Cumulus 14

45 2 0
                                    


Chapter 14
PICNIC

Matagal bago ko napaalis si Third sa kwarto. Kung hindi ko lang sinabing gagawa nga ako ng para sa kanya ay baka hindi pa siya umalis doon. I just don't know why he's suddenly like that. Ano bang gusto niyang gawin sa mga paintings ko?

Mabuti na lang at naging busy siya sa susunod na mga araw. Lagi't laging bumisita sa opisina at kung maagang uuwi ay nasa kwarto naman ako. I worked on what I promised, though. Hindi ko pa tapos pero nasimulan ko na naman ang pagpipinta ng para sa kaniya.

Bumaba ako ng living room at natigilan nang makita si Third sa sofa, tamad na nanonood ng isang documentary. I thought he'll have another hectic day again but it's good that he's not working now. Nakasuot lang kasi ng pambahay kaya mukhang hindi nga papasok.

Nanatili ako sa malayang likod ng sofa niya, nakinood sa palabas. Mrs. Gallardo told me Kyla will be here in a few kaya bumaba ako para salubungin sana. Hindi ko alam na nandito rin pala si Third.

Tahimik lang akong nakinood. I decided to wait Kyla outside instead but before I can walk, nakita na ako ni Third. Umayos siya ng upo at hindi na tinanggal ang tingin sa akin.

"Where are you going?" he asked, slanting his body so he could see me fully.

"Sa labas."

"Anong gagawin mo sa labas?"

Kung pupunta si Kyla rito, baka may gagawin silang dalawa ngayong araw? Unti-unti akong lumapit sa sofa at nakita ang pag-ayos pa lalo ng upo ni Third.

Walang sabi-sabing tumabi ako sa kanya. Naramdaman ko ang pagkakatigil niya lalo pa dahil dumikit ako. I glanced at my watch. Any minute by now, Kyla will arrive. This will be great.

"Fine, I'll just watch with you, then." ngumiti ako at bumaling na sa TV.

The movie was interesting kaya hindi ko maalis ang tingin doon. Third stayed beside me too, hindi naman nagrereklamo. Akala ko nga ay aalis at maiirita na naman. Ilang sandali lang ay nakarinig na ako ng mga yapak ng heels papasok.

I grinned inwardly and slowly laid my head in Third's shoulder. Umusog pa ako papalapit sa kanya at bahagyang kumapit, making our position looking more sweet and malicious. I can feel Third's eyes glaring at me bewildering.

"What are you doing?" he asked in a husky voice.

"I'm sleepy." I yawned genuinely. "Just for a while, love."

"Third," narinig ko agad ang boses ni Kyla. Ang bilis, ah?

Third looked up. Dahan-dahan siyang tumayo at kalmadong hinarap si Kyla.

"Hey, you didn't tell me you'll come." Tuluyan ng lumapit si Third sa kaniya at yumakap.

"I was about to surprise you... but it seems like I was the one who got surprise." sabay sulyap ni Kyla sa akin.

I only smiled. So Third didn't know she's coming. They don't have plans for today. Ako na lang kaya ang magplano para sa amin para makaeksena ako?

"We're just watching movie. What are you doing here?"

Kyla eyes remained on me. Ngumisi ako at tumayo na rin. "Hi, Kyla! How's your day?"

"Fine." she uttered a bit off. "How 'bout you? I can see your enjoying so much..."

I definitely know what she meant. I grinned and titled my head. "Yes. It's sad that someone has to interrupt it."

Nanghahamon ang tingin sa akin ni Kyla. Lumapit ako sa kanila. I smiled and went beside Third. "Anyway, you all have plans for today?"

Sign by the Cumulus (Cloud Series #3) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now