KABANATA 25

19.9K 766 293
                                    

This chapter is dedicated to: asawanidracula

KABANATA 25:

PRECIOUS POV

Tinignan ko lang maigi itong kasama ko, kitang-kita ko naman ang kasiyahan sa mukha niya habang ako ay parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Namumula na rin ang buong mukha ni Artemis dahil na rin sa dami ng nainom niyang alak pero himala na hindi pa siya nalalasing!

Samantalang ako na mahina ang alcohol tolerance ko ay nakaramdam na ako agad ng hilo kahit naka-dalawang baso lang ako ng ininom na margarita. Hindi na ako ulit uminom dahil ayokong umuwi ng lasing at magkaroon ng hangover paggising. Tiyak na malilintikan ako nito kay Manang Loreta.

Grabe! Hindi ko kaya ang energy ng babaeng ito! Nangangalay na ang dalawa kong binti at gusto ko na ring magpahinga. Kanina ay galing kami sa taas para maglaro ng arcade bago kami bumalik dito sa baba para uminom ulit ng alak. Hindi ko kayang ma-reach yung energy na meron si Artemis. Parang wala sa bokabularyo niya ang mapagod!

"Artemis, umuwi na tayo." pakiusap ko sa kanya.

I immediately checked my wristwatch, it's already twelve o'clock midnight for pete's sake! Pero narito pa din kami sa Idle Desire at hindi man lang nababawasan yung mga tao dito sa resto bar. Mas lalo pa nga yatang dumarami yung mga nagpupunta dito eh.

"Mamaya na, uuwi rin tayo okay?" sagot ni Artemis sa akin na ikinabuntong-hininga ko ng malalim. Pinagsabihan pa naman kami ni Achi na umuwi na pero sadyang matigas ang ulo nitong babaeng 'to.

Naku talaga! Kung alam ko lang talaga kung paano umuwi sa Mansyon nila ay paniguradong iniwan ko na itong si Artemis dito sa Idle Desire. Kaso nga lang, natatakot ako na baka maligaw ako lalo na't bagong salta lang ako dito sa Maynila. Hindi ko rin alam ang pasikot-sikot dito kaya natatakot akong mawala at maligaw. Kaya nga halos ayaw kong umalis sa tabi ni Artemis eh. Pinauwi pa nitong babaeng 'to yung family driver nila at tatawag na lang daw siya kapag magpapasundo na kami. Sighed.

Nandito kami sa third floor at kahit dito ay maingay at sobrang daming tao. May nagsasayawan, may nagkukwentuhan at meron namang may gumagawa ng kakaibang milagro. Mula dito sa kinauupuan namin ni Artemis ay nakikita ko ang isang babae na umiindayog sa ibabaw ng isang lalaki. Buti na lang nasa madilim at medyo tago silang parte gumagawa ng kababalaghan kaya hindi sila nakakaagaw masyado ng atensyon.

Para ngang wala lang pakialam yung ibang tao sa kanila eh kahit na siguro lantaran silang mag-sex. Pero hindi ko maiwasang mapatingin sa gawi nila dahil natatamaan sila kaonti nung bilog na ilaw na nasa kisame. Jusko, iba na talaga ang panahon ngayon.

"Here, uminom ka muna." Ani Artemis at binigay sa akin ang isang baso ng margarita.

"Mag-enjoy ka naman kahit papaano okay? Sa itsura mo parang never ka pang naging pasaway na apo kay Don Mateo! At saka wala rin yata sa itsura mo na magwalwal kaya let's enjoy tonight, babe. Let's have fun kahit ngayon lang. Gusto lang kitang maka-bonding dahil one week akong mawawala sa tabi mo," mahaba pa niyang dugtong na nagpakunot sa noo ko dahil sa huli niyang sinabi.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong. Bakit naman niya nasabi na one week siyang mawawala sa tabi ko?

"I will set up my new branch Art Exhibit in New York so I will be leaving on Friday. Kaya mag-iingat ka habang wala ako dahil isang linggo akong mawawala sa tabi mo. Be careful so that no one knows about your disguise, babe." sagot niya bago itungga ang natitirang laman ng alak sa basong hawak-hawak niya.

"Go, uminom ka. Libre ko na ito sayo, okay? Ako ng bahala sayo at hindi malalaman ni Manang Loreta na dinala kita dito sa Idle Desire," nakangiti pa niyang sabi kaya huminga ako ng malalim nang pilitin niya akong uminom ulit ng margaritang binigay niya para sakin.

HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now