"Dapat po ay nakauwi na kayo ngayon. You should have a rest Mom. Okay lang po ako." I said habang tinatanggal ang kamay nya na nagmamasahe sa binti ko.

"It's fine anak. Masakit pa ba ang binti mo? Don't worry siguradong pabalik na si Vienna. Nagpabili ako ng ointment sa kanya para mabawasan ang muscle pain mo." She said ska nya ipinagpatuloy ang ginagawa nya. I look at Mom. Kung sa itsura lang sya pagbabasihan ay hindio aakalain na nasa 40s na sya. But looking at her as a daughter, I know that she's already tired. Hindi lang nya 'yon pinapahalata. I know how stressed they are right now at dumagdag pa ako.

"Tita." Halos sabay kami ni Mom na napatingin sa may pinto nang pumasok si Vienna. May dala syang mga paper bag.

"Oh, nandito na pala sya. Come here hija. Mabuti na lang at nandito ka na. She's awake." Mom said kaya hindi ko mapigipan na mapairap na lang. Pakiramdam ko ay lalo lang bumigat ang nararamdaman ko nang makita ko ang pagmumukha nya.

"How are you feeling Jade? Mabuti na lang at nakita agad kita kanina. Ano ba kasing ginagawa mo doon?" Nag-aalalang sabi nya sa akin.

Eh ikaw? Anong ginagawa mo doon?

"I'm fine now. Sabi ni Doc dahil lang daw sa Cold Intolerance ko ito. Konting muscle pain lang."

"Mabuti naman kung ganon. Nag-alala agad sayo nang makita kitang walang malay doon sa gitna ng ice rink."

Talaga ba?

"Don't worry. Okay lang naman na daw ako sabi ng doctor. Wlaa kang dapat ipag-alala." I just said saka ko kinuha ang gamot na inaabot sa akin ni Mom at ininom 'yon.

"Dapat hindi ka na pumunta pa doon. Tigilan mo na ang pag-sskate. Makakasama lang 'yon sayo."

"Okay." I just said saka ako bumalik sa pagkakahiga ko at tinalikuran sya. Naiinis talaga ako sa mukha nya.

"Are you mad at me? Ayaw mo bang nandito ako?" Madramang sabi nya kaya mariin na lang akong napapikit sa kanya.

"Of course not. Actually, I'm thankful na dinala mo ako dito. I am just so tired and my whole body hurts. Pasensya ka na." I just said para matigil na sya.

"Pagaling ka. I'll go for now dahil nag-text na sa akin si Papa. Don't worry, I'll visit you tomorrow." Sabi lang nito at hindi na ako umimik pa. Narinig ko lang na nag-paalam na sya kay Mom bago sya tuluyang umalis.

"May tampuhan ba kayo ni Vienna anak?"

"I hate her Mom." I seriously said to Mom.

"Why?"

"Basta po. May mga bagay po kasi syang nagawa na hindi ko nagustuhan. At kapag napatunayan ko na may kinalaman sya sa lahat ng problema natin ay hindi ko alam kung mapapatawad ko pa sya."

"Jade? What's going on? What do you mean? Don't tell me pinag-iisipan mo sya na-" Hindi ko na pinatapos si Mom at humarap na ako sa kanya.

"Yes Mom. At kapag napatunayan ko ang hinala ko sa kanya ay sisiguraduhin kong mabubulok sila sa kulungan."

"Don't say anything like that Jade. Vienna is your friend for a very long time. At si Mr.Lorenzo, napakabuti nyang tao."

"We can't be sure about that Mom. Bakit po hindi natin paimbestigahan si Mr.Lorenzo? Baka sya talaga ang may pakana ng lahat ng ito?"

"Jade? Mr.Lorenzo can't fo that to us. Malaki ang utang na loob nila sa atin kaya nga hanggang ngayon ay nasa panig parin natin sila. If you don't know tatlo na lang ang stockholders natin at kapag may umalis pa sa kanilang tatlo ay baka bumagsak na ang kompanya natin." Mahinahon na paliwanag sa akin ni Mom pero umiling lang ako sa kanya.

