Cumulus 31

62 1 0
                                    


Chapter 31
HUNGRY

Pinilit ko siyang magbihis dahil nanginginig na siya. I told him to go inside but he shook his head, refusing to do it. My heart ached again as I stared at him in disbelief.

"Your mom's in the kitchen. She wouldn't want to me see me inside."

"S-So what do you want to do? You'll stay here the whole time? Hindi ka talaga papasukin ni Mama kung maghihintay ka lang sa kanya!"

He swallowed hard. "I'm fine in here. I wanna see you so just keep visiting me... If it's not too much to ask."

"M-My mom will see you here at palalayasin ka lang ulit! Hindi ka papayagan manatili nun kahit dito! Umuwi ka na lang! Or rent a room! Hindi ka puwede rito sa labas!" my voice trembled for him.

"I want to be here. It either inside or outside your house. I don't care where. I won't leave."

"Nababaliw ka na!" galit ko siyang tiningnan. "Fine! Hindi ka makakatagal dito kaya alam kong uuwi ka rin! Bahala ka sa buhay mo!"

He smiled weakly. "Beat me. I can."

I gritted my teeth and looked away. I can feel my chest tightening that I want to cry again. "D-Do you want water?"

Agad siyang tumango. "Kahit isang baso lang, please. I'm so thirsty."

Nagmartsa ako sa kitchen at kinuha ang isang pitchel ng tubig. Third's right when he said Mama is already in the kitchen. Alam kong maaga talaga siyang gigising dahil ngayon ang labas ni Clarence.

"Anong gagawin mo?" she asked.

"Iinom." Diretso akong lumabas ng bahay.

Sunod-sunod ang lagok ni Third sa tubig nang ibigay ko iyon sa kanya. Tears heated in my eyes. Hindi ko siya kayang pagmasdan ng ganito kaya pagkatapos niyang uminom ay dire-diretso na ako sa kwarto at umiyak, nasasaktan sa pinaggagawa niya.

Nang makababa ako at makalabas ulit sa bahay, nakita ko na si Third na nagsisibak ng kahoy! Walang saplot at pinagtatyagaan lang ang mapurol na itak! Nanlaki ang mga mata ko at mabilis siyang hinila papatayo!

"What the fuck are you doing?"

His eyes looked so unsteady when he glanced at me. "Naubusan kayo ng gas. I'm chopping wood so your mother could finish cooking."

"Nababaliw ka na ba talaga?! Ihinto mo 'yan!"

"But—"

"Ihinto mo 'yan, Jufrithird!"

"Baby, how can your mother cook? Magdadala pa siya ng pagkain sa hospital—"

Pumikit ako nang mariin. "Inutusan ka ba niya?"

Umiling siya. "I just heard her calling someone for refill so I did an alternative. She still didn't see me here."

"At hihintayin mo pang makita ka niya at mapalayas ulit? Mas nakakabuting umuwi ka na lang! Mahihirapan ka lang dito!"

"Anong nakakabuti kapag malayo ako sa'yo? Ayos lang ako. Hindi ito mahirap na trabaho."

"Hindi ka magsisibak ng kahoy!"

"I can do it. I'll be fine." aniya at nagpatuloy sa pagsisibak.

Nanginginig ang labi ko at pinigilan siya ulit. Gustong-gusto ko na naman maiyak. Siya lang talaga ang kaya akong saktan nang ganito! Hirap na hirap na ako sa ginagawa niya!

"S-Stop that."

"I'll be fine—"

"I said stop that! Nilalagnat ka!"

Sign by the Cumulus (Cloud Series #3) - COMPLETEDOnde as histórias ganham vida. Descobre agora