiding something from them. Kaya naman pag-uwi nila galing sa Idle Desire ay sinabi na niya agad kay Achi na may napapansin siya kay Preccy at tulad nga ng inaasahan niya, ganun din ang kakambal niya. Sigurado sila na may tinatago ang dalaga sa kanilang dalawa. Lalo pa't sigurado din si Achi na ang amoy ni Preccy ay katulad ng pabango na naamoy niya kay Precious. She smells like florals.

HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now