Cumulus 10

43 2 0
                                    


Chapter 10
ITIGIL

Maaga akong umalis sa mansion kinabukasan. Excited na excited akong umuwi na hindi na ako nagpaalam kahit nino. Mrs. Gallardo knew I'll really leave early kaya tinext ko na lang siya noong paalis na ako.

Hindi pa nakauwi sina Mama mula sa hospital kaya doon agad ang punta ko. My heart started aching as soon as I saw my mother lying in a good bed and my father resting comfortably just beside my mother's bed. Nanunuot na naman ang sakit sa akin habang pinagmamasdan sila sa ganitong sitwasyon.

This is the reason why even when I'm starting to find my job really difficult, I'm still very grateful of Mrs. Gallardo. They provide this everything to me for a single job on his son. Kahit pa nagsisimula ng maging mahirap ang lahat sa puntong tinatanggap ko na ang kahit anong insulto, hindi ko pa rin kayang bitawan ang trabahong nagligtas sa pamilya ko.

"Ma, Pa..." my voice broke the moment I opened my mouth.

Natigilan sila sa pag-uusap nang makita ako. Mama was so shocked while my father got teary-eyed. Pati si Ate Pearl na hindi ko sinabihan sa pag-uwi ko ay hindi nakapagsalita sa gulat.

"P-Pristine!"

I went to them and hugged them tightly. Halos bumuhos ang luha ko kung hindi ko lang agad napigilan. Niyakap ako nang sobrang higpit ni Mama hanggang sa maiyak siya. I also went to my father and hugged him tightly. Mas lalong gusto kong maiyak nang makita ang sitwasyon ng paa niya.

"Pristine!" Mama cried. "H-Hindi ka nagsabing uuwi. Miss na miss ka na namin."

Hindi ko alam kung paano nakayanan iyon. Gustong-gusto ko ng umiyak at ibuhos ang lahat ng panghihina't pananabik ko sa kanila pero hindi ko magawa. Nang mahimasmasan ay saka pa lang ako naupo sa gitna nila at nanghihinang ngumiti.

"K-Kumusta, Mama? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" nanginginig ang boses ko.

Suminghap si Mama. "A-Ayos lang ako. Minomonitor na lang ng doktor at makakauwi rin naman agad. Ikaw? Kumusta ka roon, Pristine? Nagulat na lang ako nang biglang sinabi ng Ate mo na hindi ka makakauwi dahil sa trabaho! Ano ba ang nakuha mong trabaho at bakit hindi ka makakauwi sa bahay? Paano mo natustusan ang pangangailangan sa hospital? Nag-aalala ako!"

I smiled sadly. Gusto kong sabihin sa kanila ang totoo pero natatakot akong baka hindi pa ito ang tamang oras.

"Ayos lang ako, Mama. Huwag po kayong mag-aalala at makakasigurado kayong nagtatatrabaho ako nang mabuti."

"Paanong hindi ako mag-aalala? Hindi mabanggit-banggit ng Ate mo kung anong trabaho ang nakuha mo! Ang laki ng babayarin sa hospital. Nag-uunahan ang mga negatibo sa utak ko kung paano mo nagawang pagtrabahuan ang lahat ng ito!"

"Mama," pagpapakalma ko sa kanya. "Maayos po ang trabaho ko. Huwag po kayong mag-aalala. Sigurado naman akong napaunawa nang maayos ni Ate sa inyo."

"Nabayaran ang napakalaking bill natin dito, Pristine! Syempre hindi ko maiwasang hindi mag-alala! Ano bang trabaho iyan?"

"Sophia, tama na 'yan at magpasalamat na lang tayong nakabisita ang anak mo..." sabat ni Papa sa usapan. Ngumiti siya sa akin. "Kumusta ka, Pristine? Nagpapakalusog ka ba roon? Sana nagsabi kang bibisita ka para nasundo ka ng kapatid mo."

"Ayos lang ako, P-Papa." Parang nilulukot ang puso habang nakatitig sa ama. "Ikaw po? Maayos po ba ang pakiramdam niyo?"

"Maayos na ako. Lumalakas na din. Tingin ko nga makakapagbuhat na ako pagkalabas dito, e."

Nawala ang ngiti ko. Nilingon ko si Ate Pearl at pinandilatan. Tumawa lamang siya.

"Maayos na siya, Pristine. Huwag ka ng mag-alala."

Sign by the Cumulus (Cloud Series #3) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now