"Ay oo nga, maalala ko lang na may dating issue sila ni Lorraine." sambit ni Louie 

"Totoo 'yon, naging kami naman talaga ni Lorraine habang kami ni Elliese, hindi naman nila alam e."

"Kita mo? Karma nga 'yang nangyayari sa'yo, Henry." Natatawa pang sabi ni Basti.

"Who's Lorraine? Lorraine Dimaculangan ba?" 

"Yeah," pag-amin ko. "Natukso ako,ibinigay niya kasi ang lahat ng mga bagay na hindi kayang ibigay noon ni Elle."

Kapwa nagkatinginan sina Louie at Basti, nakaawang ang kanilang mga bibig na tila hindi inasahan ang pag-amin ko.

Oo, nag-cheat ako noon. I won't deny it.

Hindi ko sinasadya, natukso lamang ako. 

LDR at bago lang kami ni  ni Elle that time, hindi ko rin nahahawakan ang phone ko dahil pinagbawalan kami ng handler ko pati na ng direktor at mga producer para raw walang maka-distract sa amin during shooting. Si Lorraine ang naging sandalan ko noong mga panahon na 'yon na nangungulila ako kay Elle. Isa pa, marami rin priorities si Elle during that time. 

Nagkaroon kami ng fuck and love relaionship ni Loraine for almost seven months, nagde-date kami, nagse-sex, nag-live in rin kami ng three months yet hindi rin nagtagal when she found out that I have a girffriend.

 Nagsisisi na naman ako sa ginawa ko at hindi ko na inulit ang bagay na 'yon, Elle deserves a better boyfriend.

"Henry, may naghahanap sa'yo. Bella raw ang pangalan. Kausap siya ngayon ni direk." Isa pang co-star ko ang pumasok sa tent na kinaroroonan ko, si Evon. 

"Bella? Bella Fuentabella?"

"Oo, 'yong anak nang may-ari ng ospital na ito."

"Bakit daw?" 

"Hindi ko alam e. Ikaw na lang ang umalam, naroon siya sa lobby ng ospital. Puntahan mo na lang."

Tumango lang ako saka ako tumayo muka sa kinauupuan ko. 

Bigla akong nakaramdam ng curiousity, si Bella hinahanap ako. Sa anong dahilan? 

Mabilis ko na tinungo ang lobby kung saan naroon daw si Bella ngayon, may kutob ako na may nais siya kaya ako ang  hinahanap niya imbes na si Yohan. Kung ano 'yan ay wala akong ideya, malalaman ko pa lamang sa oras na magharap kaming dalawa.

"Henry, I'm glad na hindi mo ako inindiyan hindi katulad ng kakambal mo."

Nang makarating ako sa may lobby ay ang nag-iisang si Bella ang nadatnan ko, malamlam ang  mamula-mula niya mga mata at tila kagagaling lang sa pag-iyak. May mga hawak siyang mga papel at isang maliit na kahon na hugis parisukat.

"Bella, what do you need?"

Hindi siya sumagot,  yumakap lamang siya sa akin at pumalahaw ng iyak. Gusto ko sana na itulak siya papalayo dahil alam kong siya ang rapist ni Yohan pero hindi ko nagawa dahil tila may pumipigil sa akin na kung ano. Yumakap na lang din ako sa kaniya pabalik. 

"Ano ba ang nangyayari? Bakit ka umiiyak?"

"H-Henry..." Humihikbi niyang saad habang humihiwalay mula sa pagkakayakap sa akin. "Henry, I-I just found out that I am pregnant?"

"Your are what?" Tila nabingi ako nang dahil sa sinabi niya. 

"I-I'm pregnant, Henry. Yohan's child, anak namin ng kakambal mo."

"No, this can't be."

"That's the truth, si Marigold kahit siya pa ang tanungin mo. Kaharap siya noong sinabi ni Dra. Pricilla na buntis ako. Two months na, Henry. Here," aniya at sinubukan na iabot sa akin ang mga papel na hawak niya. "This is my ultrasound report, hindi ko pineke 'yan. Buntis talaga ako, Henry. Dinadala ko ang pamangkin mo."

HIS OBSESSION (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now