Chapter 29

9 1 0
                                    

Carleigh Jade Revaz

"Are you sure that you will ride that bike hija?" Dad said habang hindi parin makapaniwala na nakatingin sa hawak kong bike.

"Dod, I really want this okay? Don't worry kasama ko naman po sina manong. Right manong?" I said before I look at my guards who's now riding on a bike like me.

"Kayo manong? Kaya nyo pa po ba mag-bike?" Mom said doon sa dati kong driver na ngayon ay bike buddy ko na dahil simula ngayon ay mag-bibike na kami pag-pasok sa school.

"Okay lang po ako Ma'am. Kayang kaya pa po ng tuhod ko." He said kaya napangiti na lang ako.

"See? They can still ride a bike. So manong? Let's go?" I said and I wear my helmet of course for safety.

"Okay. But if you're tired, just tell them."

"Okay po. So? We got to go. Malalate na po ako."

"Okay. Take care honey? Manong? Please, take care of Jade." Nag-aala parin na sabi ni Mommy na akala mo naman ay kung saan ako pupunta. I just kiss Mom and Dad before I leave. At nang lumabas na kami sa may gate at sinuot ko na ang earphones ko at nag-play ng favourite kong kanta.

"Miss Jade dito lang po kayo sa gitna namin." Manong said at pinag-gitnaan nila akong dalawa. Tumango naman ako sa kanilang dalawa at nag-simula nang mag-pedal. I don't know kung malayo ba talaga ang university or lumayo lang talaga dahil sa bike ako sakay? But, I just shook my head on the thought of being tired. Si Sebastian nga kinakaya ako pa kaya?

Pagdating namin sa school as usual pinagtitinginan nila ako. Maybe they are expecting na bababa ako sa isang limousine.

"Naghihirap na ba sila? Bakit sa bike na lang sya sakay ngayon?"

"Baka naghihirap na sila."

"But her bike is hella expensive. I'm sure they're not."

I heard them said at kung ano ano pang bulungan ang narinig ko pero pinalampas ko na lang 'yon. Masyadong maganda ang umaga ko para hayaan ko lang na siraan nila ang buong araw ko. I just gave my helmet to my driver.

"Just park my bike over there. Doon mismo sa post malapit sa parking spot ni Sebastian." I said at itinuro ko sa kanila 'yong poste sa may gilid ng parking lot.

"Okay po."

"Thank you." I said with a smile before I look myself at the camera of my phone to check my hair. Medyo pinawisan ako at nagulo rin ang buhok ko. I need to retouch.

"Kayo po ba 'yong nag-thank you?" Manong said kaya napatingin ako sa kanya.

"Of course. Tayo lang naman po ditong tatlo ang nandito." I said and look at my phone again and start to retouch my face.

"W-Welcome po Miss Jade." I heard them said. I smile when I heard how they stuttered while saying those words.

"Are you two scared of me?" I said and look at them saka ko ibinalik sa bag ko na hawak nong isang bodyguard ko ang phone ko.

"M-Medyo po." My body guard said.

"Why? Hindi ako nangangagat okay?"

"Pero nang-sisisante po kayo pag-nagagalit." Manong said kaya napaismid ako sa kanya.

"I won't fire you unless you did something bad. By the way, I know that I made the two of you tired. Go get some relaxation on a spa or whatever. Just make sure that you will pick up my call when I dial your numbers." I said and gave them a check.

"Naku Miss Jade okay lang po kami." Manong said pero tinanggap nong body guard ko ang cheke. Napatawa naman ako sa expression ni Manong nang makita nya na tinanggap na ito nong kasama nya.

Sebastian Lee | CATASTROPHIC SERIES 1 [Completed]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant