Chapter 52

11 1 0
                                    


Carleigh Jade Revaz

"You're over working yourself again Jade. Stop this already. That's enough." Grey said but I didn't follow what he said. I'll just stop kapag nakaramdam ako ng pagod.

"Jade? Ano ba? Anong oras na oh?" Pigil parin nya sa akin saka nya inagaw ang mga binabasa kong papeles. Hindi ko sya pinansin at kumuha na lang ulit ng bago dito sa ibabaw ng lamesa ko.

"How long are you going to be like that Jade?"

"I don't know." I just said to him pero makulit talaga sya kaya kinuha na nya ulit ang hawak ko. Napahilamos na lang ako sa mukha saka ako parang walang buhay na sumandal sa swivel chair ko. Napasulyap naman ako sa wall clock ng opisina ko. Hindi ko namalayan na maghahating gabi na.

"Kahapon ka pang nilalagnat. Napigil nga kitang huwag umalis pero ganito ka naman?"

"Ano bang gusto mong gawin ko? Mag-party at mag-relax? How am I going to relax if problems are drowning me? Kahit ako ay hindi ko na maintindihan ang sarili ko. I want to be tired of everything but I just can't." I said to him but when I look at him kunot noo lang syang nakatingin doon sa phone nya. Tumayo ako at tiningnan kung ano bang pinapanood nya doon.

"What are you-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makita ko kung anong pinapanood nya.

It has caption 'I feel bad for her. Her soon to be husband run away from her so now, she's broken and looking like a crazy ugly brat.'

"Jade?"

"Who did this?" Galit na sabi ko habang nakatingin doon sa phone ni Grey. Mukha akong kawawa doon habang kitang kita ang pag-iyak ko doon sa ice rink. Hanggang sa mawalan ako ng malay ay nandoon sa video.

"I don't know. Someone tagged me on this post and it's already viral. I'm sorry, hindi mo na dapat nakita 'to." Sarkastiko akong napatawa dahil sa sinabi nya. May sasabihin pa sana ako nang biglang tumunog ang phone ko. It's a message notification and guess what, someone send me the video. And from that, I just found out who the hell did this. Sumusobra na talaga sya.

"What was that?"

"I know who did this shit. Hindi nya siguro alam na huling huli ko na sya."

"What do you mean?"

"It's Vienna." I said habang mahigpit kong hawak ang phone ko.

"Are you sure?"

"Bakit? Hindi ka rin ba makapaniwala? Well thanks to Sebastian, he already found out before he leave. At siguro hindi nya alam na kilala na namin sya kaya 'yong dating number parin nya ang gamit nya. Sya ang nang-bablackmail sa akin Grey." Galit na sabi ko saka ko kinuha ang bag ko at deretsong lumabas ng opisina ko.

"Where are you going? Gabing gabi na?"

"I'll make her pay. Hindi ko na syang tiisin." I said pero ramdam ko na sinundan nya ako.

"What are you going to do? Susugudin mo sya? Baka mapahamak ka lang?"

"Don't worry. I know what I'm doing. Kakausapin ko lang sya ng masinsinan." I seriously said at him.

"Ipagdadrive na kita. Gabi na."

"That's a good idea." I seriously said saka kami sabay na lumabas ng building at nag-drive papunta sa village nina Vienna.

Sebastian Lee | CATASTROPHIC SERIES 1 [Completed]Where stories live. Discover now