Chapter 48

10 1 0
                                    

Carleigh Jade Revaz


"Ano? Hindi parin ba sya tumatawag sayo?" Grey said. Nandito sya ngayon sa opisina at binisita nya ako. I let out a deep breath before I shook my head on him.

"Should I go there to know what's really going on?" Napatingin ako kay Grey dahil sa sinabi nya.

"Nagbibiro ka ba?" I said to him dahil hindi ako naniniwala sa kanya.

"I'm dead serious Jade. I can't watch you this way anymore. Nakikita mo pa ba ang sarili mo?" He said kaya napatingin ako sa salamin na nasa may table ko. I'm not wearing any make up. Mukhang pumayat nga ako at kita ang puyat sa mata ko. I became so pale pero wala naman akong ibang nararamdaman. Siguro naman ay healthy pa ako. That's the important thing right?

"Jade, let's go to Korea. Sunduin na natin ang gaging 'yon! Ano ba?" Biglang sabi nya sa akin. Alam ko kung saan nanggagaling ang inis nya. Dahil kahit sina Mom naman ay nagagalit na sa akin. But what should I do? May mga bagay akong dapat unahin katulad ng kompanya kesa sa sarili kong drama sa buhay. I need to know how to prioritize.

"Kapag ginawa ko 'yan ay iisipin nya lang na wala akong tiwala sa kanya. I'll just wait for him to contact me. Alam ko naman na tatawag din sya. Hindi nya ako kayang tiisin. Alam ko 'yon."

"But it's already a week Jade? Hindi ka ba nag-aalala kung anong ginagawa ng hayop na 'yon? You know what? Huwag ko lang talaga malalaman na ginagago ka nya dahil mapapatay ko talaga sya." Naiinis na sabi ni Grey saka nya inihagis 'yong magazine na hawak nya lang kanina.

"Don't say something like that Grey! Hindi ganyang klase ng lalaki si Sebastian. I know him hindi nya magagawa 'yon sakin. Ano ka ba naman?" I said to him saka ako pabagsak na naupo sa swivel chair ko at tumingala sa kisame. Sumasakit ang ulo ko sa mga iniisip ko.

"If you don't want to come, I'll go there myself. Papauwiin ko sya para sayo. Sino ba sya para pag-hintayin ka ng ganito?"

"Grey please calm down. Maybe he has a valid reason. Huwag mo naman agad syang husgahan."

"Whatever his valid reason is. Mali parin na iniwan ka nya ng walang kahit na anong pasabi. And it's been a week. Ganon ba sya kabusy para hindi ka man lang matawagan? Dahil ako kahit anong busy ko, you know that I always made my time for you. That's why I'm mad at him." Lalo akong biglang napaisip sa sinabi nya.

Ganon nga ba sya talaga kabusy para hindi nya ako magawang tawagan? Kahit na isang ni ha ni ho? Kahit isang tuldok lang para malaman ko na okay lang sya ay wala. This makes me insane.

"Maybe you're right, but I really trust him Grey. Kilala ko sya at hindi naman sya ganito. Siguro nga ay may rason sya. Iintindihin ko na lang sya kapag sinabi nya kung anuman ang rason nya."

"You're not like this Jade. Why are you letting him do this things to you? You deserve better. You deserve the best and anything in this world. Bakit mo hinahayaan na ganituhin ka lang nya? I know how you hated waiting but look at you, it's like you have an ocean of patience for him? Hindi ka man lang ba magagalit at magtatantrums dahil wala parin syang paramdam?" Naiinis parin nyang sabi sa akin kaya napapikit na lang ako para pakalmahin ang sarili ko.

"Maybe I changed a lot Grey. I'm more matured now. Mas pinipili ko na ngayong intindihin ang mga bagay bagay bago ako mag-isip ng kung ano ano. I am trying to look on the brightest side all the time than to look at the negative vibes of anything. I don't want to jump on my conclusions immediately. I am trying to be more wise and smart now Grey." I said while my eyes are still close. I'm trying to calm myself dahil pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko sa bigat ng nararamdaman ko. Pinipili ko na lang na intindihin ang lahat ngayon.

Sebastian Lee | CATASTROPHIC SERIES 1 [Completed]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang