Cumulus 23

47 2 2
                                    


Chapter 23
PALAWAN

Hindi ko alam kung sa sinabing iyon ni Mrs. Gallardo ay pinapaalis na niya ako pero sinunod ko siya. I searched for a good place to go and booked the earliest flight of it.

Dali-dali rin tuloy akong nag-impake ng mga gamit ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako sa bakasyon kaya dinamihan ko na ang padala.

I don't think she'd provide me a vacation for nothing. Whatever reason she has, I don't want to think about it. I know I needed this vacation too. Hindi ako nakapagbakasyon noong una kasi umuwi naman ako. Ngayon ang magandang pagkakataon para magbakasyon.

A vacation means a lesser chance to see Third, which will be in her favor, and on my favor too.

"Welcome to Palawan!"

I've been wanting to visit Palawan kaya ito agad ang kinuha ko, maliban pa sa ito ang may earliest flight ngayon. Next time, I'll bring my whole family here. I promise.

I stayed at the hotel near the beach. Hindi ko pa talaga alam kung anong gagawin ko rito kaya hanggang wala pang sinasabi si Mrs. Gallardo, plano kong gumala muna ngayon at maglibot.

Iyon nga ang ginawa ko. Naglibot ako at namili. Bukas ko pa plinaplanong magswimming kaya mamimili muna ako ngayong araw.

I brought some wooden souvenirs sa isang woodcrafting store sa Palawan. I also brought gifts for my family. Ang gaganda ng mga paninda roon. Even the foods and the restaurant near the beach are so good and delicious.

Kinabukasan ay nagswimming nga ako. Palawan's beach is so breathtaking. It's therapeutic, too. Sa kabababad ko sa dagat, parang ngayon ko lang naramdamang stress ako for some reason. This vacation really helps me breathe from everything.

I enjoyed myself the remaining days. Hindi ko tinigilan ang pag-e-explore hanggang wala pang sinasabing trabaho. Pakiramdam ko matagal pa bago maulit ito kaya susulitin ko na.

Naubos na ang mga activities ko at halos nalibot ko na ang buong Palawan, hindi pa rin ako tinatawagan ni Mrs. Gallardo. Ilang araw na ako rito. I don't know if she really wants me gone by giving me this vacation pero kilala ko naman siya. Kung gusto niya akong umalis na, palalayasin niya ako agad.

She doesn't need to expend this much. Kaya bakit hindi niya pa ako pinapabalik? Ngayon lang ako walang ideya sa mga plano niya. Ni hindi ko alam kung anong gusto niyang gawin ko rito.

"She's not answering." I uttered to myself when I called Mrs. Gallardo.

She asked me to use other phone so I did. Bago ako umalis, sinabi niya din na tatawagan lang niya ako pero hindi pa rin siya tumatawag hanggang ngayon.

Ano na kayang nangyayari sa mansion? Is everything fine, though?

Hindi ako nakatawag sa pamilya ko habang nandito sa Palawan kasi ibang phone na ang ginagamit ko. So I decided to call them now. And I was glad I did because I missed out a fucking lot about them!

"Ano? Bakit? Anong nangyari?!" I panicked a bit after Ate Pearl informed me that Clarence, our little brother, was rushed to the hospital days ago.

Fuck! I was enjoying here in Palawan tapos ganito pala ang sitwasyon sa bahay?

Hindi lang 'yon. Papa insisted to work to pay Clarence's hospital bills and strained his legs kaya ngayon nasa hospital na rin! Nag-away pa sila ni Mama at ngayon, si Mama na rin ang nagpupumilit magtrabaho kahit hindi pa magaling ang opera!

Ang sama-sama ng loob ko! Ang lalakas ng loob magtrabaho, puro naman sakitin! Ano bang problema kung ako muna ngayon? Saka na sila magtrabaho kapag tuluyang gumaling na! Hindi ko naman sila pagbabawalan!

Sign by the Cumulus (Cloud Series #3) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now