KABANATA 16

18.3K 746 207
                                    

This chapter is dedicated to: ShineDaBookExplorer

KABANATA 16:

PRECIOUS POV

Hinihintay kong magsalita si Manang Loreta, ganun pa rin ang ekspresyon ng mukha niya katulad kanina bago kami umalis ng Mansyon. Takot, pagkabahala at hindi rin siya mapakali. Pakiramdam ko nga ay parang nagtatago siya sa demonyo at panay pa ang tingin niya sa labas ng bintana nitong sinasakyan naming bus. Hinihintay rin namin na lumarga na ang sasakyan dahil naghihintay pa yung drayber at ang kasama nitong kundoktor na madagdagan pa ng pasahero na sasakyan dito sa bus nila.

"Si Brando, siya ang nagpautos na ipakuha ka mula sa lolo Mateo mo. Ang mga tauhan din nila ang nagpunta kanina sa Mansyon niyo para kunin ka at dalhin ka sa bahay nila," pag-amin niya na nagpakunot sa noo ko.

Nabigla rin ako sa sinabi niya. Si Brando? Siya ang nag-utos na ipakuha ako? Shit! Baliw na talaga ang damuhong yun! Bakit naisip niyang ipakuha ako? Dahil ba sa hindi ko mapagbigyan ang kagustuhan niya sa hinihingi niyang chance sa akin? Pero papaano nila nalaman ni lolo na balak akong kunin ni Brando?

"Papaano pala natunugan ni lolo na balak akong kunin ni Brando?" naguguluhan kong katanungan kay Manang. Imposible naman na nahulaan lang ni lolo yun.

Humugot siya ng malalim na buntong-hininga, "Dahil may spy na kinuha at binayaran ang lolo Mateo mo sa pamamahay nila Mayor Fiorello para alamin kung anong hakbang ang gagawin nila kaya nalaman ni Don Mateo na balak nila Brando na ipakuha ka. Yung spy na yun ay ang kausap ng lolo mo sa mini office niya sa telepono kanina," sagot niya kaya this time ay ako naman ang malalim na bumuntong-hininga kahit gulat na gulat pa rin ako.

Ibig sabihin ay yung kausap ni lolo sa telepono nung nasa mini office siya ay yung kinuha niyang spy? Hindi na rin ako magtataka kung bakit gusto ni lolo na umalis ako ng Mansyon at lumuwas ako papuntang Maynila kasama si Manang Loreta. Tiyak na ayaw ng lolo ko na makuha ako ni Brando at mapunta sa mga kamay niya. Sakto lang pala ang pag-alis naming dalawa ni Manang.

Mabuti na lang din ay naisipan ni lolo na kumuha ng spy kaya nalaman niya ang binabalak nila Brando. At buti na lang din ay sumagi sa isipan ni lolo na dalhin ako ni Manang Loreta sa Maynila. Kaya pala wala ng oras para magpaliwanag si lolo sa akin dahil kailangan naming magmadaling umalis. Nakakainis, dahil kina Brando kaya malalayo ako sa lolo ko. I'm glad na nandito si Manang Loreta at siya mismo ang nagpapaliwanag kung bakit kailangan naming lumuwas ng Maynila.

"Hindi lang din yun ang pakay nila kung bakit sila nagpunta ngayon sa Mansyon niyo. Balak din nilang kunin ang ebidensya na laban kay Brando, iha. Yung CCTV footage, gusto yun ipakuha ni Mayor Fiorello para wala kayong ebidensya na maipapakita sa korte. Dun sa restaurant na pinuntahan niyo ni Don Mateo nung gabing muntik ka ng gawan ng masama ni Brando, pinabura na nila ang mga ebidensya dun at binayaran ang mga nagtatrabaho sa restaurant na yun na huwag silang magsasalita tungkol sa ginawa ni Brando sayo pero napag-alamanan nila Mayor Fiorello na may kopya kayo ng lolo mo at yun ang balak niyong ipakita sa korte. Pagtatakpan din ni Mayor ang ginawa ni Brando sayo para hindi masira ang pangalan ng pamilya nila," mahaba pang dagdag ni Manang gamit lang ang mahina niyang boses, yung tipong kaming dalawa lang ang nagkakarinigan sa pinag-uusapan namin lalo pa't may mga kasama rin kaming nakasakay na pasahero dito sa bus.

Napamura na lang din ako sa isipan ko dahil sa kawalangyahan nila Brando. Talagang napakasama nila! Hindi ko na tuloy mapigilan na magalit at kamuhian ang mag-ama na yun! Ginawan na nga ako ng masama ni Brando, muntik na niya akong pagsamantalahan dahil sa kabaliwan niya tapos gusto ni Mayor Fiorello na pagtakpan ang ginawa ng anak niya sa akin?! Unbelievable!

HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now