"Can't you see Mom? Sya lang po ang pinaka-iba sa atin. Imposible naman po kasi na gawin ito sa atin ng Lee State at ng pamilya ni Grey. Hindi po ba kayo nag-tataka kung bakit bigla na lang nag-lumaki bigla ang assets ni Mr.Lorenzo?"

"What are you saying? Lahat nang assets ni Mr.Lorenzo na may kaugnayan sa kompanya ay dumadaan sa atin. Jade masama magbibtang huh?"

"Exactly Mom kaya nga po nakita ko ang mga assets nya. Lalo lang po non pinalaki ang hinala ko sa kanila. And there are so many transactions under his name na hindi naman natin supplier at partners. I saw all his signature on papers Mom. We should investigate him." Mahabang sabi ko sa kanya. Habang maaga pa ay dapat sinasabi ko na ito sa kanila. We can't stay like this any longer. Naghihirap kami habang ang pamilya nina Vienna ay kinukuha na ang lahat sa amin. And I can't just let this happen. Hindi ko naman ito magagawa kung walang tulong nina Mom at Dad.

"Don't jump into your conclusions immediately Jade. Don't worry, I'll tell this to your Dad and we'll talk about this. Pero sa ngayon, magpahinga ka muna. Don't think too much. Kami dapat ang namomroblema nito at hindi ikaw." I let out a deep breath because of what Mom said.

"But trust me Mom. Masama talaga ang kutob ko sa kanila. At kahit ako naman ay gusto kong mapatunayan na inosente sila because if not? The friendship between me and Vienna will end here."

"Kung mapatunayan man natin na si Mr.Lorenzo nga ang may kagagawan ng lahat. It's nothing to do with Vienna kaya sana ay huwag mo syang idamay."

"No Mom. You don't understand. Si Vienna, she did something wrong that I never thought that she will do to me. And if everything goes back in place, bahala na kung mapapatawad ko sya pagkatapos ng lahat." I just said. Hindi ko pa kayang sabihin kina Mom ang tungkol sa amin ni Vienna. Ayaw kong pati ang sa amin ni Vienna ay iisipin pa nila.

"You're too young to be problematic so please be easy to yourself Jade. Kung anuman ang mangyari ay kami na ang bahala ng Dad mo. And your friendship with Vienna, I hope maayos nyo pa." Mom said kaya tumango na lang ako sa kanya.

Sana nga po Mom.





















"Where's Grey Dad? Hindi po man lang sya dumalaw sa akin." Tonong nagtatampo na sabi ko kay Dad dahil ngayon ang discharge ko pagkatapos ng dalawang araw na pagka-comfine ko sa ospital.

"He's still in Korea. Hindi pa daw bumabalik sabi nina Yngrid. Hindi rin ba sya nag-paalam sayo?" Si Mom ang sumagot sa akin.

"W-What? N-Nasa Korea po sya?" Halos malaglag ang panga na sabi ko.

"Yeah. Noong isang araw pa daw. Maybe he's on a vacation?"

Oh my god Dad! He's not on a vacation!

"Baliw na talaga sya." I said at napa-face palm na lang talaga ako bago kami pumasok ng kotse.

"So hindi mo rin alam? Bakit ba sila nag-sisialisan ngayon? Nong una ay si Sebastian and now, si Grey naman? Tapos parehas pa talaga silang hindi nag-paalam sayo? May tampo ba sila sayo?" Dad said kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Sana nga po Dad may tampo talaga sila s akin kaya hindi sila nag-papaalam."

"So what's the reason?"

Sinundan po ni Grey si Sebastian kaya po sya nandoon.

"Baka po nag-babakasyon talaga si Grey. I'll call him later na lang po." I just said saka ko kinuha ang phone ko sa bag at nag-type agad ng message para kay Grey.

Gusto kong mainis dahil tumuloy parin si Grey na sundan sa Korea si Sebastian pero hindi ko maiitanggi na namamag-asa ako na baka kasama na nya pagbalik nya si Sebastian. O king hindi man ay baka marinig ko na ang explanation ni Sebastian kung bakit mahigit isang linggo na syang walang paramdam.

I let out a deep breath before I look out of the window.

Sana walang suntukan na naganap sa Korea para pareho silang walang bangas na uuwi dito sa Pilipinas.










Sebastian Lee | CATASTROPHIC SERIES 1 [Completed]Where stories live. Discover now