Cumulus 9

48 2 0
                                    


Chapter 9
VACATION

Pumayag si Mrs. Gallardo na imbes magbakasyon ay uuwi muna ako sa amin ng ilang araw. Hindi ako makapaniwala pero sobrang saya ko. Akala ko hindi ako papayagan.

Dapat paghahandaan ko ang paggawa ng kung ano-anong excuse kung sakaling magtanong si Third pagbalik ko, iyon ang kondisyon ng pagpayag. Though, I doubt if he would ask, e, wala naman 'yong pakialam. Hindi rin dapat ako nakikita sa kung saan didto sa Manila. Third's knew I'll be taking my vacation out of town so I'll be in trouble if I've seen here.

Ayos lang 'yon. The conditions are easy. Ang importante makakauwi ako.

Abala ako sa pagpipinta nang biglang may kumatok sa kwarto. Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang iritadong si Third.

"Kanina pa ako kumakatok." pahayag niya, salubong ang mga kilay.

Natigilan ako. Hindi pa ako nakapagbihis nang maayos at magulo pa ang nakatali kong buhok na may mga nahuhulog na takas. Nakasuot lang din ng white sleeveless shirt at shorts. Pawisan at may pinta pa ang mga daliri. Naglilinis kasi ako sa buong kwarto at nag-impake ng mga gamit bago nagpinta.

"Bakit?" Inawang ko nang malaki ang pinto para makita ko siya.

He was about to speak when his eyes dropped down. Sinuyod niya ako ng tingin ang kabuuan ko, mula paa hanggang ulo. Tumigil ang mga mata niya sa leeg ko at nag tagal agad ang titig doon.

Hinawakan ko ang leeg ko at bahagyang tinuyo ang pawis doon. Mukhang hindi siya naging kumportable sa itsura ko kaya bahagya akong umatras.

"Bakit?" tanong ko ulit.

Matagal bago siya nagsalita. "What are you doing?"

"Naglilinis."

"With paint stains?" His eyebrows furrowed.

"Nagpipinta rin. Bakit ka kumakatok?"

Tinagilid niya ang ulo niya at tinitigan ang mukha ko. Kapagkunwa'y sinuyod niya ulit ako ng tingin. Mas lalo akong umatras at gusto ng magbihis.

"You are called for lunch." Umiwas siya ng tingin at tiningnan ang buong kwarto ko. Natigil ang mga mata niya sa canvas na nakatalikod.

Bakit kaya siya ang tumawag? Pwede naman ang mga kasambahay. Bababa rin ako maya-maya.

"Bababa ako. Magbibihis lang."

"You were painting?" tanong niya, nakatitig sa mga paints ko.

"I-It's just my personal paints. Dinala ko rito. Hindi ko ginalaw iyong mga paints na nandito sa kwarto. Pati 'yang canvas dinala ko rin. Pinagkalibangan ko lang kapag walang magawa." paliwanag ko dahil baka magtaka siya kung bakit ako may mga gamit at bakit ako nagpipinta sa kwarto nila.

Nagtaas siya ng kilay. "You paint that way?" sabay turo niya sa mga daliri kong may mga pinta.

Napalunok ako at nagbaba ng tingin sa kamay. "I used my hands for some minimal designs..."

Tumingin siya sa akin. His eyes couldn't steady. It moved everywhere to my hair, to my ear, to my face then back to my neck. Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin.

Sign by the Cumulus (Cloud Series #3) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now