"But why? Hindi naman po kami aabutin ng winter doon. Promise sandali lang po talaga kami don."

"Sandali? Bakasyon ba 'yong matatawag Jade kung sandali lang kayo doon? Why don't you choose somewhere else?" Dad said kaya napanguso ako sa kanila.

"Ayaw nyo bang magkita kami ni Sebastian?" Parang nagtatampo na sabi ko sa kanila.

"What? Saan naman nanggaling 'yan? We just want what's best for you Jade. You know what? Why don't you go to Japan? Spain? Or somewhere in Europe? Yong malayo at hindi mo pa napupuntahan?" Dad said.

"Bakit kaylangang sa malayo pa Dad? Alam nyo naman po na ayoko ng nagbabyahe masyado."

"It's for you to get out of your comfort zone anak. Try something new." Si Mom ang sumagot kaya napaisip din ako doon. Pero sa Seoul ko talaga gustong pumunta sa totoo lang. Gusto kong puntahan si Sebastian.

I really miss him.

So much.

A lot.

"Okay, I'll just think about it first." I just said saka namin ipinagpatuloy ang pagkain namin. Pagkatapos naman namin ay nagderetso na kami ng bahay. Pakiramdam ko ay napagod ako ngayong araw.

"Hindi ka pa ba uuwi? Gabi na." I said to Grey dahil mukhang wala pa syang balak na umuwi. He's still here inside my room.

"I'll sleep here. Natatamad na akong umuwi." He said at ang magaling humiga pa sa kama ko. Lumapit naman ako sa kanya habang nakahawak sa bewang ko. Nananakit ang likod ko dahil sa kanya.

"Kung dito ka matutulog pumunta ka na sa guest room. Matutulog na ako." I said to him saka ako lumapit doon sa may side table at kinuha ko ang hand cream ko doon. Palagi akong naglalagay nito bago matulog dahil gustong gusto ko ang amoy non.

"Pupunta ako doon mamaya. Sandali lang." He said and I saw him close his eyes.

"Tsk! Alam ko na 'yan Grey! Tumayo ka na dyan! Alam ko naman na kapag pumikit ka deretso tulog ka na. Huwag ka ngang parang bata."

"Sandali lang naman." He just said at hindi talaga sya kumikibo doon at nakatiyaha parin sya.

"Grey! Tumayo ka na dyan tutulog na ako!"

"Edi matulog ka. Dito ka sa tabi ko." Sabi nito saka nya tinapik ang tabi nya. Sarkastiko naman akong napatawa sa kanya saka ako naupo sa gilid ng kama.

"Nagbibiro ka ba? Hindi na tayo pwedeng magtabi sa kama ko Grey. Baka hindi mo alam matatanda na tayo." I said to him saka ko inaayos ang mga unan ko.

"What's the difference? Ikaw parin naman 'yong Jade na kilala ko." I heard him whispered. Halatang antok na antok na sya kaya napapabuntong hininga na lang akong lumapit sa kanya saka ko sya marahan na tinapik lara magising sya at mawala ang antok nya.

"Oo nga pero matatanda na tayo. Anong gusto mong isipin nina Dad kapag nakita nila tayong magkatabi sa higaan? Nag-iisip ka ba?"

"Yeah and guess what? I'm thinking about you right now." He said at nakita ko pa kung paano umangat ang gilid ng labi nya. Baliw talaga.

"Sabog ka ba? Naka-drugs ka yata?"

"Maybe? Because I'm so addicted to you. Isn't it nice?" Pamimilisopo nya at may pag-angat pa sya ng kilay sa akin kaya pinitik ko na ang noo nya. Napamulat sya dahil doon.

Sebastian Lee | CATASTROPHIC SERIES 1 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon