"Uhh.. meryenda na tayo.", aya ko sa kanila. Si Zeke ay biglang lumingon sa akin na may parang kumikinang na mga mata.















"Oh my God, this is the first time you've ever invited me to eat together."















"Hoy Zeke, FYI, hindi lang kayong dalawa ni Keila ang kakain. She meant na lahat tayo. Don't think na masosolo mo siya.", hala. Ayan na naman sila, masama na naman ang tingin sa isa't isa. Napabuntong-hininga nalang ako at tinalikuran sila. Bahala nga sila. Mukang mas trip naman nila magtitigan eh. Kakain nalang ako. Hmff~















"Mommy, who is that?", tanong ni Luke habang nakaturo pa sa may entrance ng dining area.















"That's mommy's... co-worker, anak.", co-worker nga ba? Ah basta, iyon nalang ang sinabi ko. Di ko rin kasi alam. He is not exactly a friend anyways.















"Ah~ hello!", minsan nagsisisi ako na tinuruan ko ito ng good manners na laging babatiin ang bisita. Eh yung nandito eh bwisita -_-















"Hello little man. I'm your mom's--"















"CO-WORKER. Sabi nga ni Keila diba?", pagputol ni Kean sa kaniya. Mabuti na rin iyon at baka kung ano pa sabihin nitong kumag na ito -_- Inirapan naman ni Zeke si Kean. Ang isip-bata ng dalawang to. Pag ako nainis, silang dalawa na mismo ang palalayasin ko. Tss~















Inasikaso ko lang si Luke hanggang sa matapos na siya kumain.















"Drink water, anak.", inabutan ko naman siya ng isang baso ng tubig. Alangan namang yung isang galon ang ibigay ko. Ipapalaklak ko sa kaniya na parang alak no? Lels. Napadako ang atensyon ko sa magpinsan na parehong mukhang excited na hainan ng pagkain nila -_-# "Hoy, anong inuupo-upo nyo dyan? Kumuha kayo ng sarili niyong pagkain.", napa-pout naman sila na parang mga tuta. Hmf, bahala nga sila jan >_>















Gumawa ako ng brownies kanina. In the end, ako pa din ang nag-serve ng pagkain nilang dalawa. Hays, ang tamad nila eh. Tsk!













"Wow! Ang sarap, baby!", napangiti ako kay Kean.













"Oo nga baby, ang sarap!", napalingon kami kay Zeke. 'Baby'?













"Hoy, kumag. Sino'ng tinatawag mong 'baby'?", inis na tanong ng boyfriend ko.















"Si Keila. Alangan namang ikaw.", sagot ni Zeke habang patuloy na kain ng kain. -_- seriously these two.















"Wala kang karapatan na tawaging baby yan. Ako lang. Girl friend ko yan.", kinikilig ako shems.















"Fiancée ko yan.", napakuyom ang kamao ni Kean. Si Zeke eh nakangiting-loko lang. Pang-asar eh.















"Arranged lang yan. Di ka mamahalin ni Keila."















"I can make her fall for me kapag kaming dalawa lang sana ang magkasama."















"Oh yeah? I can make her fall for me even if I'm not around."















"Ho~ I can--", napahampas na ako sa lamesa kaya pareho silang natigilan at napalingon sa gawi ko. Naiirita na ako. "Keila..?"















"Baby..?"















"Shut up... shut up shut up shut upppp!!!!", nanggagalaiti kong sigaw sa kanila. Buti nalang at nasa backyard si Luke kasama ang mga yaya nya. "Takte, nakakainis na yang away nyo. You are not kids anymore so stop acting like it! Pambihira naman!", naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko at huminga ng malalim. "Zeke, di ako magpapakasal sayo. Kahit anong mangyari, hindi yun mangyayari.", deretso kong sabi sa kaniya. It's about time to put a stop on his fantasies. Nakita kong nalungkot ang mga mata niya. I am sad for him because I just can't return his feelings. Wala akong nararamdaman para sa kaniya.















"At ikaw Kean, di porke't boyfriend kita at may anak tayo eh magiging kampante ka na. Making efforts does not stop in the moment you get into a relationship."















Katahimikan ang naghari sa amin. Since wala na akong masabi at wala rin naman silang sinasabi, ay tumalikod nalang ako at umalis. Gusto kong mapag-isa. Kinuha ko ang car keys ni Kean at saka naglayas. De joke, magdadrive lang ako somewhere out there. Gusto kong huminga eh. Nakakasakal kasi doon. Haba kasi ng hair ko eh. Charot. Pero hays.














Mga kalahating oras din akong nagdadrive at nakaabot naman ako sa may pinakamalapit na lake sa lugar na tinitigilan namin. I spent minutes or even hours there just to clear my mind. Kung iisipin ko yung mga panahon na nasa France ako, wala akong enough memories with people there. Dahil nagpokus ako sa pag-aaral para magtapos at sa pagtatrabaho para may sapat na ipon ako para sa sarili ko at kay Luke. Hirap na hirap ako noon pero kinaya ko. And look where it got me now, kasama ko na si Kean, buo na kami. Kulang nalang ay ang maging official na kami as a family.

















Ma, pa.. sana nandito pa rin kayo. Para nakikita niyo ako ngayon na masaya kasama ang pamilya ko. Kahit na may nga epal eh hindi kami sumusuko. Ma, dalaga na ako oh. May nagaagawan na sakin. Hehe. Joke lang.















Natawa tuloy ako sa mga naisip ko. Hay nako nababaliw ka na naman Keila.











Ang ganda ng sunset. Buti nalang pala at naganap yung pagiinisan nila kanina. At least nag-walk out man ako, ayan ang ganda naman ng nasaksihan ko. Haha! Agad kong inilabas ang cellphone ko at pinicture-an ang sunset. Beautiful.















Naglakad na ako pabalik sa kotse. Nagulat ako kasi may dalawang itim na itim na kotse ang parehong nakaharang sa may kotse ko- este ni Kean. Tapos may mga lalaking naka-suit sa labas. Saan ho ang meeting mga pre?















Hindi ko nalang sana papansinin kaso lumapit ang dalawa sa akin.















"Mademoiselle Keila?", tumango naman ako. "Please follow us, a very important person has come to see you.", hala. Sino? Wala akong kilala na may inutangan ako?? Aber! Ay baka artista! EXO?! CHAR~















Pinagbuksan nila ako ng pinto at isang mukhang nasa mid-40s to 50s ang nakaupo doon, nakatunganga sa kawalan, na biglang lumingon sa gawi ko.















"A pleasure to see you again, miss Garza. I am Zeke's father, George Gutierrez.", pumasok na ako sa loob kotse muna. Nakakangalay kaya yung nakadungaw lang ako. "I will go straight to the point.", tumango naman ako. "Marry Zeke."

















What...?

























===







{LONG TIME NO UPDATE. CHAR. Eto muna ha. Busy kase na ako. 3 weeks nalang at bakasyon na ako. Bye bye high school~!}

"Remember Me" (FIN)Where stories live. Discover now